Saka lang bahagyang kumalma ang malamig na mukha ni Titus. Bumulong siya sa mga tainga ni Sheryl, “Pagbalik natin mamaya, sabihin mo mahal mo ‘ko.”Sheryl. “...”‘Di niya talaga matiis ang matandang lalaking ito na umaastang parang bata.Nagpanggap si Matthew na hindi niya sila nakikita. Sa kahit anong kaso, sanay na siya rito. Para sa mga magulang niya, isang libreng regalo lang siya.Walang ganitong isipin si Rebecca. Ang isipan niya ay magulo na ngayon. Hindi kailanman ay inasahan niya na may maaalala agad si Sheryl sa oras na ito siya sa Melbourne. Baka kaya hindi siya nakaalala dati dahil hindi siya pumunta sa mga pamilyar na lugar, pero kapag nanatili siya ng mas matagal dito at pumunta sa mga lugar na dati niyang tinirhan, baka mabalik ang alaala niya. Kapag nangyari ‘yun, malalaman niya na ang anak niya ay nagngangalang Catherine Jones. Kailangang pigilan ni Rebecca na manumbalik ang alaala ni Sheryl.Paano niya gagawin ‘yun?...Maya maya ay nakarating sila sa villa.
"Alaala?" Sandaling nanigas si Sally bago mabilis na tumango. "Syempre, syempre."...Pagkatapos ng tanghalian.Tinawag nina Jeffery at Sally si Rebecca sa study.Hininaan ni Sally ang boses niya at agitated na sinabi, "Rebecca, ano nangyayari? Hindi ba't sabi mo dati na wala siyang naaalala tungkol sa nakaraan? Kapag naalala niya, edi tapos na tayo. Tignan mo si Titus. Hindi siya isang tao na pwede natin ioffend.""Kasalanan mong lahat ito. Bakit kinailangan mong magsinungaling?" Halos mabaliw si Jeffery sa galit. "Inimpersonate mo pa si Catherine. Gusto mo bang mamatay?""Mom, Dad, kung hindi dahil sakin, kayong dalawa ay nakakulong pa rin," malamig na sinabi ni Rebecca. "Bukod pa rito, nakonsidera niyo na ba 'to? Kapag si Catherine ay balang araw nakilala ni Sheryl, ito'y magiging laro ng bata kung gusto niya 'kong harapin. Matotorture niya 'ko hanggang kamatayan.""Tanda, nakalimutan mo na ba kung paano binenta ni Shaun ang anak natin sa backwoods?" Pinigil ni Sally ang mga
Sandaling tahimik si Wesley bago nagtanong, “Magiging halata ba ang side effects?”“Kung hindi siya masyadong iinumin ito, hindi masyado magiging halata sa una. Pero kapag mahabang panahon niya na itong iniinom… wala akong masisiguro,” tapat na sinabi ni Sarah.“Mahabang panahon… Gaano katagal ang kalahati nito?”“Mga dalawa hanggang tatlong taon.”“Tama na ‘yan. Ibigay mo sa akin ang gamot.” Isang masamang liwanag ang kumislap sa mga mata ni Wesley. Ang dalawa hanggang tatlong taon ay sapat na para sa kanya na tumayo sa tuktok ng mundo.Bukod pa rito, ang taong pinaka pinagmamalasakitan ni Titus Costner ay si Sheryl. Kapag nagdusa si Sheryl sa isang nervous breakdown, talagang maaapektuhan si Titus. Nandun din si Rebecca, kaya maraming bagay silang mababago sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon....Sa Melbourne.Sa nakaraang dalawang araw, dinala ni Jeffery sina Sheryl at Titus sa maraming lugar.“Sherry, ito ang lumang kumpanya ng pamilya natin, Summit Design. Dati, tinut
Tumango si Sheryl. “Wala ka bang kilalang tao rito? Tawagan mo nalang ang taong ‘yun.”“‘Yun din ang iniisip ko.”Ibinalot ni Titus ang mga braso niya sa babae. “Lilipad tayo papuntang Canberra bukas at kakain kasama ang taong ‘yun. Maliit na usapin lang ito.”Nakinig si Matthew sa kaswal na tono ng mga magulang niya at bahagyang sumimangot.Natural na alam niya ang pamamaraan ng ama niya. Si Titus ang may koneksyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo.Hindi maganda ang impresyon niya kay Shaun, pero si Catherine…...Sumunod na araw.Sina Sheryl, Titus, Matthew, at Rebecca ay lumipad papuntang Canberra.Nang lumapag ang eroplano, huminga ng malalim si Rebecca.‘Canberra, nagbabalik ako.’ Sa taong iyon, tumakbo siya palayo mula sa lugar na ‘to sa isang kahabag-habag na estado. Ngayon, nagbabalik na siya.Hindi nagtagal, isang extended bulletproof na Rolls-Royce ang personal na nagdala sa kanila sa isang liblib at magandang courtyard house.Matapos ang isang kapistahan, dinala si
”Sa tingin mo ba niligtas ka niya mula sa kabutihan ng puso niya?” Ngumisi si Titus. “Nakalimutan mo na ba kung ilang tao ang sumubok na maging malapit sayo mula nung bata ka? Lumaki ka sa Neah Bay. Paanong sobrang naive mo pa rin?”“Dad, hindi niya alam ang pagkakakilanlan ko nung oras na ‘yun. Kararating ko lang sa Canberra. Bukod pa rito, paano niya malalaman ang identidad ko?”Hindi sumang-ayon si Matthew sa mga salita ng ama niya. “Syempre, pinagsuspetyahan ko rin siya dati. Matapos kong pumunta ng Canberra, ilang beses ko siyang kinita pagkatapos nung unang beses. Sa tingin ko na… hindi ganun kasama si Catherine.”“Maraming babae ang magaling umarte.” Malamig na sumimangot si Titus. “Ni hindi niya pinalagpas ang biolohikal niyang mga magulang. Matapos ng lahat ng ginawa niya, pinaglalaban mo pa rin siya. Kapag nalaman ‘to ng mom mo, tignan mo lang kung anong gagawin niya sayo.”“‘Yun ang dahilan kung bakit hindi ko sinasabi sa kanya.” Ngumuso si Matthew. “Dad, sa totoo lang…
Pagsapit ng 8:00 a.m. ay naghanda ng pang-agahan si Catherine. Kaaya-ayang tignan si Lucas na siyang suot ang kanyang uniform. Tahimik nitong kinakain ang kanyang noodles, samantalang hindi maitimpi ni Suzie ang kanyang sarili. Hindi niya gustong kumain ng agahan at sa halip ay gusto niyang kumain ng doughnut.“Hindi ka pwedeng kumain ng matamis sa umaga, Suzie.” Hikayat ni Shaun ang kanyang anak habang paunti-unti niya itong pinapakain.Lubos na ikinatuwa ni Catherine ang eksenang iyon. Noong nakaraan, siya ang kailangang gumawa ng ganitong uri ng bagay, ngunit sa wakas ay hindi na niya kailangan pang gawin ito.“Ayaw ko ng noodles, Scummy Dad.” Nag-pout si Suzie.Suminghal si Lucas, “Ikatataba mo ‘yang pagkain mo ng matatamis. Bahala ka, hindi ko sasabihing magkapatid tayo pagkapasok natin ng school.”“Mommy, tinutukso nanaman niya ako.” Pagrereklamo ni Suzie. Hinilot na lamang ni Catherine ang kanyang noo.Biglang tumunog ang phone na iniwan ni Shaun sa mesa. Galing iyon kay
“Isang malaki at nakakatakot na tao ata ang kanyang binangga. Pati ang ninong ko’y hindi siya kayang kalabanin.” Pagpuputol ni Freya sa kaibigan. Napuno ng ingay ang utak ni Catherine.Napakarami nang pinagdaanan nila Shaun upang makarating sa kinaroroonan nila ngayon. Nakulong na sa wakas si Mason at maaari na nilang tapusin ang kanilang gulo kay Wesley, ngunit ngayon, tila nabangga nila ang isang mas nakakatakot na tao.Sino kaya iyon?Naghahalo ang pagod at pagkawala kay Catherine.Hindi naging madali para sa kanila ni Shaun ang kanilang pinagdaanan upang marating ang puntong iyon.“Okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ni Freya."Hindi ko alam, Freya. Pupunta akong Hill Corporation para makibalita.” Pagod na sinagot ni Catherine.Matapos ibaba ni Catherine ang tawag ay tumungo ito agad sa Hill Corporation.Kasalukuyang dinudumog ng mga reporter ang labas ng Hill Corporation, kaya’t pumasok na lamang si Catherine mula sa parking lot. Pagdating niya sa pinakataas na palapag
Natigilan si Shaun at tinitigan nito ang kanyang kasama sa hindi kaaya-ayang ekspresyon.“Shaunny, pasensya na. Kahit mahirap pakinggan ang sinabi ko, kailangan kong gawin para sa mga bata,” Napakagat ng kanyang labi si Catherine at mahina ang kanyang boses.“Hindi, nalulungkot ako kasi parang sinabihan mo na rin akong wala akong kwenta. Sinuman ang mastermind nito, hindi ako basta-basta napapabagsak.” Marahang niyakap ni Shaun si Catherine. “Kung darating talaga ang araw na hindi ko na kayo mapoprotektahan ng mga bata, hindi mo na kailangang sabihin pa. Hahayaan na kita.”Hindi umimik si Catherine, ngunit nanunuot ang kanyang mga mata.Mahal niya ang lalaki, at mahal din siya nito.Gayumpaman, malupit ang katotohanan. Kailangan nilang maging responsable para sa kanilang mga anak....Pagkarating sa tahanan ng mga Snow. Nang hinatid sila ng butler papasok, tumambad sa kanilang pagpasok sa pinto ang boses ni Rodney.“Tito, parang kapatid ko si Shaun at maganda ang relasyon niy