Share

Chapter 10

CHRISTINE

Madilim ang paligid at naghahari ngayon ang dilim subalit nararamdaman ko parin ang matinding pananabik ng mga taong naririto ngayon. Bakas ito sa bulong bulungan na naririnig ko ngayon na animo'y hinihintay na nila ang unti unting pagliwanag ng paligid. At nangyayari na nga aming inaasam asam. Unti unti ng bumubukas ang mga ilaw na ngayon ay nakatutok sa entablado. Nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa mga tao habang hinihintay nila na magsalita ang announcer.

"And our last performer, but definitely not the least, please help me welcome, from St. Luiz High, Mr. Christian Del Rosario," narinig kong sabi ng announcer dahilan para kami lahat ay maghiyawan.

Dahan dahan ng lumabas si Kuya mula sa backstage at ngayon ay papunta na siya sa malaking grand piano na nasa gitna ng entablado. Habang naglalakad siya ay sinusundan siya ng spotlight hanggang sa makarating siya sa gitna. Nagbow siya sa amin lahat at ngayon ay papunta na siya sa piano.

Naghari muli ang katahimikan at ngayon ay hinihintay na lang namin ang pagsisimula niya sa pagtugtog. At namangha nga kaming lahat ng nagsimula na siyang magtanghal. 

Inumpisahan niya ang kanyang performance sa pagtugtog ng 'Nocturne op.9 No.2 ni Chopin.'

Maluha kong pinagmasdan si Kuya Christian sa pagtugtog. Bawat pikit niya sa kaniyang mga mata at bawat galaw ng kaniyang mga kamay ay bakas dito ang pagmamahal niya sa musika. Dati'y nakikita ko siyang parating kaharap ang kaniyang piano sa bahay at palagi siyang tumtugtog para sa akin. Ramdam ko ang simoy ng malamig na hangin sa paligid na ngayon ay tila nakikisabay sa musikang tinutugtog ni kuya.

Pagkatapos niyang tugtugin ang kantang iyon ay akala ng lahat na tapos na siya subalit nagkakamali sila. May isa pa siyang kantang tinugtog na nakapagpabagabag sa buong paligid.

"Anong title ng kantang yan?"

"Classical song ba yan?"

"Sinong nagcompose? Ang ganda naman," rinig kong bulong bulongan ng mga tao ngayon. Hindi sila mapakali habang pinagmamasdan si kuya. Pilit nilang inaalam kung anong title ng kantang siyang bumihag sa kanilang mga damdamin ngayon. Habang nababagabag sila, heto naman ako, payapa pa ring nakikinig kay kuya. Hindi katulad nila ay alam ko kung sino ang may gawa ng kantang iyan. Si kuya mismo. Siya ang nagcompose ng kantang iyan at hindi ko maitatangging napakaganda talaga nito.

Lumipas na ang oras at tapos na ang pagtatangal. Bagamat marami sila na nagtanghal kanina, may mga bata pa, may mga kasing-edad ko, at mga matatanda pero halos lahat ay nakatuon ang attention kay kuya. Yung iba, nagpapapacture, may iilang media men ding iniinterview si kuya. Pagkatapos nito, kami naman nila mom and dad ang lumapit para icongratulate si kuya.

"Kuya, congrats!"Sigaw ko sa kaniya sabay yakap ng mahigpit.

"Anak, you did well, ang galing mo talaga," sabi naman ni mom habang si dad naman ay niyakap din si Kuya pagkatapos ko.

"Tara, dinner tayo sa labas?" Sabi ni dad.

"Sige po!" sabi ko naman sabay ngiti kay dad. 8:30 na kasi at ngayon lang natapos ang show kaya medyo gutom na talaga ako.

"Sure dad. Pero hindi ako makakasama sa inyo, imemeet pa po kasi ako ng principal at teaching staff ng St. Luiz eh," sabi ni kuya kaya napapout ako.

"Sayang naman kuya, it's your day pa naman. We should celebrate because you had an excellent performance," sabi ko.

"Anong sayang ang pinagsasabi mo dyan? Sandali lang kaya yung meeting. What I mean is that mauna nalang kayo kung saan man tayo kakain tapos susunod nalang ako. Just text me the address. Hindi rin naman ako makakasama talaga sa inyo papunta dun eh kasi nagmotor lang ako papunta dito kanina diba?" Sabi naman niya, dahilan para manumbalik ang ngiti ko.

"Talaga kuya ha?" sabi ko.

"Sure! Order mo 'ko ng favorite ko! Alam mo na yun," sabi naman niya.

Lumipas ang iilang sandali at narito na kami ngayon sa restaurant. Tapos na rin kami magorder at ngayon ay hinihintay na lang namin si kuya. Habang naghihintay ay kinuha ko muna ang phone ko at naglaro ng 'flappy bird.' Hindi ko na namalayan na nakakailang rounds na pala ako kasi masyado na akong nadala sa paglalaro. Hangga't sa dumating na yung order namin pero wala pa rin si kuya.

"Let's just wait for Christian first," sabi ni mom.

Tinignan ko ang oras at nakita kong 9:30 na pala. Sabi ni kuya, mabilis lang daw siya imemeet!

Hanggang sa napag desisyonan na naming kumain at natapos na namin ito pero wala paring kuya Christian na sumabay saming kumain. Ilang beses na rin siyang tinawagan ni dad pero cannot be reached pa rin siya.

Paalis na sana kami ngunit bigla nalang may tumawag kay Dad.

"Unknown number. Sasagutin ko ba?" sabi ni dad.

"Sige lang, baka importante," sabi naman ni mom. Hindi iyon naka loud speaker kaya hindi ko narinig ang tawag.

Tinignan ko naman si Dad at bakas sa mukha niya nung una na nagtataka siya kung sino yung tumawag pero hindi naglaon ay nagiba ang emosyon ni dad. Bakas rito ang labis na pagkabalisa at tila may narinig siyang isang hindi inaasahan at hindi kapani paniwalang bagay.

"Bakit daw?" sabi ni mom.

"T-tara. Saka ko na lang sasabihin," sabi ni dad at mabilis na tumayo kaya wala naman akong nagawa kundi sumunod na rin, gayundin si mom.

Habang na sa biyahe, pansin kong iba ang daang aming tinatahak pero nagdesisyon akong wag nalang magtanong. Tahimik lang kami sa buong biyahe. Ngunit nagumpisa ang aking kaba ng makita kong sa parking lot ng ospital kami papasok.

Unti-unting may mga hindi magandang bagay na pumasok sa aking isip pero pilit ko itong inaalis sa aking isipan.

Hangga't sa marating namin ang isang silid na kung saan nakita ko si kuya na nakahiga. Tanging mukha nalang niya ang makikita kasi balot na ng isang kumot ang kaniyang katawan. Payapang payapa ang kaniyang mukha habang nakapikit. Kalmadong kalmado ito.

"Kuya, bakit andito ka pa? Kinain ko na tuloy yung inorder ko sayo," sabi ko at kinalabit siya ngunit hindi niya ako pinansin. Unti-unting namuo ang mga luha sa aking mata ng makita ko ang mga bahid ng dugo at sugat na nasa ulo ni kuya. Tila labis akong nagugulahan kung bakit siya nagkakaganito kaya pilit ko siyang sinisigawan ngayon at sinasabihang gumising na. Habang nakikita ko si kuya, hindi ko maiwasang sisihin ang bagay na pinakamamahal niya. Ang musika. Pilit akong inaawat ng mga taong nakapalibot sa akin ngayon pero patuloy lang ako sa pagiyak at pagsigaw hangga't sa unti unting dumilim ang paligid at tanging itim na lamang ang nakita ko.

"Kent, okay ka lang? May sakit ka ba?" Dinig ko mula sa aking likuran.

Sh*t, nakatulog ba ako? Ang huli kong matandaan ay pumunta ako dito sa music room kasi pinapunta ako dito ni sir Clinton para magensayo.

"Kent?" Paguulit niya, dahilan para matauhan ako.

"N-no sir, I'm okay. Pagod lang siguro 'to," sabi ko naman at pilit na ngumiti.

"Okay, you can just take a break for today. Sabihin mo nalang sakin kung may napili ka ng kanta na tutugtugin," sabi ni sir Clinton.

Agad naman akong nag-thank you sa kaniya tsaka lumabas na ng music room. Agad kong tinext si Kent na puntahan muna ako doon sa bench malapit sa main hall kasi kailangan kong sabihin sa kaniya 'tong tungkol sa upcoming performance niya.

Agad naman siyang dumating matapos ang ilang minuto pero halatang hingal na hingal. Yuck, pinapawisan tuloy yung katawan ko!

"Ano nga ulit sabi mo babe?" Tanong ni Kent na ngayon ay nasa katawan na niya. Heto naman ako, damang dama ngayon ang pawis sa katawan ko ng dahil sa kaniya.

"Magpeperform ka raw 2 weeks from now sa isang competition," sabi ko naman habang hinahanap yung face towel sa bag ko.

"Edi, magperform ka para sakin," sabi naman niya na parang wala lang sa kaniya.

"Are you out of your mind? That's your precious business! Ipagkakatiwala mo talaga sakin na walang alam sa music?" Sumbat ko sa kaniya.

Akmang, aalis na sana ako dahil sa sobrang inis pero nagulat nalang ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko katulad ng palagi niyang ginagawa dahilan para mahila niya ako papalapit sa kaniya.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinitigan ako sa mata. "Look, I trust you okay? Tsaka, alam kong kaya mo. You're a fast learner kaya," sabi naman niya at di pa rin inalis yung kamay niya sa balikat ko.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang bumilis ang tibok ng aking puso matapos niya sabihin sa akin yun.

"Eh p-pano kung ayaw ko?" Pautal utal kong sabi. Huy, ano ka ba naman Christine! Compose yourself for heaven's sake!

"Edi kukulitin kita hangga't sa pumayag ka. Pumayag ka nalang kasi please?" sabi niya sakin at nagpout pa. Aba, hindi niya ako madadala sa mga paganyan ganyan niya! No way!

"Ayoko nga!" sabi ko tsaka inalis ko yung kamay niya sa mga balikat ko.

"Eh bakit ba?" tanong naman niya.

"Because all my life, I've always hated music!" sabi ko at tumalikod pero nung paalis na ako, napatigil ako bigla kasi nagsalita pa siya.

"If that's the case, I will make you love music," sabi niya. Tumingin ako muli sa kaniya na ngayon ay binubuksan na ang case ng kanyang guitara.

"Come, I'll let you hear something," sabi pa niya at sinenyasan akong umupo sa tabi niya. Hawak na niya ngayon ang kanyang guitara.

Napaisip naman ako at tinignan siya habang nakangiti sakin ng let-me-show-you-this-smile.

P-pero, ang tanong na siyang umiikot sa isipan ko ngayon ay 'kaya niya ba talagang ibalik ang pagmamahal ko sa musika matapos ang lahat ng nangyari noon? Sa lahat ng nangyari kay kuya ng dahil sa musika?'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status