Share

7.3

__________

Lumipas pa ang ilang mga araw mula nang umalis si Ana ay lalong namuroblema si Enrico. Dahil sa pangyayaring iyon ng iringan nila ng dapat sana'y itinuturing niyang prinsesa ay nalason ng paghihinanakit laban sa kaniya ang maliliit pa niyang mga anak, maliban kay Junior na noo'y hindi naman nasaksihan ang naging drama nila ni Ana. Tuluyang nanlamig ang pakikitungo ng mga ito sa kaniya na lalong nagpalalim sa mga sugat na buong kapaitang umukit sa kaniyang puso.

Mula rin noon ay lalo pa siyang nagumon sa alak. Sa dami ng mga problemang isa-isang dumating sa kaniyang buhay ay lalong bumukal hanggang sa lumigwak ang kaniyang pagnanasang ibaling sa iba ang kaniyang isip sa tulong ng alak, ang lumimot, ang maghanap ng kaunti ngunit makasariling aliw, ang maglakbay sa dako ng pakunwaring alapaap, ang pailalim sa espiritu ng kawalang dinaramdam at ang pasakop sa nakalalasing na damdamin ng kalayaan sa mga suliranin.

Isasa-isang tabi muna niya ang kaniyang pamilya at sandaling magpa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status