Umorder si Juaquin ng maraming pagkain sa kantina tapat ng paaralan ng mga batang huling kasama ni Lalaine habang pinaghihintay ang kanyang assistant sa mga bata.Hindi alintana sa kanya ang pagod at pagkabagot sa init ng panahon habang naghihintay sa mga nasabing estudyante sa picture magkaroon lamang ng lead kung saan niya maaring makita si Lalaine dahil hindi niya ito matawagan o makita ang mga post sa social media.Ilang sandali pa ang lumipas ay nagdatingan na ang mga estudyante kasama ang kanyang assistant.“Sir, ito na po sila,” sabi ni Ced na kanyang assistant.Kabadong nagtinginan ang mga estudyante sa isa’t-isa na para bang nagtataka at iniisip kung may mali ba silang nagawa o naoffend ba nila si Juaquin sa kanilang post.Napansin naman ni Juaquin ang takot na reaksyon ng mga bata kaya ngumiti siya, “I know what you are all thinking pero wala kayong nagawang mali,” paliwanag niya.Naglakas loob na magsalita ang isa sa kanila, “kung wala po kaming nagawang mali, ano po ang gi
“Anong sinabi mo?” bulalas ni Lalaine kay Juaquin. Napakamot ng ulo ang binata at tila binuhusan ng tubig nang mapagtanto niya ang kahulugan ng kaniyang sinabi.“Hahanapin kita kahit saang lupalop ka pa ng mundo naroon dahil malaking pera ang pinakawalan ko at kulang pa ang ginawa mo para tumbasan yun.” Hirit nito.“Sabi ko na. Sila lang ang nag-aakala na may pagtingin sakin ang walang awang mokong na ito,” bulong ni Lalaine. Nabaling ang tingin ng dalaga sa coat na nakapatong mula sa kanyang likuran matapos niyang sumbatan ang binata ng walang awa. “May natitira pa pala kahit katiting,” dagdag niya.“I can hear you, darling,” umakbay si Juaquin sa kanyang balikat at nilapit ang mukha niya malapit sa kanya habang nagtatama ang kanilang mga mata na siyang nagpakabog at naging dahilan ng pagwawala ng puso ni Lalaine.“Wala akong pakinggan kahit narinig mo, hindi ko naman sinisecret,” inis na irap ni Lalaine sa binata.Hindi makapaniwala si Juaquin sa inasal sa kanya ni Lalaine dahil ito
“Inlove sa’yo?” Iniikot ni Lalaine ang kanyang mga mata, “luh! Asa ka!” dagdag niya at kumaripas ng takbo palayo, “direk! Magbihis na muna ako, di ko na kaya ang lamig!” sigaw niya at tuluyang pumasok sa hallway.Natatawa namang pinapanuod ni Juaquin mula sa malayo ang nanlalamig na si Lalaine na para bang wala ng ibang tao sa paligid niya ang kanyang nakikita hanggang sa magsalita ang direktor.“Tunay nga pala ang pag-ibig mo kay Lalaine…Hindi ko lubos paniwalaan ito hanggang sa makita ko sa’yong mga mata ang kaligayahang iyong nadarama. Napakaswerte niya sa isang lalaking tulad mong handang suyurin ang buong lugar makita lang ang babaeng minamahal,” matalinghagang pagbibitaw nito ng salita.Natigilan si Juaquin at lumingon sa direktor na umagaw ng kanyang atensyon, hindi niya maipaliwanag kung bakit ganito na lamang ang kanyang nadarama para kay Lalaine. Hindi niya maisip kung anong pumasok sa isip niya kung paanong ginawa niya ang lahat hanapin lang ang babaeng ito pero pilit niyan
Nakatikom pa rin ang bibig ni Lalaine at hindi kumikibo kahit pa nakarating na sila sa function hall ng hotel para magsaya, hindi pa rin niya kinikibo ang binatang si Juaquin at itinuon na lamang niya ang kanyang atensyon sa wine na nasa harapan niya.Malakas ang tugtog sa paligid at ang lahat ay may kanya kanya ng mundo at nagsasaya habang si Lalaine ay naiwan sa isang sulok at iniinom na lamang ang napaglaruan niyang damdamin.“Hi, Ms. Lalaine. Mukhang kailangan mo ng makakausap,” sabi ng isa sa mga crew na si Gibo.Ngumiti lang ang dalaga dito at sinenyasan na maupo katabi niya, ipinagsalin pa siya nito ng wine sa baso. “Drink more, I won’t ask you anything mukhang may mabigat kang pinagdadaanan,” komento ni Gibo sa dalaga.Tahimik na uminom ng uminom ang dalaga ng wine hindi niya namamalayang naglalakbay na pala ang kamay nito sa kanyang hita at hinahaplos-haplos ito hanggang sa bumaba ang tingin ni Lalaine dito.“A—anong ginagawa mo?” tanong ni Lalaine ngunit nakaramdam siya ng p
Dumadagundong na katok sa pintuan ang gumising kay Aika nang mga sandaling iyon, napabalikwas sa higaan ang dalaga at sinuklay na lamang niya ng kanyang mga daliri ang magulo at sabit sabit na buhok. Hindi na niya nagawang maghilamos at magsipilyo dahil sa ingay na dulot ng bisitang nangangatok ng kaniyang bahay na naging sanhi ng pag-iingay ng mga aso sa buong paligid. “Sino kaya ‘yan? Ang aga-agang istorbo, tiyak buong barangay namin gising dahil sa ingay ng mga aso,” bulong niya habang inaalis ang kawit ng pinto ng bahay nila. “Sino ‘yan?” tanong niya ngunit walang umiimik mula sa labas na nagpahinto sa kanya na buksan ang pinto. “Paano kung masamang tao pala ang nasa labas tapos bigla akong patayin dito sa loob ng bahay? Ano na lang mangyayari saking pamilya? Bago pa lang akong nagtatrabaho, wala pa kong naiipon nito. Hindi pwede… hindi pwede.” Nagbalik balik ng lakad si Aika at hindi malaman kung ano ang dapat gawin ng mga sandaling iyon. “Hindi ako murderer, okay?” paniniguro
Nagpatuloy si Sandro sa paglalakad sa loob ng mall matapos niyang makabangga ang isang dalaga, pumasok siya sa store ng mga relo upang bumili ng pangregalo sa kanyang magbibirthday na lolo.Isa-isa niyang siniyasat ang mga watch hanggang sa mapili niya ang classy na watch na babagay sa kanyang grandpa, pinabalot na niya sa cashier ang watch at nang magbabayad na siya ay napansin niya ang pitakang sumabit sa zipper ng dala niyang maliit na bag.Napakunot noo siya at buong taka kung paanong napunta sa kanya ang pitakang iyon hanggang sa mapagtanto niya ang babaeng nakabangga niya kanina.“Sir, one hundred thirty nine thousand po,” pag-uulit ng kahera sa kanya, agad kinuha ni Sandro ang kanyang pera at nagbayad sa kahera habang ang pitaka ng babaeng nakabangga niya ay inilagay niya sa bag.“Thank you,” sabi ng cashier sa kanya na siyang tinugunan niya ng isang tango sa binibini.Dala ang regalong binili para sa lolo ay nagtungo si Sandro sa lost and found para isurrender ang pitaka nguni
“Kumusta ka na, Ai? Mukhang naka-getover ka na sa pagkawala ng pera mo last time ah?” bati ni Lalaine sa kaibigang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.“Aba, syempre, bff! Hindi pwedeng istay natin ang negative energy sa ating buhay kasi nakakaattract yun ng kamalasan,” tugon ni Aika sa kanyang kaibigan. “Siya nga pala, kumusta ang pagpunta sa inyo nung ex-nobya ni papa Juaquin mo?” pang-aasar niya.“Papa ka dyan!” saway ni Lalaine saka ibinaling ang tingin sa labas ng salaming dingding ng fastfood chain.“Wag ka ng mag-deny! Alam kong type na type mo si papa Juaquin! Alam kong hilatsa mo, girl!”Nahihiyang lumingon-lingon si Lalaine sa sinabi ng kaibigan, “oo na kaya wag ka ng maingay. Mahal ko na siya, okay na ba?” pag-amin nito sa kaibigan. Hindi na maitago ni Lalaine ang damdamin sa binata kaya tanging pag-amin na lang sa kaibigan ang alam niyang solusyon para mabawasan ang dala niya sa kanyang dibdib.“Hala siya, umamin nga! Akala ko ba forever mo ng idedeny yang feelings mo for
“Kung ayaw mo palang kahit subukang ipaglaban man lang ang lalaking mahal mo, umuwi na tayo kaysa panuorin mo silang nagsasayang dalawa habang ‘yang puso mo ay nadudurog,” payo ni Aika.“Hindi… mamaya na,” tipid niyang tugon. Nakikita ni Aika ang lungkot sa mga mata ng kanyang kaibigan at alam niyang may mali sa nararamdaman ng kaibigan ngunit ayaw niya itong masaktan pa ng lubusan.Tumayo si Aika at isinukbit ang sling bag, hinawakan niya ang kamay ng kaibigan at hinila patayo, “umuwi na tayo. Stop pretending, I know hindi mo na kaya.”Wala nang nagawa si Lalaine kung hindi ang magpadala sa paghila ng kaibigan paalis ng kainan, “dapat ay maging mapagmatyag ang mga babae ng hindi sila naloloko at naaagawan ng mga ahas sa paligid-ligid,” komento ni Aika habang lumalabas sila na siyang narinig ng mga customer.Napansin ni Juaquin ang palabas ng restaurant na si Lalaine kung kaya’t tumayo siya at hindi nagdalawang isip na iwan ang kasamang si AJ.“Lalaine!” tawag ng binata. Huminto naman