Share

Our Memories in the Shadows
Our Memories in the Shadows
Author: Aking Paraluman

Simula

I already prepared my self to accept all of this. 

Nilunok ko ang pride ko papunta dito, hoping everything will be fine.

But I wasn't inform it will be this hard.

Akala ko madali lang kung patatawarin ko siya at magsisimula ulit kami sa uno. 

Akala ko lang pala...

Dahil ngayon, nandito ako sa madilim na sulok sa ilalim ng malaking puno kung saan tanaw ko ang dalawang taong naghahalikan. 

Kahit sobrang lalim na ng gabi at malakas pa ang ulan, agad akong nagtungo dito sa subdivision kung saan ang bahay niya upang ipakita ang pregnancy test kong may dalawang linya.

Nagtungo ako dito kahit ilang araw na niyang hindi sinasagot ang mga text at tawag ko. I came here hoping to reconcile and wanted to surprise him. Pero mukhang ako ata ang nasorpresa dahil sa bumungad sa akin. 

Kahit umuulan ay ramdam na ramdam ko ang bawat pagtulo ng mga luha ko.

Nanatili akong nakamasid sa dalawang tao at walang ni isang salitang ibinigkas. Kasi pakiramdam ko kung magsasalita ako ay mababasag lamang ito at baka mapahagulhol ako dito nang wala sa oras. Ayokong makita nila ako na nakatingin sa kanila. Lalong ayaw kong makita nila na nasasaktan ako sa ginagawa nila.

 

Alecasper Montenegro was my boyfriend for almost a year. Mag-iisang taon na kaming nagmamahalan at nagpaplano na ring magpakasal. Pero ngayon, hindi ko alam kung may karapatan pa ba siya sa mga plano namin.

To be married was my childhood dream. But now, marriage seems unreachable.

This maybe one of my karma because I failed to listen to him too in the first place. Kung sana hindi ko inuna ang selos, kung sana hindi ako lumayo ng dalawang linggo ay hindi sana kami aabot sa puntong ito. 

 

Kung siguro pinakinggan muna namin ang bawat isa, hindi sana kami magkasakitan. 

 

Pero nasaktan ko nga ba talaga siya? Sa nakikita ko ngayon, parang nabigyan ng hustisya ang pagdududa ko noon. You proved it to me that I was right! Siguro naghihintay ka lang ng tamang tyansa upang makawala sa akin.

 Bakit ganito?

Was my love not enough? Nasobraan ba ako? Nasasakal ka ba? Sabihin mo sa akin kung bakit! Sabi mo ako lang!

 

Napaupo ako at tinakpan ang bibig upang itago ang hikbi.

“Saan ba ako nagkulang, Alec? How dare you let me feel this pain,” I whispered in the middle of my sobbing.

 

Ang sarap sumugod at pagsasampalin kayong dalawa pero ayoko na. Mukha ka namang masaya nitong mga nakaraang araw.

Pero... Alec, please?

Can you just push her and embrace me in your arms tonight? Itulak mo lang ang babaeng 'yan at umiwas sa paghalik, kahit huli na...kahit naghalikan na kayo.

Kahit niloko mo na ako, kahit nasaktan na ako, ay tatanggapin pa rin kita. 

 

For the sake of my child...

 

I'm willing to forgive you, so please...

 

 

Ngunit mas lalong nawasak ang puso ko nang mas idiniin ng babae ang paghalik at hinawakan ni Alec ang mukha nito. Alec even move his head down to the girl's neck. Mariin ang hawak ng babae sa buhok ng lalaki na halatang nasasarapan silang dalawa sa ginagawa.

 

Mapait akong napatawa habang nadudurog ang puso sa nasaksihan.

So this is it, huh?

Is this how you break promises and dreams?

Dahil sa sakit na nararamdaman, pinunasan ko ang luhang kumawala at tumalikod sa kanila. Kinagat ko ang pang-ibabang labi habang tinatahak ang basang daan. Trying my best not to breakdown...

 

Masakit, oo. Pero kailangan kong maging matatag dahil may tao akong dinadala sinapupunan.

 

“Anak, pasensya na ha kung nadamay kapa sa away namin?” I gently clutched my tummy while painfully smiling. Humina na rin ang ulan kaya damang-dama ko na ang pagtulo ng luha ko mula sa mata. 

“Looks like your Dad is busy...” my voice cracked but I still manage to stand straight. “Let's just have each other, okay? Mommy will take care of you and you will give me happiness every day. Pahiram nalang ng lakas anak ha? Halos kinuha kasi lahat ng daddy mo kaya, ang hina ko ngayon. ” I smiled at my tummy, as if my child would see me. 

Biglang kumidlat at kumulog nang malakas. Kaya mas pinili ko munang sumilong sa isang waiting shed ng bus stop.

I hate thunders very much. Ang malakas at nakakatakot na tunog na ito ay parang minsanan ng naging parte ng katawan ko, at nagdulot ng masamang epekto.

I don't know why and probably will never know. But maybe I was born a long time ago and was struck by lightning and died as the thunders were roaring.

 

Napahawak ako sa tiyan. Nang humupa ang ulan ay naglakad ako papunta sa isang malapit na hotel. Ayoko munang umuwi, hindi ko pa kayang harapin sila mommy at sabihin sa kanila ang totoong nangyari. 

 

Pagpasok ko ng hotel ay agad nabalisa ang mga staff nang makita ako. Nakiusap ako sa kanila na humiram ng tuyong damit. 

 

“Do you have clothes that you can lend? I'm pregnant, I don't want to be sick...” 

 

Nag offer rin naman sila na labhan ang basa kong damit at ilagay sa dryer para magamit ko ulit bukas. Hindi ko 'yon tinanggihan. I ordered for hot water after I took a bath, upang mainom at mahimasmasan sa lamig. 

 

Dinampot ko ang maliit kong bag at binuksan. Hindi naman nabasa ang loob dahil leather ito. I took my phone out and texted Mom, baka mag-alala pa sa akin. 

 

I let out a deep breath and calmed my mind. I have to rest for the sake of my child. The next thing I knew, I fell asleep. Kinabukasan nagising ako sa tunog ng cellphone na tumatawag. Inabot ko 'yon at agad bumungad sa akin ang boses ni Mama. 

 

“My goodness, Lena! Where the hell are you?” 

 

I looked at the clock that was hanged above the television. It's 7 in the morning. 

 

“Nasa hotel ako Ma,” I answered in a sleepy voice.

 

“What are you doing there? Don't tell me you are with that Montenegro again?” I can hear the gasped of my Mom. Para namang may tumusok na kutsilyo sa dibdib ko nang marinig ang apelyedo niya.

 

 

“I'm alone Mom,” I lazily said. Tumayo ako at binuksan ang tv, gayundin ang kurtina upang may sinag ng araw ang makapasok. 

 

“Ohh really...” The doubt in her voice is very clear. Napabuntong hininga nalang ako. Am I really that into him that my family even thinks we're together whenever I am away from our home? I chuckled in my mind. You're so pathetic, Lena. 

 

“Anyway, my dear... We're having a dinner with Senator Del Marion's family tonight. Pinapaalahanan lang kita para wala ka ng maibigay na rason sa akin. Come home since we'll go together.”

 

“What? Mom I ca—” Bago ko pa nasabi ang ibig kong sabihin ay pinutol na ni mommy ang tawag.

I can't go there. I'm tired from all of these. Baka naroon si Alec. This social circle is too small, and I know it's not going to be a mere dinner only. Ayokong makita siya. Ayokong harapin siya.

 

Marahas akong napabuntong hininga. In a few minutes, my breakfast came. When I tasted it, I noticed I am having hard time eating because of the garlic smell. Ayoko sa baho, this is maybe because I am pregnant now. 

 

Matapos kong maligo ay bumaba ako at deritsong nagbayad. Uuwi ako ng bahay, I need to tell my Mom what's going on. Nag-aantay ako ng taxi when a familiar black mustang stopped in front of me.

Lumabas dito si Gabriel.

 

 He then gave me a wide smile.

 

“Good morning Love! What are you doing here? Miss mo'ko no?” Umirap lamang ako sa mokong na papalapit sa akin. Yeah right, this is his hotel. 

 

“You are ruining my morning, Gab.” Inilagay niya ang palad sa dibdib at umaarteng nasasaktan pagkatapos kong sabihin 'yon.

 

“Ouch naman. My heart. Ang sungit ng crush ko.” 

 

“Stop calling me that.” Mariin kong sabi.

 

He 'tsk'. 

 

“Sungit talaga...” Bulong niya na hindi naman nakatakas sa pandinig ko. 

 

“May gagawin ka ba?” Tanong ko

 

“No. Why?” Kuryuso niya ring tanong. 

 

“Goods. Ihatid mo'ko sa bahay.” Tinapik ko ang balikat niya at naglakad patungo sa kaniyang sasakyan. Bumaling ako sa likuran dahil mukhang di niya pa gets yung sinabi ko. I gave him a 'what look'.

Napailing na lang siya at bahagyang tumawa. Pumasok ako sa loob at sumunod naman siya sa akin.

 

“Buti nalang talaga crush kita, Celine,” aniya habang pinapaandar ang black mustang. 

 

I laughed at him. “Buti nalang talaga.” Pang-aasar ko. 

 

Tumawa kaming dalawa. I don't see him that way though. Crush niya raw ako pero I know it's just infatuation. No romance. Just admiration, I guessed. And for the call sign he called me a while ago, that's just his way of showing love.

 

Our relationship is more on friendship. Sadyang napapagkamalan lang kaming mag jowa minsan.

“So, why are you sleeping in Francién?” Panimula niya.

 

“I was soaking wet because of the rain, wala na ring mga sasakyan pa at ang hotel mo ang malapit na pwedeng matulugan.”Napasilip siya sa akin.

 

“Really? Sana tinawagan mo nalang ako.” I can see concern in his eyes. 

 

“It's midnight already...at gusto ko rin namang mapag-isa.” Tumingin ako sa labas ng bintana. 

 

Siguro kung wala akong dinadalang tao sa sinapupunan ko, baka tinawagan kita kagabi at niyayang magpakalasing.

 

“Why? Did something happen?” His voice is now curious but worry can also be heard from his words. 

 

Hindi ko alam paano ko ba sasabihin sa kanya. He's my friend after all so maybe didiretsohin ko nalang. 

 

“I'm pregnan—” Before I could even pronounce the last letter of my statement, a loud screech is heard. I cussed hard, he suddenly stop in the middle of the road for pete's sake! Buti nalang naka seat belt ako. 

 

“Gago!” Sigaw ko sa kaniya at sinuntok ang braso niya. 

 

Gulat siyang napatingin sa akin at lumapit upang tignan kung okay lang ba ako. 

 

“Fuck, I'm sorry,” aniya sa tonong kinakabahan.

 

“Muntik na akong makunan.” Pagbibiro kong sabi pero seryoso pa rin ang tunog ng pananalita.

 

Nakaawang naman ang labi niyang tumingin sa akin.

 

“Y-You're joking, right?” Tanong niya na pilit kinakalma ang sarili. 

 

I sighed. 

 

Sana nga nagbibiro lang ako diba?

 

Umiling ako sa kaniya habang nakakagat sa pang-ibabang labi. Hinawakan ko ang tiyan ko. Don't worry baby, everything will still be fine. We're gonna be fine.

 

“Who's the father?” 

 

Napatingin ako sa kaniya nang maitanong niya 'yon. He's is seriously looking directly at me. 

 

“I-It's...uhh...” Hindi ko alam kung bakit kinakabahan akong sabihin kung sino. 'Diko alam kung bakit parang ayaw namang sabihin ng pagkatao ko.

 

“It's okay... don't mention it,”aniya at pinaandar ang kotse.

Diretso siyang nakatingin sa harapan na para bang may malalim na iniisip. Seryoso lang siyang nag da-drive. Bumagal din ang pagtakbo namin. I suddenly felt nervous because of his sudden change of treatment.

 

 It's like cold but careful. 

 

Nakatitig lang pala ako sa kaniya mga ilang minuto.

Bumaling siya sa akin at bahagyang ngumiti. 

 

I don't know if what I saw was just my hallucinations...

 

But his eyes and smiles were faint. Even his faint smiles are telling something that even the lips can't utter. I don't know why but this is giving me a bang in the chest. Ang lakas ng tibok ng puso ko na para bang sasabog wala sa oras. I feel like... I don't know, I can't explain it either.

 

Napalunok ako.

 

Tumingin ako sa labas ng bintana, magbibiro pa sana ako ngunit mas pinili kong tumahimik nalang. I took a very deep breath to calm my heart.

 What the fuck is wrong with me.

 Stop it...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status