Share

Chapter Sixty Two

KASALUKUYANG nakatayo si Craig sa may bintana ng hospital room na kinaroroonan niya habang nakatanaw sa labas ng hospital.

Hindi niya alam kung paano siya napunta rito at kung bakit siya nandito? Higit niyang pinagtataka bakit nandito rin si Anastasia? Ang alam niya umalis ito. Sinundan ba niya ito at napahamak siya kaya siya nandito sa mga oras na 'to?

Kahit kailan talaga walang nagawang tama si Anastasia sa buhay niya.

Napatingin siya sa pinto nang bumukas iyon at iniluwa ang kaibigan niyang si Brad. "Gising ka na pala. Kahahatid ko lang kay Anastasia."

Nangunot ang noo niya. "Kailan pa kayo naging close?"

Ngumiti ito at ibinulsa ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon nito. "Dahil sayo, bro."

"Sa'kin?"

Nagbuntong hininga ito. Sa tingin mo anong taon na ngayon?"

"Anong klaseng tanong 'yan?"

"Just answer it."

"2012."

Nawala ang ngiti nito sa mga labi. "Kung ganu'n sampung taon ang nawala sa ala-ala mo."

Lalong nangunot ang noo niya. Naguguluhang umayos siya ng pagkakaharap dit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status