Share

Chapter 51

NGAYONG alam na ni Margaret ang pinakalilihim ni Tamara ay nagkaroon siya ng dahilan para gawing pain ito sa pagbabalik loob nito sa kaniya.

"Hanggang kailan mo balak ilihim sa pamilya natin ang pinakamalalim mong sikreto, Ate Tamara?" Tila nagulantang naman si Tamara sa ibinungad niya matapos itong matigilan sa ginagawa. Naabutan niya kasi itong nag-iimpake ng ilang damit.

Pero sa lahat na yata nang nakilala niya ay si Tamara na ang pinakamagaling pagtakpan ang sikreto at indenial palagi kahit bistado na. "Hindi ko alam ang sinasabi mo," kaswal na wika nito.

Bahagya siyang natawa. "So, ide-deny mo pa talaga sa akin na ikaw ang dahilan kung bakit inakala naming lahat na patay na si Yvo?" Biglang nataranta si Tamara sa sinabi niya at sinigurado nito na walang kahit sino ang p'wedeng makarinig sa pag-uusap nila.

"Paano mo--"

"Sinabi sa akin ni Andrew. At oo, inamin niya sa akin na magkasabwat nga kayo. Ngayon alam ko na kung bakit madalas kang umaalis dahil lahat pala ng i
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status