Share

Chapter 17

I boarded a private plane that night papunta ng Ilo-Ilo. At mula sa airport ay mahigit isang oras ang byahe papuntang Anilao. Doon ako pansamantalang mananatili. May nabili sila papa na isang private island doon noong nag-aaral pa lang ako ng college. I never got the chance to visit it though dahil naging abala sa pag-aaral.

Isa iyong isla na pinangangalagaan ng isang pinagkakatiwalaang tauhan. Ang pamilya nito ay sa isla rin nakatira. Dahil pribado ay walang turistang nakakapasok at tanging isang pamilya lamang ang nakatira.

Noong nakaraang taon lang pinatayuan nina papa ng beach house para gawing bakasyunan kung sakali mang maisipan na magbakasyon. Iyon ang pansamantala kong titirhan.

Marahan kong dinama ang hapdi sa aking braso nang tuluyan kong marating ang isla. Pinili kong huwag nang magtagal sa hospital kahit nag advise ang doktor na magpahinga muna ako ng ilang araw doon. Kaya naman hanggang ngayon ay kumikirot pa rin kahit daplis lang ang tama.

I

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status