"Ikaw…" Si Cindy ay halatang nanginginig na ngayon."Tigilan mo, ikaw. Matalik na magkaibigan tayo ng halos walong taon at mayroon tayong hindi mabilang na litrato magkasama. Huwag mo ako pilitin na patunayan iyon."Kalmadong tinignan ni Catherine ang mga bisita bago tumigil ang atensyon niya sa mag-asawang Jones.“Hindi na kailangan tingnan ang security footage dahil hindi rin naman ito papayagan ng pamilyang Jones. Ayaw ko na tumagal pa sa seremonyas na ito ilang minuto pa. Sa totoo lang, ako ay nandidiri sa inyong lahat na hipokrito.”Pagkatapos, itinapon niya ang mikropono sa gilid, tumalon pababa sa lamesa, at nagsimula na maglakad palabas ng banquet hall sa ilalim ng mga titig ng lahat ng tao.Ang pamilyang Jones at Lowe ay mukhang sobrang nahihiya.Si Ethan ang pinakanahihiya sa lahat. Sa wakas, naglakad papunta sa harap ng tatay niya ay at ipinahayag sa mga bisita, “Simulan na natin ang pagkain habang ang magkasintahan ay magpapalit at magpapahinga sa taas. Pusta ko na n
Bukod doon, hindi magawa ni Ethan na isipin si Catherine kasama ng ibang lalaki.“Tito, nababaliw ka na yata. Ang ibang tao ay hindi ganon kainosente tulad ng itsura nila na pinapakita—”“Mayroon akong mas higit na propesyonal na karanasan kesa sa’yo at ako rin ay mas matanda ng ilang taon sa’yo, kaya pwede mo na tigilan kung ano ang dapat kong gawin,” Marahan na sinumbat ni Wesley sa lalaki.“At saka, anong klaseng lalaki ka para siraan ang dati mong kasintahan na lumaki kasama mo?”Namula ang mukha ni Ethan sa kahihiyan. “Sinasabi ko ito para sa kabutihan mo. Hindi siya tatanggapin sa pamilya Si Grandpa at Grandpa.”“Para ba iyon sa kabutihan ko o sa iyo? Sigurado akong alam mo ang sagot ng mas mahusay kaysa sa ibang tao.”Ding. Sa saglit na iyon, dumating na ang elevator.Ginabayan ni Wesley si Catherine sa elevator, Nagsara ang pinto ng elevator nang ang may galit na mukha si Ethan sa labas.Habang nasa maliit na espasyo, siya ay nasobrahan sa mga emosyon na bumagsak sa kan
Nagulat si Freya dito. “Napasama ko ba ang loob mo?”“Hindi mo napasama ang loob mo ngunit tinulak mo ako papunta sa libingan!” Si Catherine, na nawalan ng kontrol ay nagsimula na sumigaw. “Hindi si Shaun ang tito ni Ethan! Nakuha mo ang maling tao!”“Hindi maaari…” Hindi alam ni Freya kung ano ang sasabihin.“Nakita ko ang tito ni Ethan ngayon at siya ay si Wesley Lyons. Naibigay sa akin ang proyekto na disenyuhan ang villa niya sa Green Mountain hindi katagalan.” Nararamdaman ni Catherine na iiyak na siya sa saglit na iyon. “Anong naging mali at napunta ka sa kamalian na ito? Hay nako.”“...”Nanatiling tahimik si Freya habang may nginig na dumapo sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit narinig niya iyon sa sarili niyang kapatid....Makalipas ang kalahating oras, nagpakita si Catherine sa harap ni Freya na kasing bilis ng kidlat.Ang huli ay nakahiram lang ng helmet. “Ito ang panuntunan. Pwede mo ako tamaan ngunit wag lang sa mukha ko.”Ang dulo ng labi ni Catherine a
Sa Jennings Solicitors.Si Chase, na kagagaling lang mula sa tanghalian niya, ay naglakad ng maayos papasok sa opisina.Habang naglalakad siya palagpas sa opisina ni Shaun, napansin niya na papasok pa lang ang sekretarya niya ng may tasa na kape.“Nananghalian na ba si Attorney Hill?” tinanong ng lalaki.“Hindi pa, tinitignan niya maiigi ang mga bagong kaso,” binulong ng sekretarya. “Si Attorney Hill ay masipag na nagtatrabaho sa mga kaso kamakailan lang. May kinakaharap ba siyang pinansyal na problema? Dati kumuha siya ng dalawang kaso kadalasan kada buwan, ngunit ngayon ay nagtatrabaho siya sa apat na kaso ng sabay-sabay. Sobrang okupado niya na nagtatrabaho siya higit pa sa oras habang lunch break niya.”Suminghal si Chase. Kahaharapin ba ni Shaun ang pinansyal na problema kahit kailan?Ang presidente ay maaaring mawalan ng pera ngunit si Shaun? Kailanman ay hindi mangyayari iyon.Ang kayamanan na pagmamay-ari niya ay maaari tumagal sa sampung habambuhay. Ayaw niya lang bumal
“Syempre hindi. Sa akin niya lang naman ginagawa iyong mga kasinungalingan na iyon.” Kutya ni Shaun“...”Walang masabi si Chase.Tila’y niyayabangan siya ng lalaking ito.‘Ewan ko sa’yo, wala na rin namang pakialam si Catherine sa’yo ngayon.’Kutya nito pabalik sa loob loob niya bago sabihing, “Kung titignan ang nakaraan ng mga Jones, marahil ay hindi nila ito palalampasin. Kinulong nga nila siya noon na muntik na niyang ikamatay. Tingin mo ba’y nasa panganib ulit siya? Kailangan ko na bang kumuha ng taong magmamatiyag sa kanya?”Bumalik sa pagbabasa ng mga dokumento si Shaun. “Huwag muna hangga’t hindi pa siya nagmamakaawang tulungan ko siya.”Makalipas ang ilang segundo, nagpatuloy ito, “Ngunit tinignan muna nila dapat bago sila sumabak. Hindi nagpapakita ng respeto sa akin ang mga Jones. Gusto kong sumikat ang bidyo na ito sa lalong madaling panahon. Bukod dito, huwag mong hayaang ipatanggal ito ng mga media.”“Uh… Sige.”Hindi na nag-abala pang kutyain ni Chase si Shaun.
Matinding pagkabagot ang sumapi kay Shaun.P*cha naman! Kinakailangan ba talagang nagagalak pa ang tono nitong papunta na sila sa registry office?Maliban na lang kung ikinagagalak nitong makita siyang muli?Iyon siguro iyon.Noong isang gabi, bigla bigla na lamang itong umalis. Marahil ay nagsisisi na ito sa kanyang desisyon ngunit ay masyado rin siyang nahihiya upang aminin ang kanyang pagkakamali.Marahil ay ginagamit niya itong dahilan upang yayain siyang lumabas. Nakabubuti sigurong lambingan niya ang kanyang tinig kapag sila ay nagkita mamaya?Kung sa bagay, hindi pa siya nakakakain ng matinong pagkain mula nang umalis ito.Sige, bibilhan niya na rin ito ng keyk bago pumunta roon.Bumili si Shaun ng isang pirasong cheesecake bago ito umalis upang kitain si Catherine.Pagkarating niya sa registry office, napansin nitong suot ni Catherine ang isang mahabang bestida na kulay puti na binili niya para rito noon sa ilalim ng isang kulay beige na amerikana. Lalong nagliwanag an
Nilamigan lamang ni Shaun ang kanyang ngiti sa halip na pigilan umalis si Catherine. “Isang salita ko lamang at walang kahit sino sa buong Australia ang malakas ang loob na kunin ang kaso ng ating paghihiwalay. Subukan mo kung ayaw mo akong paniwalaan, ngunit pagdating ng panahong iyon, tatlumpung taon mo ako makakasama, hindi lamang tatlo.”Tumalikod si Catherine upang tingnan ito nang masama. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung sino ang kanyang kinakalaban.Hindi niya masasabing isa itong karaniwang tao lamang dahil matalik niyang kaibigan ang isang Chase Harrison.Hindi niya rin naman masasabing nagmula ito sa isang mayamang pamilya dahil wala itong magagarbong mga sasakyan at hindi rin siya nakatira sa isang mansyon.“Hindi ako susuko sa iyong pananakot. Mas gugustuhin ko pang hindi pirmahan ang mga papeles na ‘yan kaysa manirahan kasama ang lalaking tulad mo.”Bakas ang kawalan ng pakiramdam sa kanyang tinig. Tumalikod itong muli at naglakad papalayo.Isa pa, wala na rin n
Sumimangot si Jeffrey. Naghiwalay ng saglit ang kanyang labi ngunit walang salitang lumabas mula rito....Makalipas ang dalawampung minuto.Sa loob ng palikuran.Nag-iingat na nilapitan ni Aunty Helen si Rebecca. Hindi mapalagay ang kanyang hitsura.“First Young Lady, pagsususpetyahan ba ako nina President at Madam Jones sa nangyari kanina? Wala ho akong kinalaman doon. Kayo ho ang nagtulak sa aking gumawa ng maling paratang.”“Wala iyon. Inalis ko na agad iyan sa kanilang mga isip.” Kinuha ni Rebecca ang credit card mula sa kanyang pitaka at ibinigay ito sa babae. “Ito ang parte mo. Wala kang sasabihin kahit kanino. Ayokong may nakakaalam sa mga nangyari ngayon araw.”Kumislap ang mga mata ni Aunty Helen. Agad niyang tinanggap ang regalo at tuloy tuloy na tumango. “Ikinagagalak ko ho kayong pagsilbihan.”“Isa pa…” Kumibot ang mga sulok ng labi ni Rebecca upang gumawa ng isang masamang ngisi. “Alagaan mo nang mabuti ang aking lola. Ayoko makita na bumubuti ang kanyang kondisyo