Share

Chapter Forty Eight

PAGKAMULAT ng mga mata ni Anastasia ang puting kisame ang agad na bumungad sa kanya. Alam niyang nasa hospital siya ngayon.

Bumukas ang pinto at iniluwa ni'yon si Virginia. "Bes!" Halos tumakbo ito palapit sa kanya. Mukhang kararating lang din nito.

"Ano bang nangyari? Tinawagan ako ni Craig para papuntahin dito."

Pagkarinig sa pangalan ni Craig ay kusang pumatak ang mga luha niya.

"Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?" nag-aalala nitong tanong.

Marahan siyang umiling, pero ang mga luha niya ay patuloy lang sa pagpatak. Ang bigat-bigat ng dibdib niya. Hindi niya mahapuhap ang tamang salita para ilarawan kung gaano siya nasasaktan sa mga oras na 'yon.

Mabilis niyang tinuyo ang mga mata nang pumasok ang doktor kasama ang isang nurse.

"Good morning, Mrs. Navarro. I'm Dra. Salcedo," sabi ng doktor.

"Hindi po ako asawa ni Mr. Navarro, Doc," pagtatama niya.

Bahagya itong nagtaka. "Ganu'n ba? Well, actually si Dr. Marillo ang unang tumingin sa'yo at ipinasa ka lang niya sa akin."

"May prob
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status