Share

Chapter 1

"Kuya baka madaling araw na ako makauwi ah?! Birthday kasi ni Mayor Ariel." Zarie shouted to her brother Kenie while fixing her stuff she needs.

"Sige, basta itext mo ako para masundo kita kaagad. Ako naman pupunta kay Mrs. Aniza para magbayad ng lupa." Hinimas nito ang buhok niya kaya napaasik siya dito.

"Kuya naman eh! Ang buhok ko." Pinagdilatan niya ito ng mga mata pero ang walang hiya pinagtatawanan siya.

"Dalaga ka na talaga bunso.... pero huwag ka munang mag-aasawa ah?"

"Kuya naman!" She yelled at the top of her lungs. "Wala pa nga akong boyfriend tapos sasabihan mo ako niyan? At isa pa, hindi pa ako magboboyfriend tapos ikaw asawa kaagad? Nasaan ang hustisya mo?" Pinitik ng kanyang kuya Kenie ang noo kaya wala sa sariling nahampas niya ito sa braso.

"Oo na... oo na... alam ko naman, sige na... umalis ka na at baka ma-late ka pa,"

Umismid siya dito bago kumaway ng paalam. Silang dalawa na lamang ng kanyang kuya Kenie ang natitira sa pamilya. Maagang namayapa ang kanilang magulang dahil sa isang car accident, ten years ago. She was eighteen years old right now while her brother kenie is twenty five years old.

Mahirap ang naging buhay nila noon. When their parents died at her age of eight, pinalayas sila sa bahay na tinutuluyan. Nagpalaboy-laboy sila sa kalye. At her brother Kenie's age of fifteen, he already work for their sake. Nang magtuloy-tuloy ang kuya niya sa trabaho nakakuha din sila ng bahay na mauupahan.

As of now, ang kanyang kuya Kenie ay may binibiling lupa sa halagang 100k at may sariling titulo. Nagtrabaho na rin siya bilang katulong sa bahay ng kanilang Mayor sa bayan para makatulong sa gastusin sa kanilang pang-araw-araw. Ayaw man ng kuya niyang magtrabaho siya at ipagpatuloy na lamang ang pag-aaral, pinilit niyang suwayin ito at tulungan na lang muna sa gastusin.

BUSING busy silang mga katulong sa bahay ni Mayor dahil nagsisimula nang dumami ang mga bisita nito. Masyadong engrande ang party at talaga namang mga bigatin ang mga bisita niya.

"Hey! Miss!"

Napalingon siya at mabilis na pinuntahan ang lalaking tumawag sa kanya.

"Ano po iyon, Sir?" She genuinely smile at him as a respect.

"Wow!" Admiration was written all over his face. He intently stared at her kaya nailang siya dito. "Such a beautiful Lady here." Tumikhim ito at napakamot sa ulo bago magpatuloy sa sasabihin. "I know it's rude and I'm sorry for that. Ahm, Can you get me a water?"

Ngumiti at tumango siya sa lalaki at nagpaalam na kukuha ng tubig. Nagmadali siyang maglakad para makapasok sa pintuan ng kusina pero ganoon na lamang ang gulat niya nang may papalabas din pala dito dahilan para magkabanggaan sila. Akala niya babagsak siya pero may matipunong braso ang pumulupot sa bewang niya. Panay ang paglunok na ginagawa niya dahil sa mabangong amoy nito na sumuot sa ilong niya. Malakas ang tibok ng puso at hindi alam kung dahil ba ito sa muntik na siyang mahulog or baka dahil sa mga brasong nakapalibot sa bewang niya.

Dahan-dahan siyang nag-angat ng ulo at halos mahigit ang hininga nang masilayan ang gwapong mukha nito.

No! Scratch that, he's a freaking Greek God for goodness sake. Ngayon lamang siya nakakita ng taong sobrang gwapo na katulad nito. Nanginginig ang katawan niya at hindi niya alam kung nararamdaman ba ito ng lalaki.

Tumikhim ang lalaki kaya nagising siya sa pagkakatulala at pagpapantasya dito.

"S-sorry p-po,"

Mabilis siyang kumawala dito pero mabilis din na napasinghap nang muling higitin ang bewang niya at tumama ang mukha sa matigas na dibdib nito. Awang ang labi niyang nag-angat ng tingin sa lalaki.

Hindi siya makahinga ng maayos dahil sa bilis ng takbo ng puso. Gusto niyang makaalis sa sitwasyon na ito pero hindi niya alam kung paano. Nalulunod siya, at hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay tuluyan siyang malalagutan ng hininga kapag hindi pa siya nakaalis dito.

Galit ba sa kanya ang lalaki?

Blanko ang mukha nito at mariin na nakatitig sa kanya. Tikom man ang labi pero nakikita niya ang bahagya nitong pagtiim-bagang.

Naputol ang titigan nila nang biglang ibinaba nito ang paningin sa awang niyang labi. Lumunok ang lalaki kaya wala sa sariling napasunod din paglunok niya dito. Pinagpapawisan siya kahit na malakas naman ang aircon sa bahay nila Mayor. Nanlaki ang mga mata at natuod siya sa posisyon nila nang dahan-dahang ibinaba ng lalaki ang mukha sa mukha niya. Biglang nablanko ang utak niya at nanuyo ang lalamunan.

Anong gagawin nito? Hahalikan niya ba ako? H-hindi pwede!

Parang dininig ang panalangin niya nang may tumikhim. Itinulak niya ang lalaki at napayuko sa labis na kahihiyan.

"Good evening, Mr. Monterealez,"

Hindi sumagot ang lalaki sa pagbati ni Mayor Ariel kaya wala sa sariling napatingin siya dito. Nataranta siya nang makitang nakatitig pa rin ng mariin sa kanya ang lalaki.

"A-ah! M-mayor a-alis na po ako." Yumuko siya kay Mayor bago sa lalaki at mabilis na pumasok sa pintuan ng kusina.

Nang medyo nakalayo na siya, saka pa lamang siya nakahinga ng maluwag. Napahawak siya dibdib dahil sa lakas ng tibok nito.

"A-ano ba iyon?" Wala sa sarili na tanong niya.

Para siyang nakipagkarerahan sa kabayo sa sobrang lakas ng pintig ng kanyang puso. Bagay na ngayon lamang nangyari sa kanya.

Haist! kukuha pa pala ako ng tubig. Impit na sigaw niya sa isip.

RYKER seems to be annoyed. Bagot na inaalog niya ang baso na may laman na wine at kalauna'y sumisimsim dito.

Tsk. Kanina pa siya nakaupo dito. Nasaan na ba ang Mayor na iyon? Kung hindi lamang siya nautusan ng kanyang Ama, nunkang pupunta siya sa boring na party'ng katulad nito.

Dahil hindi niya matagalan ang pagkabagot, napagdesisyunan niyang hanapin ang Mayor. Pero maling pintuan pala ang napasukan niya.

For pete sake! It's a fucking kitchen room!

Mabilis siyang lumabas sa pintuan pero mabilis ding nagulat dahil may taong papasok din pala dito. Nagkabanggaan sila, dahil parang mababasagin ang nakabanggaan, mabilis niya itong hinapit sa bewang para hindi bumagsak.

Paulit-ulit na mura ang napakawalan niya sa isip nang maamoy ang natural nitong bango at maramdaman ang pagkabuhay ng dapat ay natutulog lamang.

Damn! Fucking boner.

Napatitig siya sa mukha ng babaeng mala-anghel, napamura ng malutong nang lalong nabuhay ang nasa pagitan ng hita niya.

Tumikhim siya para sana kahit papaano ay mawala ang pagkakatuyo ng lalamunan.

"S-sorry... p-po,"

Fuck! Wrong move lalo siyang tinatayuan. Fucking hell!

Kumawala ito sa kanya pero mabilis ding hinigit pabalik sa mga bisig niya.

Not so fast, baby love!

Napatingin siya sa labi nitong natural na mapula.

Napalunok siya. Shit! I badly needed to kiss her.

Ang balak niyang paghalik sa babae ay naudlot dahil sa matandang Mayor.

Tsk, panira talaga.

"A-ah! M-mayor a-alis na po ako,"

Napasunod ang tingin niya dito nang magmadaling umalis.

He smirked, you can't get away from me baby love, Til next time. And that next time means later. Wala kang kawala sa akin.

Napalingon siya kay tanda nang tumikhim ito.

"General, ito na pala ang proposal na hinihingi ng Daddy mo,"

"Yeah, thanks!" Matapos niyang kunin ang mga dokumento sa matanda, tinalikuran niya ito pero hindi pa man siya nakakahakbang nang magsalita ito na siyang ikinahinto.

"General, hindi sa nangingialam ako pero kasi- huwag naman po ang batang iyon. Eighteen years old pa lamang siya."

He raised his eyebrow and face the old man. "What are you trying to say?" Tiim-bagang niyang tanong dito. Nataranta ito kaya napangisi siya. Lumapit siya dito at marahang pinalo ang balikat.

"Don't do anything stupid Mayor. You know me, don't trick me, stay away from me and to my girl. We can be allies, just don't bothered us."

One wrong move Mayor and you are so dead. No one can stand against me. From now on, she is mine, and no one can take her away from me.

I, myself will declare her as mine.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status