Share

Kabanata 50

Alina’s POV

Hindi agad ako nakapasok sa loob ng manisyon kasi namangha ako sa ganda ng garden dito sa labas. Nakapapangiti ako sa mga nakikita ko. Ang daming bulaklak, humahalimuyak sa buong paligid ang bango ng mga bulaklak. Habang nag-e-enjoy ako sa pag-amoy sa mga bulaklak, nahinto na lang ako bigla sa paglalakad, late ko na napagtantong naaamoy ko ang mga bulalak. Ang pagkakaalam ko, hindi na ako nakakaamoy ng kahit ano. Bakit ganoon? Paano nangyaring naaamoy ko ang mga bulaklak dito? Ano bang lugar ito at tila ba may kakaibang mga pangyayaring nagaganap dito?

Sakto naman na pagdating ko sa pinakapinto ng mansiyon, nakita kong palabas dito si Manong George. Masaya siya na tila ba may biyayang natanggap. Kaya naman pala, may hawak pala siyang pera kaya ito nakangiti ngayon. Ang kapal ng pera na iyon na tila sa tingin ko ay milyon ang halaga.

“Ayos! Sabi na, e, suwerte talaga ang dala nitong katawan ni Miss Alina. Bukod sa may chance na siyang mabuhay, magkakaroon pa kami ng malaka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status