“Wala na siya. Nahuli ako kagabi. Pagkarating ko, nakita ko na lamang na nalaglag si Rebecca mula sa balcony na siyang kinamatay niya. Sinabi pa ng guard na ikinamatay niya ang pagtatakas. Nasa punerarya na ang kanyang bangkay.”Natigilan si Catherine.Bahagya pa itong napatulala.Noon pa lamang ay masamang damo na ang tingin nito kay Rebecca. Papaanong bigla-bigla na lamang ito mamamatay?Nagpakahirap itong bumuo ng kasinungalingang magpanggap bilang anak ni Sheryl para lamang mabalikan niya sina Catherine at Shaun. Maayos naman ang kalagayan nito, kaya’t papaanong bigla na lamang itong mamamatay?Pakiramdam niya tuloy ay nananaginip lamang siya.“Papaanong mamamatay na lamang bigla si Rebecca?” Bulong ni Catherine. “Nagpapanggap lamang ba siya?”“Totoo iyon.” Tumungo si Titus. “Namatay siya, ano naman?”Pilit na ngumiti si Catherine. “Maaari’y hindi niyo ito alam, ngunit ilang taon ko nang nilalabanan si Rebecca. Sa tuwing nalalapit na ako sa aking pagkapanalo, bigla na laman
Unti-unting nanigas ang maamong mukha ni Catherine.Nawala ang anumang pagmamahal ang mayroon siya para kay Sheryl mula noong na-kidnap si Suzie. Sa katunaya’y kinamumuhian na niya ang babae.Subalit hindi niya maitatangging nagulat pa rin siya noong nalaman niyang hinahaluan ni Rebecca ang mga kinakain ni Sheryl.Naalala niya lamang ito noon dahil sinabihan siya ni Shaun, ngunit hindi niya naman inaakalang gagawin talaga iyon ni Rebecca kay Sheryl.Tinignan siya ni Titus nang may malalim na boses. “Sinabi sa’kin ng doktor na may nakita silang mga trace ng pinagbabawal na gamot sa bloodstream ni Sheryl, at iyon ay kadalasang iniinom ng mga pasyenteng sumasailalim ng surgery o ‘di kaya’y may sakit sa pag-iisip. Kung dadalasan niya pa ang pag-inom ng gamot na iyon, makararanas siya ng insomnia, pagbaba ng kaledad ng pag-iisip, mood swings, pagkabalisa, at maaari pa siyang mag-hallucinate. Ma-a-addict din siya roon, kaya’t pinamalagi ko muna siya sa ospital ngayon.”Natigilan si Cath
“Kahit na noong napansin ni Sheryl na hindi na tama ang kinikilos ni Rebecca, palagi nitong sinasabing buhat iyon ng pagkadakip sa kanya noong bata pa lamang siya, at bilang ina, walang ibang sinisi si Sheryl kundi ang kanyang sarili. Iniisip niyang kung nandoon lamang siya, hindi sana nagdusa nang gano’n ang kanyang anak. Kung naturuan niya lamang sana ang kanyang anak, hindi sana gano’n kumilos ang kanyang anak.”Bahagyang nasamid si Catherine.Hindi niya namalayang bumibilis ang pagtibok ng kanyang puso.“Ina ka rin, kaya alam mo dapat ang nararamdaman niya.” Bawat salitang lumalabas sa bibig ni Titus ay parang panang tinatamaan ang puso ni Catherine. “Kamumuhian ba ng isang mapagmahal na ina ang kanilang anak. Hindi. Kahit na masama ito, sisisihin lamang niya ang kanyang sarili.”“Ngunit hindi niya dapat hinayaang magpakasasa si Rebecca.” Sagot ni Catherine.“Tingin mo ba’y nasa tama siyang pag-iisip noong ginawa niya iyon?” Tanong ni Titus.Biglang naubusan ng sasabihin si C
“Huwag.”Biglang hinawakan ni Catherine ang kamay ni Shaun. Paos ang kanyang boses ngunit sapat na ito upang palambutin ang anumang puso. “Hindi siya. Nando’n ka rin naman, ah? Nakita mo bang sinaktan niya ako?”Nalungkot si Shaun.Ilang sandali pa lamang ang nakakaraan mula noong narinig niyang magsalita si Catherine. Marami-rami iyon ngunit wala siyang maintindihan ni isa.Pananakit… wala namang pananakit. Hindi naman siya hinampas ng lalaki.“Eh… bakit ka umiiyak?” Nababalisa si Shaun. Hindi niya kayang makitang umiiyak ang babae. Sumasakit ang kanyang puso.“Dahil… marami akong naalalang malulungkot na bagay.” Pilit na lamang ngumiti ni Catherine. “Pumasok ka na sa sasakyan.”Habang pabalik sila ng manor, hindi mapakali si Shaun. Iniisip niya pa rin kung anong problema ang naalala ni Catherine.Kung umiyak si Cathy dahil may naalala siyang hindi magandang bagay, ngingiti kaya ito kapag nakaisip siya ng masayang bagay?Subalit papaano niya mapapasaya ang babae?Pumalumbaba
Habang papasok sila at sandaling naglakad lakad, bigla nilang napansin na may isang taong nawawala.Lumingon sila at nakita si Shaun na nakatayo pa rin kung nasaan siya kanina. Ang mga labi niya ay ngumuso at may ekspresyon na tila sinasabing ‘Inabandona ako, nakakaawa ako’.Naramdaman ni Catherine at ng iba pa na namanhid ang puso nila sa nakita na tila naging makasalanan sila sa hindi pagpansin sa isang little darling.Bilang ina niya, mas lalong naguilty si Lea at marahan na sinabi, “Shaunny, halika. Magpapabake ako ng cake para sayo.”Hindi siya pinansin ni Shaun at nagtatampo na tumingin kay Catherine. “Galit na ako ngayon. Hindi mo ‘ko pinansin.”“...Hindi totoong hindi kita pinapansin. Akala ko susunod ka.” Agad na kinuha ni Catherine ang kamay ng lalaki at idinagdag, “Iniisip ko sina Suzie at Lucas.”Tumingin si Shaun kina Suzie at Lucas bago ngumawa, “Nandito na ‘ko. Bakit iniisip mo pa rin sila?”Sumimangot si Lucas at biglang nagalit si Suzie. “Sobra ka na. Mommy nami
Hinawakan ni Catherine ang kamay ni Shaun at pumasok, ngunit hindi mapigilan ni Shaun na lumingon at sumulyap sa desolated na pigura ni Brennan. Sa anumang rason, ang puso niya ay nakaramdam ng bahagyang pagkabalisa.Overboard ba siya kanina?Tinuruan siya ng leksyon ni Cathy na hindi niya pwedeng diktahan ang isang libro mula sa pamalat nito. Hindi kasalanan ni Brennan na mukha siyang matanda.Habang papasok ng villa, tumigil nang magselos si Suzie at naalala ang sinabi ni Catherine kanina na kailangan niyang kilalanin si Daddy bilang matalik niyang kaibigan."Shaunny, kaming dalawa ni Lucas ay may toy house. Gusto mo bang maglaro kasama kami?" Nag-initiative si Suzie na imbitahan ang lalaki.Natukso si Shaun ngunit hindi napigilan na lumingon kay Catherine.Gusto niya maglaro at sa parehong oras ay manatili kasama si Cathy."Sulong. Kakauwi ko lang, kaya kailangan kong maligo at magpalit," marahan na sabi ni Catherine. Nanatili siya sa ospital ng ilang araw at balisa ang pakir
Si Shaun naman ay hindi sanay. Nauna ng naligo si Catherine sa ospital, ngunit ang bango ay ang nakakapreskong uri. Natuyo ang kanyang bibig ngayong araw matapos maamoy ang hindi pamilyar ngunit kaaya-ayang halimuyak na ito, at ang kanyang puso ay nagsimulang tumibok nang mali-mali.Ng tumingala siya at nakita ang maitim na buhok nito at mapupulang labi, napuno siya ng pagnanasang halikan siya.Gayunpaman, may yumakap sa kanya ng mas mabilis kaysa sa kanyang makakaya. Si Suzie iyon."Mommy, tapos ka na bang mag-shower?" Niyakap ni Suzie ang isang hita ni Catherine."Oo." Lumuhod si Catherine at natuwa nang makita ang natapos na Lamborghini sports car sa lupa. “Lucas, hindi ba ito ang Lego na ibinigay sa iyo ng lola mo noong huling pagkakataon? Talagang natapos mo itong i-assemble. Ikaw ay kahanga-hanga."Bahagyang namula ang gwapong mukha ni Lucas sa kahihiyan.Napangisi si Shaun at napangiti.Tinakpan ni Suzie ang labi niya at ngumisi. “Mommy, hindi si Lucas ang nakatapos nito.
“I’ll go with you,” agad na sabi ni Hadley. “Pero kung patay na talaga si Rebecca, paano naman ang shares niya? Mahuhulog ba sila sa kamay ni Jeffery at ng kanyang asawa?”Sumikip ang dibdib ni Catherine. Ang mga salita ni Hadley ay nagsilbing paalala."Ano ang kasalukuyang sitwasyon sa Hill Corporation? Ayon kay Shaun, dinala ni Rebecca ang kanyang sariling mga tao upang sakupin ang Hill Corporation at pinatalsik pa ang marami sa mga senior executive ng kumpanya?“Oo, si Rebecca mismo ang kumuha ng team. Ang namamahala ay isang taong tinatawag na Wade. Ang iba sa kanila ay pumalit sa iba pang mahahalagang posisyon ng GM at mga tagapamahala ng iba't ibang mga departamento." Sumakit ang ulo ni Hadley. "Tiningnan ko ito at natuklasan na si Wesley at Wade ay malapit.""Kaya si Wade ay isa sa mga tauhan ni Wesley," sabi ni Catherine habang siya ay tinamaan ng pag-unawa.“Oo. Na, sa katunayan, may katuturan. Kahit na siya ay walang awa, si Rebecca ay hindi partikular na sanay at may ka