Share

Perfect Stranger
Perfect Stranger
Author: Glimmerrrrrr

SIMULA

Sa mundong tinahak ko ay hindi ko inaakalang masaya ang maging malaya ganito pala yung feeling na walang mag dedekta sa sayo kung ano ang dapat mong gawin sa buhay mo. Hindi ako kaylanman magsisi na tinalikuran ko ang lahat para makamit ko itong pangarap na pinapangarap ko.

Bilang isang successful hotel owner at runaway model siguro naman sapat na tong pinaghirapan ko para mapatunayan na kaya kong maging successful kahit akong mag-isa.

Sana mapatawad na nila ako dahil sa nagawa ko, sana mapatawad niya na ako na umalis ako sa oras ng kasal namin.

"Lia kailan ka babalik sa Pinas? Kailan ka sasama saakin?" laging tanong saakin ni Sia tuwing pumupunta siya dito sa France para bisitahin ako.

"I don't know" lagi ko namang sagot sakanya at nagpatuloy ako sa ginagawa kong trabaho sa laptop ko. Simula nung umalis ako sa Philippines sa mismong araw ng kasal ko ay tinalikuran ko na, pati ang pag asang bumalik dun ayaw ko ng bumalik.

"Lia it's been a long time naman na nag aalala din sila tita at tito sayo" paalala niya sabay upo sa kama ko kung saan ako nakaupo habang nakaharap sa laptop ko.

"Hindi mo ba sila namimiss? Because I know and you know that they miss you" natulala nalang ako sa sinabi niya I miss them so much na tuwing gabi umiiyak ako habang iniisip sila, nag aalala para sa kanila. Binigo ko sila

"I miss them so much Sia but I can't " hindi ko na napigilan umiyak sa harap niya.

Agad niya akong niyakap at dun na bumuhos ang luha ko sa balikat niya "I miss them Sia but I failed them hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanila. I'm a bad daughter binigo ko sila" tuloy tuloy ang walang humpay kong luha habang hinahaplos ni Sia ang likod ko

"Shhhh I know that your not ready to face them but Lia successful ka na ngayon I'm sure na ipagmamalaki ka nila kasi kahit wala sila sa tabi mo naging successful ka sa buhay. Nakapagpagawa ka ng sarili mong bahay dito sa France, may mga sarili ka naring Hotels na iba't ibang bansa sa loob ng ilang taon na wala sila sa buhay mo I'm sure kaya mo pang tapatan ang business ng mga magulang mo" pag papagaan niya ng loob saakin habang hinahaplos ang likod ko

"Kung hindi dahil sayo hindi ko maabot tong narating ko, hindi ako magiging successful kong wala ka, kung hindi mo ako tinulungan" mahina kong sabi utang ko lahat kay Sia siya ang naging dahilan kong bakit nakayanan kong lampasan lahat.

Siya ang tumulong sa akin nung oras na lubog na lubog ako, pinasok niya ako sa modeling agency na tinayo niya din. Hanggang sa binigay niya sa akin ang isa sa hotel niya dito sa France kaya, napalago ko yun kaya nakapag patayo ako ng iba pang Hotel.

She chuckled at kumalas na sa yakap at hinarap ako nakita ko ang luha sa mga mata niya

" Oo tinulungan kita pero kung hindi mo rin tinulungan ang sarili mo hindi ka magiging successful kagaya nito, kaya wag mong sabihin ako lang tumulong sayo dahil ikaw din tinulungan mo din ang sarili mo okay? " tumango at ngumiti ako sa kanya pinunasan ko narin ang mga luha ko at ganun din siya sakanya natawa ako dahil kumalat na ang eye liner sa mata niya inabot ko sakanya ang wipes at agad niyang pinunas sa nagkalat na eye liner sa gilid ng mata niya

"Hindi na kita pipilitin kong ayaw mo pang bumalik basta nandito lang ako if ever na ready ka na sabihin mo lang" tumango ako dito at ngumiti.

Hindi ko alam na kahit na anong successful ko na sa buhay ay hindi ko pa kayang humarap sa kanila ngayon. May nagtutulak sa akin na bumalik na pero nandun parin yung takot ko na baka '"hanggang ngayon galit pa sila sa akin kasi pinahiya ko sila, binigo ko sila.

Nakita ko kung paano nag yokoan ang mga employee ko habang papasok ako sa isa sa mga Hotel ko dito sa London. Ngayon lang ulit ako nadalaw dito mula nung pinabuksan ito kasi mas pinili kong manatili sa France dahil sa pagiging Model ko at nandun ang main Hotel ko.

Binisita ko at chineck ang mga dapat icheck kaya tumuloy ako sa isa sa room dito at sinagot ang kanina pang nag riring na cellphone ko nakita kong si Sia ito.

"Yes Sia?" lumabas ako papunta sa balkunahe at tinanaw ang maliliit na sasakyan sa baba at dinama ang hangin

"Lia next week na ang birthday ni Tita may ipapaabot ka ba ulit saakin?" bumuntong hininga ako "May Birthday party na gaganapin next week at invited ka as always."

"Babalik na ko" mga salitang lumabas sa bibig ko na nagpatigil sa dapat na sasabihin niya matagal ko na tong pinag isipan mula nung nag usap kami ni Sia. Siguro ito na yung oras para bumalik ako.

"Siguro panahon na rin siguro para harapin ko na sila ngayon, para narin humingi ng sorry sa nagawa ko. Ito na rin ang panahon para harapin ko ang takot ko I need to say sorry to them para mapanatag na ako" sana mapatawad nila ako

"Babalik na ako sa Pilipinas" umaasa na sa pag babalik ay mapatawad nila ako sa nagawa ko

Sana sa pagbabalik ko ay masaya narin siya ngayon, sana hindi nasayang ang sakripisyo ko para sa kasiyahan niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status