Share

Book 2: Chapter 24-Karma

"Tita, tito, hayaan niyo po kaming magpaliwanag!" Kahit masakit ang balakang at binti ay humakbang si Denise palapit sa ginang.

"Hindi na kailangan magpaliwanag dahil klaro na sa amin ang lahat!" Galit na baling ni Beth kay Denise.

Mula sa pagkayakap sa ginang, humulma ang kakaibang ngiti sa labi ni Diana nang magsalubong ang tingin nila ni Denise. Kahit papaano ay masaya siya dahil nabawasan na ang papel ng karibal sa pamilya ni Mauro.

"Ano na ang nangyayari sa iyo, Mauro? Dito mo pa sa pamamahay ko ginawa ang kahalayan ninyo? Parang binastos mo na rin pati ang iyong ina!" singhal ni Kobe sa anak.

Napapiksi si Denise sa kinatayuan at natakot sa ama ni Mauro. Hindi niya akalain na mabaliktad ang sitwasyon at sa kaniya na galit ang pamilya ng kaibigan. Nilingon niya ang kaibigan at nagpapasaklolo ang tingin dito ngunit mukhang pati ito ay hindi natuwa sa kaniya.

"Mom, dad, hayaan niyo po munang mag usap kami ni Diana." Mahinahon na pakiusap ni Mauro sa mga magulang.

"Hindi na kailangan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (73)
goodnovel comment avatar
Joehanna G Cayanong
unlock pls
goodnovel comment avatar
Tacardon Villajos Meldred
update po please?
goodnovel comment avatar
sve
nice love story ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status