Share

Episode 11: Contravene

Maingat akong nag-martsa papalabas ng pintuan. Marahan kong hinatak ang seradura ng pintuan at sinigurong walang ingay na maririnig, nagmistulan akong magnanakaw na sumusulyap sa paligid.

Mala-mansyon ang luwang nito kaya't nasisiguro kong mahihirapan akong makalabas. Minatyagan ko ang ilang gwardya na lumabas mula sa opisina nito.

Hindi ko alam kung saan ako magtatago sa puntong ito, mabuti na lamang ay namataan ang ko ang camera bago ko ipagpatuloy ang paglalakad. Namamawis ang palad kong pinunasan ang tumulong pawis pababa sa leeg ko.

“What? Tell them that we'll have a conference meeting, now!"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang sigaw ni Mr. Trevino palabas ng opisina. Kaba ang nangibabaw sa dibdib ko nang makita itong nagmamadaling lumabas. Mabuti na lamang at nasundan ko ang paglabas nito.

Sa puntong ito, hindi ko alam kung ano ang mayroon kung bakit ito nagmamadali pero sana ay hindi na ako kasali sa problema niya. Sana lang talaga ay labas na ako roon.

Ngunit kahit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status