Share

Episode 27: Resentment

“You will pay for killing my father, asshole!"

Nagmistulang bombang sumabog ang malakas na tinig na naulinigan ko nang makapasok sa building. Napahinto ako sa paglalakad nang manuot ang bawat salita nito sa aking mga tenga. Nagdadalawang isip pa nga ako kung lilingunin ko ito ngunit naglakas na ako ng loob gayunpang nakuha na nito ang buong atensyon ng iba pang mga tao sa lugar.

Nalaglag naman ang panga ko nang makita ang hawak nitong baril habang buong lakas itong kumakawala sa malalaking pangangatawan ng mga guwardya.

Humawak ako sa balikat ni Mr. Trevino nang saglit ko itong titigan atsaka nagbuga ng hininga. “Tara na, huwag ngayon," bulong ko. Dama ang malakas na pagkabog ng dibdib ngunit ang lahat nang iyon ay nilabanan ng loob ko nang makita ang marahang pagtango nito.

Malakas na ingay ang bumalot sa buong lugar nang makarinig kami ng putok ng baril na umani ng atensyon ng nakararami. Mariin akong napalunok nang subukang lingunin ang nagkakagulong mga tao sa labas.

“T-Trevino?"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status