Iginala ko ang paningin nang magkaroon ng lakas ng loob para harapin ang reyalidad. Alam kong walang magagawa ang pagdukdok ko rito. Sa puntong ito, kailangan kong magpanggap na matapang.Nakaharap ako sa isang malaking telebisyon na sapat na ang laki para makita ko ang repleksyon ng buong katawan. Mayroong itim na chandelier ang nakasabit sa gitna ng kwarto. Mahina lamang ang sinag ito, komportable ito sa aking paningin.Umalalay ako sa lamesa para makatayo.Tumingkayad pa ako para lamang makalakad.“Kailangan kong makatakas," saad ko sa isipan.Ito lamang ang litanyang tumatakbo sa aking isipan.Wala akong ibang paraang maisip kundi ang humanap ng paraan para makalabas sa silid na ito.Naiwan ko nga pala ang telepono ko. Malas!Ipinag-krus ko ang braso nang makaramdam ng lamig. Nababalot ako ng takot na unti-unting lumalamon sa sistema ko.Hindi ko alam kung saan ako dinala ng lalaking iyon. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na magagawa niya iyon sa akin, na may itinatago itong p
Malalim akong humugot ng hingin nang dumampi ang mga palad sa seradura ng pintuan. Nagdalawang-isip pa nga ako bago ko marahang binuksan iyon.Dumadagundong ang dibdib ko nang makitang walang tao sa loob ng silid. Marahan akong naglakad patungo sa couch at naupo na animo'y mayroong mababasag kung bibiglain ko ang kilos.Kinuskos ko ang mabibigat na talukap ng mga mata. Kulang na kulang ako sa tulog. Hindi ako pinatulog ng konsensiya ko kagabi. Takip ang bibig, marahan kong ibinuka ang bibig para humikab atsaka marahang iginala ang paningin sa bawat sulok ng silid.May kalakihan din ito kumpara doon sa kwartong tinulugan ko kagabi. Mayroong mga bookshelves ang nakapaikot sa kwartong ito dahilan para magmukha itong libraryo. Dumikit ang paningin ko sa desk nang balingan ko ito ng atensyon. Mayroong mga papel na nakapatong sa ibabaw noon dahilan para magtaka ako.Siya ngang napakadami ng trabahong ginagawa nito. Hindi na rin nakapagtataka kung bakit siya ang kinikilalang pinakabatang bi
Namamawis ang mga palad ko siyang pinagmamasdan mula sa isang tabi. Tuluyan na niyang ibinunton ang atensyon sa pagbabasa ng hawak na libro habang ako naman ay naiwang nakatulala, iniisip pa rin kung anong maaaring kasagutan sa mga tanong na bumabagabag sa aking isipan.“Bakit ba andami mong nalalaman tungkol sa akin?" hindi ko inaasahang bubukas ang bibig ko para magsalita. Tumaas ang kilay nito nang tingnan ako pailalim. “I'm not the only one," sagot nito at padabog pa ngang isinara ang libro.Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. “Ano?" tanong ko.“You're known in this whole town, woman. After what happens, people are investigating about you." aniya. Madali nitong ibinalik ang atensyon sa hawak na libro at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Ilang saglit pa ay tuluyan na namang nilamon ng katahimikan ang buong lugar.Sirang-sira na pala ang pangalan ko. Kung ganoon naman ay ano pa ang silbi ko sa kaniya? Kilala na pala ako ng lahat, paano ko pa gagawin ang nakasaad sa pinirmahan ko
“Ito na po ang kape niyo," saad ko matapos ilapag nang marahan ang hawak sa ibabaw ng lamesa niya.Hindi ko na ito tiningnan pa. Iba kasi talaga ang ibinibigay na tama sa akin ng tingin niyang mapanghusga atsaka ayaw ko na rin namang magtagal dito.“What? You can leave now. Seeing your face irritates me!" bulyaw nito.Humigpit ang kapit ko sa dalawang daliri nang marinig ang inaasahang komento nito patungkol sa pagtayo ko sa kaniyang harapan kahit pa hindi niya sinabi. Mayroon naman akong importanteng sasabihin kaya't mas pinili kong tumayo rito sa harapan niya ngunit naghahanap pa ako ng tamang oras. at humuhugot ng lakas.Marahan kong itinaas ang ulo para pantayan ito ng tingin. “Mayroon ka pa bang kailangan sa ‘kin ngayong araw?" tanong ko.Awtomatiko namang kumunot ang noo nito atsaka tumayo mula sa kinauupuan. Umiling naman ito ng bahagya bago ako tinalikuran.“What do you want?" tanong nito na muli namang binalot ng ka-estriktohan ang tono ng pananalita.Panandalian kong ibinab
Maingat akong nag-martsa papalabas ng pintuan. Marahan kong hinatak ang seradura ng pintuan at sinigurong walang ingay na maririnig, nagmistulan akong magnanakaw na sumusulyap sa paligid. Mala-mansyon ang luwang nito kaya't nasisiguro kong mahihirapan akong makalabas. Minatyagan ko ang ilang gwardya na lumabas mula sa opisina nito. Hindi ko alam kung saan ako magtatago sa puntong ito, mabuti na lamang ay namataan ang ko ang camera bago ko ipagpatuloy ang paglalakad. Namamawis ang palad kong pinunasan ang tumulong pawis pababa sa leeg ko.“What? Tell them that we'll have a conference meeting, now!"Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang sigaw ni Mr. Trevino palabas ng opisina. Kaba ang nangibabaw sa dibdib ko nang makita itong nagmamadaling lumabas. Mabuti na lamang at nasundan ko ang paglabas nito.Sa puntong ito, hindi ko alam kung ano ang mayroon kung bakit ito nagmamadali pero sana ay hindi na ako kasali sa problema niya. Sana lang talaga ay labas na ako roon. Ngunit kahit
Naghahabol ako ng hinnga nang magising na nakatali sa inuupuan. Mariin akong lumunok nang maramdaman ang kumakating leeg.Nararamdaman ko na ang malakas na pag-agos ng mga pawis mula sa mukha ko.Pilit kong kinakalas ang mga kamay sa mahigpit na pagkakatali sa akin. Ilang saglit pa nang makarinig ako ng mga mabibigat na martsa papalapit sa akin dahilan para mas lakasan ko ang pagpiglas.Hindi ko alam kung nasaan ako. Wala akong kaide-ideya. “What do you think you're doing? Stupid!" Matalim na titig ni Mr. Trevino ang bumungad sa akin nang padabog nitong tanggalin ang saklob ko sa ulo at ihinagis sa sahig. Namataan ko ang mga galit nitong ugat sa kamay. Hindi ko ba alam kung dapat ba akong matuwa na hindi ibang tao ang kumuha sa akin o matakot dahil nalaman niya ang ginawa ko.“Are you out of you mind, woman?" saad nito nang dinuro ang sintido ko. Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. “Anong ginagawa ko? Gumagawa ng paraan para makita ang mahal ko sa buhay! Ano naman sa ‘yo nga
Bumabalatay sa lalamunan ko ang malalim na paghugot ko ng hininga. Nasapo ko ang dibdib nang maramdaman ang pagdagundong nito.“T-Teka lang," bulyaw ko.Napahinto ako mula sa pagkakatakbo at inalalayan ang mga tuhod na nangangalay na sa kakatakbo. Nararamdaman ko ang pananakit ng iilang parte ng aking katawan na animo'y gusto ng magmakaawa para sumuko.“What? Continue!" estriktong saad ng guwardya sa akin nang makahinto sa harapan ko.Nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang kunot noo nito na para bang nadismaya sa ginawa ko.Hindi ko naman ito sinunod at mas piniling pakiramdam ang katawan. Halos bumagsak ang katawan ko sa pagkahingal.“P-Papatayin mo ba ako, ha," saad ko nang makaharap sa kaniya at pabagsak na naupo sa semento. “Hinihingal na ako, oh!" dagdag ko pa.Gumuguhit sa lalamunan ko ang malamig na tubig nang lagukin ko ito. Pinunasan ko ang mukha nang palad ng maramdaman ang pag-agos ng pawis pababa sa aking leeg.Hindi manlang ako kinibo ng guwardya at tumayo pa ng mat
“T–ngina, sana namatay ka na lang!"Humikbi ako ng maibaba ko ang paningin. Nanginginig ang katawan ko sa galit ngunit alam ko na wala akong ibang magagawa kundi ang umiyak na lamang. Pilit kong iwinawaksi sa isipan ang mga nangyayari sa akin ngayon ngunit hindi ako nagtatagumpay. Sa litanyang iyon halos gumuho ang mundo ko.“H-Hindi ko naman ho sinasadya," utal ko. Ngunit imbes na patawarin ako nito'y nagsimula kong marinig ang papalakas na yabag ng mga paa nito dahilan para salubungin ko ito ng tingin.“Huwag ho, Tiyo. Maawa na kayo! Masakit ‘yan!"pagmamakaawa ko nang makitang inambaan ako nito ng hawak na baseball bat at walang awang pinaghahampas ako na mas masahol pa sa hayop.Naimulat ko ang mga mata nang makaramdam ng pagliglig sa aking braso. Awtomatiko akong bumalikwas para makaupo. Nagmistulan akong isang bagay nang isuksok ko ang katawan sa headboard ng kama. Gamit ang kumot ay ipinalupot ko ito sa katawan na animo'y mapipigilan nito ang pagdagundong ng puso.“Ate, anon