"Boy! Ok ka lang ba ?!" Boy! Gumising ka! Anong nangyari sa'yo?!" Halos umuga ang ulo at tumalksik ang pawis ni Neal habang ambilis at malakas na tinatapik ni Mang Tony ang mukha ng binata.
Inilapit nya ang kanyang kanang tainga sa ilong ni Neal at nang maramdaman pa nyang may kakaunting mainit na hangin ang lumalabas sa ilong ni Neal ay luminga - linga ito upang maghanap ng taong makakatulong nya sa pagbuhat sa binata.
Nasa 70 years old na si Mang Tony at ang solong pagbuhat kay Neal ay napaka - imposible na para makaya pa nya. Maririning sa paos at mabagal nyang boses ang kagustuhan nitong mailigtas si Neal. Bakas sa ugat ng kanyang mga kamay at braso ang hirap ng pinagdaanan nya sa pagtatrabaho at ang pananatili nya bilang empleyado ng clubhouse ay para na lamang sa pansarili nyang kaligayahan dahil ang mga anak nya ay nagtatrabaho na sa ibang bansa at pumanaw naman ang kanyang asawa sa sakit na breast cancer nang nakaraan
Napalingon ang grupo ni Mang Tony sa tumakbong doktor papasok sa kurtinang nakatakip sa kama ni Neal. Nanginginig ang boses ni Elmer, "Naku tay ano po kayang nangyayari kay Neal." Napahawak sa ulo si Mang Tony, "Ano ba kasing nangyari dyan s batang 'yan." Hindi nila nakikita ang nangyayari kay Neal, tanging ang mga tunog lang ng mga aparato ang naririnig nila mula sa nakasarang kurtina at ang salitang "Clear." na binibitawan ng doctor kada ilang segundo. Makaraan ang mahigit kumulang na tatlong minuto ay lumabas na ang doktor at agad na pinuntahan siya ni Mang Tony na magkadikit ang kanyang mga palad sa tapat ng kanyang kumakabog na dibdib, "kumusta na po ang bata dok?" "Stable na ho tay. Ililipat napo namin sya sa xray para makita kung may nabali pong buto sa katawan ng pasyente." Nakangiting rebelasyon ng lalakeng doktor. "Haay salamat sa
"Ma! hanggang ngayon po ba galit kayo sa pamilya ni Neal? Kung magkaaway po kayo ni Tita Penny, huwag nyo na pokaming idamay ni Neal." Umuusok ang ilong ni Maya nang sabihin nya ito at napatayo si Brian sa pagkagulat. "Aba at Tita talaga ang tawag mo sa babae ng Daddy mo?! Kailan mo pa naging tita ang ahas na 'yun?! At kailan pa kayo naging close ni Neal? Hindi mo na ba talaga ako iniisip ha Maya?!" Nakababasag -taingang tanong ni Shane sa sinabi sa kanya ng anak nya na ang akala nya ay kakampi nya sa pagkagalit kina Penny at Neal. Lumapit si Maya sa mommy nya at hinawakan ang braso ni Shane, sa mababang tono ng kanyang boses at nagsalita sya ng, "Ma, tigilan na ho natin ito, patay na ang Daddy, kung nabubuhay po sya masasaktan syang ganito pa rin ang sitwasyon natin sa pamilya nina Neal. Magkapatid ho kami Ma, at magalit man po ako ay wala naman akong choice kundi tanggapin ang lahat ng pangyayari."
"Maya! Bumalik ka rito!" Buong pwersang sigaw ni Shane habang pasakay si Maya sa loob ng sasakyan ni Brian. Nanlulumong mga braso at paa ang makikita sa katawan ni Shane pagkatapos na talikuran siya ng kaniyang anak. Pakiramdam nya ay hindi sya naintindihan ni Maya kahit ilang beses nyang sabihin kung gaano kasakit ang naranasan nya nung araw na 'yun.Nakita nyang may ibang babae ang first love nyang si Daniel, ang daddy ni Maya at parehong araw nang nalaman nyang namatay na ang kanyang Papa dahil hindi naagapan sa ospital. Kahit sinong dumanas ng parehong sakit ng pagkawala at pagkabigo ay nanaising kamuhian ang mundo sa lahat ng nangyayari sa kanya. Saglit pang nagflash back ang huling eksena ni Shane sa harap ni Daniel at Penny habang nakapinid ang kanyang luhaang mata sa blangkong espasyo ng pinto."Pinabayaan mo ang Papa ko dahil sa kalandian mo?" Mala- leong titig ang ibinigay ni Shane kay Penny habang nasa isip nya ang kalagayan
Napatungo na lamang si Maya pagkatapos nyang magpakita ng pagkabigla sa doktora. Dala - dala pa rin nya sa kanyang dibdib ang nangyaring pagtatalo nilang mag- ina. Hindi man ito big deal sa iba, ngunit para sa kanya ay isa itong turning point sa buhay nya, mas pinili kasi nyang puntahan ang dati nyang kaaway at tinalikuran ang kanyang ina na naging kakampi nya sa lahat ng panahon na absentee- father si Daniel sa kanilang pamilya. Nilapitan ni doktora Penny si Maya at ramdam nyang nag-aalangan ito sa kanya habang paliit ng paliit ang pagitan nilang dalawa at nang hawakan ni Penny ang kaliwang balikat nito, "Ang sabi ko buti pinayagan ka ni Shane na dumalaw dito kay Neal." Bahagyang umangat ang ulo ni Maya upang makita ang reaksyon ng mukha ni Penny, " A... ang totoo po tita, nagkasagutan po kami ni Mommy, (binawi nya ang pagkailang at ngumiti sya sa doktora) pero ok lang po 'yun, maiintindihan din po 'yun ni M
Halos tatlong minutong katahimikan mula sa grupo nina Maven, ang lahat ay naghihintay kung sino ang unang sasagot sa binitawang salita ni Diana. Ang lahat ay maraming naiipong tanong sa kanilang isip ngunit..."Toot.""Ay bakit mo naman pinatay ang call Maven?!" Sumimangot ang labi ni Maya.Tumayo na si Maven mula sa kanyang kinauupuan dahil bigla syang pinagpawisan ng malamig, "Hayaan mo na yang si Diana, pinagbabayaran lang ni Alvin ang ginawa nya kay Neal.""Naku, sandali ha, maiwan ko na kayo, kung kayo man ang mag- aalaga sa batang 'yan, eh kayo na ang bahala, basta kampante na akong may magbabantay kay Neal." Inaayos ni Mang Tony ang kanyang damit at nagsisimula ng humakbang papalapit sa pinto."Sige po tay, thank you po, ingat po kayo. Heto po pang merienda nyo manlang." Inakbayan ni Brian si Mang Tony at inabutan ito ng 500 peso bill, ngumiti lamang ang matanda.Binasag ni Maya ang katahimika
"Narinig mo Payne? Ifelt something in his eyes, at 'yung something na 'yun ay kami lang ang nagkakaintindihanni Neal. Uulitin ko pa ba o lalayuan mo na sya?" Pagyayabang ni Diana sa harap ni Payne dahil pakiramdam nya ay titiklop ang dalaga kapag tinitigan nya ito."Bakit kaya ayaw pa ring tumigil ni Diana sa kaniyang ilusyon at pagkagusto kay Neal? Ano ba talaga ang motibo ni Diana kaya ayaw nyang i-give up si Neal?" Ito ang katanungan na gumugulo sa isipan ni Payne at para bang hinihintay niya ang pinaka- masakit na isasagot ni Diana.Nakahanda ang isipan ni Payne sa anumang ire- reveal ni Diana kung bakit ayaw pa rin nyang tantanan si Neal, ngunit hindi handa ang kanyang damdamin. Kahit sino naman, hinding - hindi maiihanda ang damdamin sa anumang rebelasyon lalo pa at tungkol ito sa karibal nya sa pagmamahal sa taong nagbigay sa kanya ng bagong pag - asa.Pag - asa na magmahal ng normal, pag - asa na makaramdam
"Bilis na Payne!" Muling sigaw ni Maya habang amoy na amoy nya singaw mula sa banyo dahil sa inilabas ni Payne. Dahan- dahan namang lumabas si Payne mula sa banyo na nakatungo. Habang tumutulo pa ang kaniyang pawis mula sa kanyang mukha apunta sa kaniyang leeg ay nakangiti itong nagsabi ng, "Sorry... di ko na kasi matiis e..." "Ano ka ba?! Anong ngini- ngiti- ngiti mo dyan!? Tulungan mo nga ako dito sa higad na ito at baka makawala!" Sigaw ni Maya sa kaibigan kung kaya't agad na nanlaki ang mga mata ni Payne sa nasaksihan nya. Bigla namang umupo si Diana at umikot para makawala sa mahigpit napagkakahawak ni Maya sa kanyang buhok at mga kamay, "Bitawan mo nga ako! Akala ko si Payne lang ang baliw, pati pala ikaw! Magkaibigan nga kayo! Pareho kayong baliw!"Masakit sa dibdib na sigaw ni Diana dahil pigil ang paglakas ng kanyang boses. Pumasok si Dra. Payne dahil mula sa labas ng pinto ay naririnig nya ang sigawan na nanggagaling sa loob ng kwarto ni neal at ikinabahala nya ito, "Anon
Hinihimay ng isip ni Shane ang mga salitang binitiwan ni Penny. Unti- unting tinatanggap ito ng puso nya kaya sa isang iglap napawi ang poot, hinagpis at lahat ng alinlangan ni Shane... sa kanyang asawa, kay Penny at maging sa kanyang sarili. Sa wakas, naramdaman na nya ang salitang "pagpapatawad."Mangiyak - ngiyak si Shane dahil ang buong akala nya ay mas pinili ng kanyang asawa na mamatay sa bisig ng kanyang ng babaeng kinamumuhian nya kaysa sa kanya na unang minahal ni Daniel, "Totoo ba 'tong sinasabi mo Penny? Ako ang hinanap ni Daniel? Akala ko...""Naging maramot ako Shane, ayaw kong ibigay sya sa'yo akala ko kasi hanggang sa huli ako ang pipiliin nya. Anyway, natanggap ko na 'yun. Naresolve ko na ang conflict sa sarili ko at sa kanya. Napatawad ko na ang sarili ko, sana napatawad mo na rin ako Shane."Iniba ni Shane ang tono ng kanyang boses mula sa mahinahon ay tumaas ang tono ng boses nito u