Share

CHAPTER 4

Tumigil na ako sa kakatakbo ng mapansing di na nila ako hinahabol.

Habol hininga naman ako at umupo muna dito sa gilid ng kalsada.

Napadaing nalang ako kase mga limang beses akong nakagat. Isa sa kamay, isa sa noo ko, dalawa sa likod at isa sa ilong.

"Hi, miss." Nilingon ko kung sino yon at nagulat naman ako sa pagmumukha nong lalaki, akala ko uling na buhay...este yong mukha niya kase parang nilagyan yata ng uling.

"Hello." Tinaas ko ang kamay ko at kumaway saglit sakanya. 

"Single ka po ba?" 

Ba't naman nito natanong? Ano mangliligaw ka sakin?

"STBT na ako, pasensya na." Saad ko sabay tumayo at pinagpag pa yong short ko.

"STBT?"

"Soon to be taken." Sagot ko at umalis na don. Ang weird ni Kuya eh, sa mga tingin niya sakin ay mukha yatang hinuhubaran na ako nito sa isip niya.

Nagulat ako ng biglang mag ring yong phone ko, pag tingin ko kung sino ito ay napakagat ako ng kuku ko.

"Hello?"

[Camille baby ko, asan ka ba huh? Bakit di kita nakita sa airport kahapon? Diba flight mo pauwi kahapon hindi ba?]

"Oo." Tanging sagot ko.

[Asan ka ba?]

"Nah, di ko sasabihin." Napairap ako.

[Camille!]

"Mommy naman eh! Ayoko dyan sa bahay, pabayaan nyo nalang ako kaya ko namang mabuhay mag isa!"

[Nagkakamali ka, kailangan mo parin ako kay pumunta ka na dito--] di ko ma siya pinatapos mag salita dahil agad ko na itong binabaan ng linya.

Sorry Mom pero alam kung kukulitin niyo ako. Pag sinabi kung ayaw ko, ayaw ko talaga okay.

From mommy: Camille umuwi ka na dito sa bahay! Nag aantay si Leo sayo, ba't ba kase umalis ka ng araw na iyon! Pinapahiya mo talaga ako!

Eh, ayaw ko nga sa lalaking iyon! Ba't ba kase siya namimilit!

"Ma'am Camille?" Tinignan ko kung sino yong kumalabit sakin at napataas ang kilay ko ng isang lalaki yon at di ko siya kilala.

"You know me--"

"HOY! NANDITO SIYA!!" Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang sumigaw, nilingon ko yong sinabihan niya at mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng may mga kasama pa siyang lalaki.

Sh*t! Tauhan siguro ito ni Mommy!!

"Hala, tignan mo may unggoy!" Sabay turo sa likuran niya at nang nilingon niya ito ay mabilis akong kumaripas ng takbo.

"MA'AM CAMILLE SANDALI LANG!! HOY MGA PESTE DALIAN NINYO HABULIN NIYO SIYA!!"

"MGA BWESIT!! SABIHIN NYO KAY MOMMY NA AYAW KO NGANG UMUWI SA BAHAY!!"

Agad akong nag tungo don sa may maraming tao at bigla ko namang nakita si John na nakatayo lang at mukhang may inaantay siya.

"Oh, Camille ba't ka tumatakbo--" di na niya natapos ang sasabihin ng bigla kung inangat yong shirt niya at isinilid yong mukha ko don.

Ang tanga-tanga ko namang mag tago hayst!

"Wag kang gagalaw tang*na ka!" Mahinang sabi ko, wala na akong pake kung pag tingin man kami dito ng mga tao. 

"Pre may nakita ka bang babae na dumaan dito, mahaba ang buhok niya at kulay puti yong suot niyang damit tapos naka short pa?"

Tangek wag mong sabihin na ako!

"Sino yan pre girlfriend mo?" Dinig kung tanong pa nong lalaki, mukhang ako yong tinutukoy niya ah!

"Ahh ehhh..." mahina kung kinurot yong tagiliran niya.

"Amp--oo g-girlfriend ko siya, umiiyak siya ngayon kase ayaw niyang makipag hiwalay sakin."

"Mukhang mahal na mahal ka nyan pre kaya wag mo nalang iwan."

"Yong babaeng sinasabi niyo pala eh, parang nakita ko siyang nag tungo don oh!"

"Sige, salamat pre. Hoy tara na!" Nang mukhang naakaalis na yong mga lalaki ay agad ko siyang tinulak at ganon din naman siya.

"Hoy ang bastos mo ah! Di ako pumapatol sa ex-girlfriend ng kaibigan ko ah! Saka di kita type--ouch!!" D***g niya ng batukan ko siya.

"Wag kang feeling John, hindi rin kita type no! Pano ako magkakagusto sa utak  lamok na kagaya mo! Ginawa ko lang yon para makatakas duh!" Mataray kong sabi.

"Ang talino mo rin no, sa katawan ko pa talaga ka mag tatago?!"

"Tumahimik ka na nga dyan ang daldal mo!" Tinalikuran ko na siya at umalis na.

Nandito lang ako sa playground, nakaupo ako sa bench habang pinagmamasdan yong mga bata na naglalaro. Nakakamis maging bata kaso di ko man lang naranasan yong magpapawis ka talaga sa kakalaro. 

Eh, kase naman si mommy sobrang arte! Di ko man lang ma enjoy yong mga taon bata pa ako.

Bigla kong narinig na may nag text sa phone ko kaya tinignan ko ito.

From unknown number: Babalik ka dito o ako mismo ang magpapabalik sayo?!

"Sino ito? Si mommy?" Takang tanong ko sa sarili.

To unknown number: Tinatakot mo ba ako?!

I-se-send ko na sana iyon kaso naalala kong wala pala akong load.

"Ate ganda!" Napataas ang dalawang kilay ko ng may makitang batang lalaki sa harapan ko. 

Tumingin ako sa likuran ko at wala naman akong makitang ibang taong malapit sakin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status