Ilang beses ding pinag-isipan ni Karadine ang araw na iyon, kung saan ay nakatakda siyang makipagkita kay Yvo sa kanilang lihim na tagpuan. At syempre, sa tulong ni Renzo ay hindi naging mahirap na lusutan iyon. Bagama't may pagtataka pa rin si Tamara sa parehong pagkawala nina Karadine at Yvo nang mismong araw na iyon. Isang matamis na yakap at halik ang ibinungad nila para sa isa't isa. Saksi ang kubong iyon sa espesyal na nararamdaman nila para sa isa't isa. Ngunit batid ni Karadine na iyon na ang huling pagkakataon na gagawin nila iyon, iyon na rin ang huling sandali na magkikita sila ng palihim dahil sa magiging kondisyon niya rito.Pagkabitiw nila pareho sa yakap ay napansin agad ni Yvo ang pangingilid ng luha niya. Kaya naman agad nito iyong pinunasan gamit ang sariling palad habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa kaniya. "Alam mo bang sobrang saya ko nang malaman kong gusto mo akong makausap ngayon, Kara."Tipid siyang napangiti. "A-ako rin." Nagawa niyang lumihis ng tingin
"E, bakit ba kasi iyon pa ang naging dahilan mo? Iyan tuloy nadamay pa ako," problemadong saad ni Renzo nang minsan silang mag-usap sa pabrika. "H-hindi ko alam, wala na akong ibang naisip na dahilan, dahil sigurado akong mas magiging magulo ang sitwasyon kung sinabi ko ang totoo na si Yvo ang ama nito.""Pero hindi ba't mas naging mahirap ngayon? Kara, nakatakda ka nang ikasal sa akin. At kahit sa panaginip, hindi ko naisip agawin ka sa kaibigan ko. Oo, attracted ako noon sa'yo, pero simula nang magkamabutihan kayo ni Yvo ay nagpaubaya ako para sa kaniya." Napatango siya. Saka niya hinawakan ang braso nito habang nagsusumamong tumingin dito. "Patawarin mo ako, Renzo, kung kinailangan kong ilihis ang katotohanan.." Hindi napigilang mailing ni Renzo. "Pero, nandito na tayo, e, nangyari na kaya panindigan na lang natin." "Kara, alam kong si Yvo ang mahal mo, kaya hindi mo p'wedeng lokohin ang sarili mo." Napabuntong hininga siya at kasabay niyon ang pagbitiw niya rito. "Paano ko nam
SA PAGKAWALA ni Yvo sa pabrika ay matagal-tagal din silang hindi nakapagkita ni Karadine. Dahil dito ay naging problema para sa kanilang dalawa na makapagkita kahit pa humingi pa sila ng tulong kay Renzo.Hanggang isang araw.."Madam Karadine, kailangan mo na pong umuwi," ang wika ng driver sa kaniya na si Lito. Lulan ito ng minamaneho nitong kalesa na madalas niyang sakyan sa tuwing hindi siya sumasabay sa ama sa sasakyan nito. Sa katunayan ay mas naghigpit sa kaniya ang ama simula nang malaman nito ang katotohanan na nagmamahalan sila ni Yvo at ito pa ang tunay na ama nang ipinagbubuntis niya. "Pero kaya ko naman pong umuwing mag-isa, Mang Lito," katwiran niya. "Alam ko po, pero iyon po kasi ang kabilin-kabilinan ng iyong ama na simula po ngayon ay palagi na po kitang ihahatid sundo." Napailing na lamang siya sa katotohanang iyon. Lalo na't pakiramdam niya'y lumalayo na ang loob sa kaniya ng sariling ama. Samantala'y naging abala si Renato sa pagbisita kay Florencio sa Eldefonso c
ISANG ARAW bago ang nakatakdang kasal ni Karadine kay Renzo ay nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari sa kanilang mansyon. At kahit may pamahiin na hindi nila kinakailangang magkita ni Renzo isang araw bago ang kanilang kasal ay hindi nila iyon sinunod, sa halip ay itinuloy ni Renzo ang kanilang plano ni Yvo na pagtakas kay Karadine sa mansyon. Batid din naman ni Karadine ang planong pagtakas sa kaniya ng dalawa kaya naman nag-iingat din siya na walang makaalam ng plano nila maliban kay Isabel. "Sigurado ka na ba talaga sa gagawin n'yong pagtatanan ni Yvo, Karadine?" "Oo, Isabel, ito lang kasi ang nakikita naming paraan para hindi matuloy ang kasal." Hindi naiwasang mapabuntong hininga ni Isabel. "Nag-aalala ako sa inyo ng pamangkin ko, pero masaya ako dahil kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo." Niyakap siya ng mahigpit ni Isabel bago pa siya tuluyang umalis. "O, sige na, kailangan mo nang umalis habang mahimbing pa ang tulog ng mga tao rito.""Salamat, Isabel. Mami-miss k
MATINDING KABA ang kanilang naramdaman bago pa sila tuluyang makaluwas ng bayan ng Eldefonso. At doon lang napanatag ang kanilang mga kalooban. "G-grabe ang kaba ko kanina, hah?" hinihingal na wika ni Yvo. "Ako rin," ganting sagot ni Karadine. Saka nito pinagdaop ang kanilang mga palad. Kumpara kanina ay doon lang naging kalmado ang pakiramdam nila. "Siya nga pala, paano natin 'to maibabalik ang sasakyan sa mansyon?" tanong ni Yvo sa kawalan.Bahagya namang ngumiti si Karadine at sinabi, "Ako na ang bahalang magpaliwanag kay papa kapag nagkataong matunton niya tayo. Yvo, hindi ka na niya ulit p'wedeng saktan dahil talagang kakalabanin ko siya kahit sarili ko pa siyang ama," matapang na pahayag ni Karadine. Hindi rin naman nagtagal at nakarating na rin sila sa bagong tirahan nila Yvo, sa bayan ng Matias, kung saan ay karatig bayan din ng Eldefonso at San Miguel. Ang kagandahan sa bayang ito ay payapa at hindi umiiral ang mga krimen, dahil na rin sa maganda at mahigpit na pamamalakad
NAPAGTANTO NINA Karadine at Yvo na wala na ang sasakyang ginamit nila nang mismong tumakas sila sa mansyon. May nakapagsabi rin sa kanila na nagawa iyong dalhin ni Renato dahil may duplicate key pala ito ng sasakyan. Kaya naman labis ang pangambang nararamdaman ngayon ni Karadine dahil na rin sa mas may maisisisi ang kaniyang ama kay Yvo kapag dumating ang araw na nagharap sila nito. Makalipas nga ang ilang araw ay nagdesisyon si Yvo na mamasyal silang dalawa. Subalit ang takot na nararamdaman ni Kara noong nakaraang araw ay sadyang hindi pa rin mawala. "Yvo, sa sitwasyon natin ngayon, hindi ba't mali na mamasyal tayo dahil baka may makakita sa atin na isa sa mga tauhan ni papa?" katwiran niya sa kasintahan na ngayon ay pinipilit maging matapang sa kabila ng kanilang kinakaharap na problema.Hinarap siya nito at sinabi, "Kara, kung paulit-ulit tayong magtatago, parang habang buhay lang din nating tatakasan 'yung problema. Kara, ayokong habang buhay na ganito ang sitwasyon natin. Gus
NAGULANTANG ang lahat sa malakas na boses ni Renato bago pa man sumapit ang gabi. "Pambihira! Nasaan na ang mga 'yon?" Walang nais na sumagot sa mga tinugon nito at sa halip ay nagpatay malisya lamang ang grupo nila Renzo. Sa katunayan ay tagumpay ang naging plano nilang pagpapaalis sa mga bagong tauhan ni Renato, at inaasahan na nilang ganito ang magiging reaksyon ng amo kapag napagtanto nitong ipinagkanulo naman ito ng mga pinagkatiwalaan nitong mga tao. "Wala bang nakakarinig sa akin?" Doon lang nagsimulang sumagot si Renzo. "B-boss, wala na po sila." "Ano? Paanong wala?" "Umalis na po sila at iniwan ang kanilang mga trabaho. Siguro ay napagtanto nilang wala silang mapapala sa ganitong uri ng trabaho." Nakita nila ang pagkuyom ng kamao ni Renato at walang alinlangang isinuntok iyon sa isang kwadradong lamesa. " Kung ganoon ay pinatunayan lang nilang mga taksil sila!" Kapagkuwa'y nanlilisik ang mga mata nitong tumingin sa kanilang apat. "Umamin nga kayo sa akin, tulad n'yo rin
HINDI PA rin makakuha ng tamang tsempo sila Renzo upang tuluyang iwanan ang kanilang trabaho at para magbagong buhay na lang hangga't hindi pa napagbabayaran ni Renato ang mga kasalanan nito sa batas. Sa katunayan ay nakapagbigay na ng impormasyon sina Yvo at Karadine sa mga pulis at hinihintay na lamang nila na maglabas ng warrant of arrest ang Eldefonso city jail. Buong akala nila Yvo ay umaayon na sa kanila ang pagkakataon, subalit ilang araw lang din anf lumipas, kung saan ay ang araw na naglabas ng warrant of arrest ang Eldefonso city jail ay isang hindi inaasahang pangyayari ang nangyari sa pabrika. Iyon ay nang muling lumantad ang mga dating tauhan ni Renato Monteza na sina Rudolph, Max, Alejandro at Trevor. Bagay na ikinagulat nina Renzo, Fernando, Joey at Billy. "Ano pang ginagawa nila rito?" tanong ni Fernando sa kawalan. "Bakit pa sila nagbalik?" ganting tanong din naman ni Joey.Samantala'y wala mang imik si Renzo ay lihim na napapakuyom ang kamao nito dahil sa hindi pa