Share

Kabanata 43

“Miss Lalaine, nasa meeting pa po si Mr. Cristobal. Kung maaari ay sa opisina na lang po niya kayo maghintay, dito po,” sinamahan siya ng sekretarya ni Juaquin sa loob ng opisina at umalis na.

Naupo siya sa sofa at tahimik na naghintay sa pagdating ni Juaquin, hindi pa lumilipas ang isang minuto ay bumukas ang pinto ng opisina ng binata at pumasok si Juaquin.

“Kanina mo pa ba ako hinihintay, sweetie?” tanong ni Juaquin sa nobya sabay halik sa pisngi ng dalaga.

“Hindi naman, kadarating ko lang. I didn’t expect na ganun kabilis matatapos ang meeting mo,” tugon ni Lalaine.

“Hindi pa tapos, nagpaalam lang ako saglit kasi nalaman ko sa sekretarya kong dumating ka na. Siya nga pala, may ibibigay ako sayo bago bumalik sa confe.” Inilagay ni Juaquin ang isang kamay sa loob ng bulsa ng pantalon na parang may kinukuha.

“Ano naman yun?” tanong ni Lalaine sa binata, nakatuon ang paningin niya sa kamay ng binata. Hinila ni Juaquin ang kamay at nakangiting pinakita ang daliring naka-heart sign.

Tin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status