Share

Kabanata 73

Corvus’ POV

Hindi na pinatagal ni Alina ang paglalamay sa ama niya. Isang gabi lang ‘tong pinaglamayan, kinabukasan ay nilibing na rin agad. Ang lamay na ‘yun ang nag-iisang lamay na pinaka-malungkot na nasaksihan ko. Wala manlang kamag-anak si Alina na pumunta kasi hindi na rin niya sinapubliko ang nangyari sa ama niya. Kaya ang nangyari, puro kami-kami na lang ang naglamay sa ama niya. Kaya lang dumami ay dahil sa mga tauhan namin.

Habang nandito ako sa sala at nagce-cellphone, narinig kong may naglalakad na sa itaas. Maya maya pa ay nakita kong gising na si Alina.

“Gusto kong matutong gumamit ng baril, Corvus,” sabi niya nung bumaba na siya sa hagdan. Mugto at halos maga ang mga mata niya ngayong umaga. Halatang magdamag siyang umiiyak.

Gusto ko sana siyang tabihan kagabi, kaya lang siya ang may gusto na mapag-isa muna. Siguro, nahihiya siya na marinig kong umiiyak siya magdamag. Iniisip niya rin siguro na baka mapuyat lang ako.

“Kung ganoon, sige, magha-hire tayo ng magtuturo sa ‘
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status