Sa sobrang gulo ng sitwasyon, dahil mukhang maglalaban na si Hunter and Matteo, nawalan ng choice si Mahalia kundi hilain si Matteo at sinabing uuwi na lang sila. Napatingin sa kaniya si Finn na nagsusumamo, nagtataka bakit si Matteo pa ang kinakampihan niya. "Sorry Finn, usap na lang tayo sa ibang araw, promise. Ilayo ko muna si Matteo, baka madagdagan ang pasa niya eh," naiiyak niyang sabi sa kapatid. "What?" bulalas naman ni Hunter at napahawak sa noo sabay sabing na naudlot din, "P-Pero—"Hinila na niya kasi si Matteo, at nagpatianod naman ang lalaki sa kaniya. Hilang-hila lang niya ito hanggang sa makababa sila at deretso agad sa sasakyan. Pagpasok nila, napahilamos na lang ng mukha ang lalaki at napabulong, "Sorry...hindi mo dapat nasaksihan iyon.""Ako dapat mag-sorry, sinaktan ka ni Finn dahil sa akin," mahinang sabi niya pero ang luha niya, panay lang ang daloy sa kaniyang mga mata. "Kasalanan ko rin naman eh," anito at suminghot sabay suksok ng susi sa Car ignition. "Mali
"Finn, are you serious about this?" tanong ni Doctor Del Cuevo kay Finn nang kausapin niya ito about sa DNA test na gagawin sa pagitan ng kaniyang ama at ni Mahalia. "I don't understand, I know this Mahalia, babae ito ni Matteo and then now biglang gusto mo ng DNA result niya and ng Dad mo? Why?"Si Doctor Del Cuevo rin kasi ang kanilang naging Family doctor at naging malapit na rin siya dito dahil kay Matteo. Since hindi naman kailangan ilihim sa dalawang may-ari ng sample ay inilapit niya ang ganitong case kay Doctor Del Cuevo. "Nakita ko kasi ang DNA result na pinagawa ni Victoria and kapatid ko si Mahalia, 99.9% positive," pag-amin niya rito. Bumuka ang bibig nito na talagang nalilito sa mga sinabi niya. Siya naman ramdam ang pangangasim ng ilong niya dahil naman sa napipintong mga luha niya. Napailing ang doctor na nakatitig sa kaniya, at siya naman tamang hinga lang ng malalim. "And please doc, this is just between the two of us. Ayoko munang malaman ito ni Mom or kahit na si
The DNA result says... it's 99.9% positive. Anak nga ito ng daddy ni Finn kaya naman lihim na napakuyom ang kamao niya sa ilalim ng lamesa. It means, his dad cheated on his mom. Napansin ni Mahalia ang reaction niya kaya napatanong ito, "Bakit, Kuya?" Pilit siyang ngumiti at umiling. Hindi niya muna sinabi sa kapatid ang katotohanan kahit na expected naman. Tinapos lang nila ang pagkain doon at saka bumalik na sila sa studio pero iniwan niya si Mahalia kay Victoria at siya naman ay umalis. Lumong-lumo siyang pumasok sa sasaktan thinking na pinagtaksilan ng kaniyang ama ang kaniyang ina. Matic na naawa siya sa kaniyang ina dahil wala itong kaalam-alam. Tumutulo lang ang luha niyang magmamaneho, at tinawagan ang kaniyang ama. Narinig niya itong tumunog sa kabilang linya at sinagot din agad. "Yes, son?" "Papunta na ako sa opisina mo. I have the result now," sabi niya sabay off ng call. Tinawagan niya para makapag-handa ito, in case may client sa loob ng opisina. Nang makarating na
Habang yapos na yapos ng yakap si Mahalia ni Frenon Bianchi, luhaan siyang napanganga na napatingin kay Matteo. Hindi niya mabasa ang sinasabi ng mga mata nito. Binaling niya ang kaniyang mga mata kay Finn na luhaan habang nakahingin sa kanila. Nang naging malinaw sa pandinig niya ang iyak ng nagsasabing ama niya doon na rin siya napaiyak dahil ramdam niya ang pamilyar na yakap. Nakanganga pa rin siya, at nadaluyan pa talaga ng luha ang bibig niya. Ngunit hindi niya ito alintana, dahil mas nangibabaw ang emotion niya. Kumalas ng yakap sa kaniya ang kaniyang ama at mukhang desperadong hinawakan ang pisngi niya. "How come na anak kita? I don't understand..." "H-Ha? Hindi mo alam?" nanginginig ang boses niya sa pagsasalita dulot ng hikbi.Umiling ito at humahagulhol na sinabing, "The result said yes. Pero hayaan mo na, kung sino man ang nanay mo, I don't care ang importante, nandito ka na. Nandito na ako, walang gagamit na ibang tao sa'yo para punan ang pansarili nilang intensyon."N
"Kailan kayo kinasal ha? Wag mong sabihin nagpirmahan lang kayo, at hindi mo siya hinarap sa simbahan, wala akong nababalitaang ganon, Matteo." Dinuro-duro siya ng ama ni Finn at Mahalia at tanging pagyuko lamang ang ginawa niya. Frustrated itong napahilamos ng mukha na para bang hindi nito alam ang dapat gawin sa kaniya. "I'm sorry, Uncle—""I don't know what to say, Matteo. This is what you are, right? This is how you manipulate people, right?" gigil na singhal nito. "W-What?" nagtataka naman niyang tanong. Dinuro ulit siya nito, pero sinasayaw nito ang daliri na parang pinapakita lang nito sa kaniya na kinukontrol nito ang galit. "You confessed... right here. Right time para sa'yo na masabing kapag nagalit ako, you can make me feel how dare I am. Na ngayon ko lang nalaman na anak ko siya, at mas ikaw ang nakasama niya from the start ibig sabihin, who am I to be mad, right?" Maang siyang napabuka ng bibig at napailing. "N-No, I just confessed to admit my mistake, Uncle. And yes
"Tita, paano kung malaki pala ang ano ng makakuha sa akin?" tanong ni Mahal sa tiyahin habang inaayos nito ang suot niyang palda na hanggang kalahating hita lang ang haba. Kasalukuyan namang nilalagyan ng makeup ng bakla ang mukha niya na natatatawa pang sinabing, "Edi swerte mo, malaki eh. At bukod doon may pera ka pa." "Very true..." gatong naman ng kasama nitong bakla din na inaayos ang buhok niya.Terry and Marry ang pangalan ng mga ito. Ang nag-lalagay ng make-up sa kaniya ay si Terry, si Marry naman ang nagkukulot ng buhok niya. Ang rason kasi kung bakit nasa ganoon siyang sitwasyon dahil isasalang siya sa Auction. "Ang isipin mo na lang kasi, ang nanay mo. Kung hindi mo ito gagawin màmàmàtay siya. Dito nakasalalay ang pambayad natin sa hospital, Mahal," muling paalala ng tiyahin niya. Naalala naman niya ang nanay niya kaya malungkot siyang tumango at determinadong gawin ang bagay na ito. Mawala lang ang lahat, huwag lang ang nanay niya. Kailangan kasi nito ng puso para ma
"I'm offering a bid!" nagtaas ng kamay naman ang isang matandang, naka-itim na jacket at may sumbrero na pang-cowbow, may tungkod pa. "2.1 million.""I would like to place my bid too..." Napatingin naman siya sa kanan banda, isang matanda na naman na halatang mayaman ang nakataas ang kamay doon. "2.5 million pesos!" May mga naghiyawan, at mas lalo siyang kinakabahan. Napakurot na siya sa kuko niya. Parang gusto niyang tumakbo pabalik sa backstage or sumigaw ng tulong sa tiyahin niya. "I'm bidding, 3 million pesos!" may sumigaw naman na nasa dulo lang. "I would like to place a competitive bid, 3.7 million pesos!" boses babae ang sumigaw, nasa bandang kaliwa lang iyon at inaaninag niya kung sino. Pero sa boses nito, parang boses tomboy. Tomboy siguro iyon.Marami ring napatingin roon kaya nagrason ito, "I'm interested in her!" Puro English ang naririnig niya, buti na lang naintindihan niya ang salitang interested in her. Hindi niya masyadong maintindihan ang buong linya na sinasabi
Sumunod siya sa lalaking kausap niyang halata namang kasama ng lalaking Italyano. Siguro kaibigan kasi hindi naman ito mukhang alalay. Kurot na kurot niya ang kuko niya sa kaba habang naglalakad na nakasunod rito. Ngunit nang maalala niya ang tiyahin niya, patakbo niya itong hinabol at kinausap. "Teka lang, Sir, gusto ko lang talaga muna makita ang tita ko. Magpapaalam lang ako." "Ang mga babaeng bini-bid dito sa Auction, pagkatapos ma-bid, wala ng pamilya," anito, tuloy-tuloy lang ang lakad. Lakad-patakbo naman siyang humabol rito, malalaki kasi ang mga hakbang nito, kasi mababa lang ang sapatos na suot, samantalang siya, naka-high heels. "Hindi naman pwede yun, sir, nanay ko kaya ang rason bakit ako nandito. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ako papasok sa ganito." Huminto ito bigla kaya, nauntog ang mukha niya sa likuran nito. "Aw!" Hinimas niya ang noo niya. Mabilis siyang umatras dahil walang pakialaman itong humarap sa kaniya. Muntik pa siyang matumba. "Pangalawang rule