Maricel, bagong sulpot. sino kaya to. note ko lang baka makalimutan ko na naman name
Nang marinig niya ang pangalan nito, napalunok siya. Binalot siya ng kaba nang mapagtanto sa huli kung sino ang babae. Ngunit kumalma siya. Hindi ngayon ang tamang oras para harapin niya ang babaeng ito. "We'll talk next time," giit niyang sabi rito, sabay pasok ng upuan sa loob lamesa. "Nasaan ang anak ko?" matigas na tanong nito. Sobrang lakas na rin ng kabog ng dibdib niya ngunit nananatili siyang kampanti sa harapan nito sabay sabing, "Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba ang kumuha?" "Alam ko, pero nasaan ang anak ko?" Mariin ding sabi nito. "Pwes hindi ko alam. Wag ako ang singilin mo," pagkasabi niyang iyon, ay umalis siya sa harapan nito. Ngunit hindi ibig sabihin non, minaliit na niya ito. Sa tindig kasi ng babae alam niya naghanda ito ng maraming tao para bumalik. Hindi siya sinundan nito, o nagpahabol man lang ng salita sa kaniya. Hinayaan siya nito, which is mas nakakatakot na idea. Ngunit mayroon lamang siyang katanungan, "Pumayag siya, bakit hinahanap niya ulit?"
Pinagmasdan ni Frenon ang reaction ng asawa niya habang nakatingin sa DNA result. Kitang-kita niya ang pag-awang ng mga labi nito at windang na windang sa nabasa. "W-What? This can't be. Paano nangyari ito, isa lang ang iniluwal ko?" tanong nito na litong-lito. "Kaya nga tinatanong ko, who's Daphnie, bakit itong si Mahalia, anak natin, pero si Daphne kasama natin. Nakita ko rin naman kung paano mo siya pinanganak, pero bakit ganito? Lumitaw, anak natin ang babaeng binili ni Matteo sa Auction," giit pa niya. Napatakip ng bibig ang asawa niya. Namuo agad ang mga luha sa mga mata nito at napakapa sa glass wall para makakuha ng proteksyon sa pagtayo. "S-sigurado ka ba diyan? Hindi ba iyan gawa gawa lang?""Kahit itanong mo si Finn. He knew this. Una nga pinagbintangan niya akong may babae, na baka anak ko si Mahalia sa ibang babae but no. Wala akong naging babae kahit kailan, Dianne," rason pa niya at umiling-iling ito. "Kaya ginawa ko ito. Inalam ko ang totoo, kumuha ako ng buhok sa su
"Tita, paano kung malaki pala ang ano ng makakuha sa akin?" tanong ni Mahal sa tiyahin habang inaayos nito ang suot niyang palda na hanggang kalahating hita lang ang haba. Kasalukuyan namang nilalagyan ng makeup ng bakla ang mukha niya na natatatawa pang sinabing, "Edi swerte mo, malaki eh. At bukod doon may pera ka pa." "Very true..." gatong naman ng kasama nitong bakla din na inaayos ang buhok niya.Terry and Marry ang pangalan ng mga ito. Ang nag-lalagay ng make-up sa kaniya ay si Terry, si Marry naman ang nagkukulot ng buhok niya. Ang rason kasi kung bakit nasa ganoon siyang sitwasyon dahil isasalang siya sa Auction. "Ang isipin mo na lang kasi, ang nanay mo. Kung hindi mo ito gagawin màmàmàtay siya. Dito nakasalalay ang pambayad natin sa hospital, Mahal," muling paalala ng tiyahin niya. Naalala naman niya ang nanay niya kaya malungkot siyang tumango at determinadong gawin ang bagay na ito. Mawala lang ang lahat, huwag lang ang nanay niya. Kailangan kasi nito ng puso para ma
"I'm offering a bid!" nagtaas ng kamay naman ang isang matandang, naka-itim na jacket at may sumbrero na pang-cowbow, may tungkod pa. "2.1 million.""I would like to place my bid too..." Napatingin naman siya sa kanan banda, isang matanda na naman na halatang mayaman ang nakataas ang kamay doon. "2.5 million pesos!" May mga naghiyawan, at mas lalo siyang kinakabahan. Napakurot na siya sa kuko niya. Parang gusto niyang tumakbo pabalik sa backstage or sumigaw ng tulong sa tiyahin niya. "I'm bidding, 3 million pesos!" may sumigaw naman na nasa dulo lang. "I would like to place a competitive bid, 3.7 million pesos!" boses babae ang sumigaw, nasa bandang kaliwa lang iyon at inaaninag niya kung sino. Pero sa boses nito, parang boses tomboy. Tomboy siguro iyon.Marami ring napatingin roon kaya nagrason ito, "I'm interested in her!" Puro English ang naririnig niya, buti na lang naintindihan niya ang salitang interested in her. Hindi niya masyadong maintindihan ang buong linya na sinasabi
Sumunod siya sa lalaking kausap niyang halata namang kasama ng lalaking Italyano. Siguro kaibigan kasi hindi naman ito mukhang alalay. Kurot na kurot niya ang kuko niya sa kaba habang naglalakad na nakasunod rito. Ngunit nang maalala niya ang tiyahin niya, patakbo niya itong hinabol at kinausap. "Teka lang, Sir, gusto ko lang talaga muna makita ang tita ko. Magpapaalam lang ako." "Ang mga babaeng bini-bid dito sa Auction, pagkatapos ma-bid, wala ng pamilya," anito, tuloy-tuloy lang ang lakad. Lakad-patakbo naman siyang humabol rito, malalaki kasi ang mga hakbang nito, kasi mababa lang ang sapatos na suot, samantalang siya, naka-high heels. "Hindi naman pwede yun, sir, nanay ko kaya ang rason bakit ako nandito. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ako papasok sa ganito." Huminto ito bigla kaya, nauntog ang mukha niya sa likuran nito. "Aw!" Hinimas niya ang noo niya. Mabilis siyang umatras dahil walang pakialaman itong humarap sa kaniya. Muntik pa siyang matumba. "Pangalawang rule
Pumasok ang sasakyan sa isang napakalawak na entrance plaza, sobrang taas ng building ang nasa tapat nila ngayon. Para itong hotel at sa ibabaw nito, nakailaw ang malaking pangalan, 'El Chantia Haven.' "Woah," mangha niya pero pabulong lang. Nahihiya siyang magtanong. Deretso lang papuntang likuran ang sasakyan nila, pumasok ito sa basement, at doon iba't ibang magandang sasakyan ang mga nakaparada. "What about tomorrow, tuloy sa drag racing?" tanong ng naka-vape. "Of course, Matteo is the racer, sure win. Right, Buck?" Narinig niya ang drag, napabulong naman siya, "Drug daw, mga adik yata to." "Narinig mo iyon?" tanong naman ng lalaking kasing tangkad ni Matteo. Napadikit siya ng labi. "Ang alin?" tanong ng naka-vape. "May narinig akong mga adik daw tayo," sagot naman ng isa. "Ah hindi pwede iyan, walang tumatawag sa atin ng ganon," sabi naman ng naka-vape. Napangiwi siya. Lumingon pa ito kay Matteo. "Narinig mo iyon?" "Let me take care of it," malamig namang tugon n
"Teka lang, Sir!" Kasalukuyan silang nasa loob ng kwarto at tapos na siyang magtanggal ng make up ayon sa gusto nito, nakapaa na rin siya pero hindi pa siya nagtanggal ng damit. Bigla siyang natakot, dahil baka gagalawin na siya nito agad kahit na alam naman niyang mangyayari iyon. Akma kasi nitong tanggalin ang tali ng pang-itaas niya at kapag nagawa iyon, mahuhulog ang suot niya, kaya hinawakan niya ang kamay nito. Napahinto ito at naningkit ang mga matang tumitig sa kaniya. "Teka lang?" tanong nitong sarkastiko. "You're requesting me teka lang?" Napalunok siya, ang bagsik kasi ng reaction nito, parang ang tigas, ang bangis pero gwapo. Pero hindi uubra ang kagwapuhan nito para gustuhin niyang mawarak agad. Kahit na may hitsura ang lalaking ito, hot para sa mga malälände, takot pa rin siya, baka kasi biglain siya nito lalo na't walang pagmamahal sa pagitan nila, shempre maging makasarili na talaga ito. "A-Ano kasi eh..." Napangiwi siya habang naghahagilap nang mairarason.
"Pasok," anito sabay tulak sa kaniya papasok sa banyo. "Wah!" Nawalan siya ng balanse at natumba na naman. "Aray! Huhu sir naman!" Mas lalo lang nadagdagan ang sakit sa paa niya at sa ngayon naiiyak na talaga siya. "Paano ka ba maglakad? Bakit natapilok ka kanina ha?" tanong nito, halatang naiinis na. Siguro sa padelay-delay niya. Humikbi siya, pero wala namang luha. "Kanina sir, sa Auction pa." "Oo nga paano nga?" tanong pa nito, medyo tumataas na ang boses. "Paatras," sagot niya. "Paatras?!" bulalas nito. "Naglalakad ka paatras?" "E-Eh...hinahanap ko kasi ang tiyahin ko, sir. Magpapaalam lang naman sana ako," rason naman niya himas-himas niya ang paa niya. Nagpatunog ito ng dila matapos siyang titigan sandali. "Tumayo ka diyan," utos naman nito, kahit na masakit nga ang paa niya. "Hindi ko kaya sir eh. Ang sakit talaga? Parang mapuputol," pakiusap niya. "Kung putulin ko kaya iyan?" inis na sabi nito sa kaniya. Napahalukipkip na lang siya. Humakbang naman ito at sinun