"Jenny, anak, may dumating na package for you."katok ni Stella sa silid ng anak. Nagamamadaling binuklat ni Jenny ang isang medyo malaling box. Alam niyang galing iyon kay Rafael kaya excited siyang makita iyon. Napangiti si Stella habang pinapanood ang anak. First time niya itong makitang excited sa pagbukas ng natanggap nitong regalo. Lagi naman itong may regalo mula sa kanilang mag asawa at sa kapatid nito pero hindi ganito ang reaction ng anak. Ang katuwa pa ay alam nito na dress iyon, samantalang tuwing bilhan niya ito nang ganoong gamit ay ayaw na tingnan. "Mommy, sa tingin mo ay babagay sa akin ito?" Nakangiting itinaas ni Jenny ang dress na kulay maroon. "Yes, hija. Ang galing pumili ni Rafael at mukhang alam na ang sukat ng katawan mo." May kasamang panunukso niya sa anak. "Pero, mom, hindi siya nagpaparamdam maghapon. Baka may ibang babae nang lumalandi sa kaniya?" "Silly!" Natatawang kinuha niya ang hawak ng anak. "Isang negosyante ang lalaking gusto mong pikutin
Nahiga na sa sofa na nasa sala si Tanya at nainip sa pagdating ni Rafael. Inaantok na siya dahil malapit na mag umaga. Si Alice ay tulog na rin at hindi na mahintay pa ang binata. Inis na tumingin siya sa orasang nasa dingding, wala namang sinabi kay Alice ang binata kung makauwi ba o hindi. Hindi rin sinasagot ang tawag niya. Nakausap niya ito kanina dahil kay Roger na cellphone ang gamit niya pero pinatayan din agad siya ng tawag. "Shit, bakit ba nakalimutan kong kunin ang numero ni Roger?" kastigo niya sa sarili.Naipikit niya ang mga mata dahil sa inis na nadarama. Hindi na talaga niya malabanan ang antok na nadarama.Nagising si Tanya nang naramdamang may bumubuhat sa kaniya. Nang maamoy ang pabangong gamit ng taong bumubuhat sa kaniya ay napangiti siya. Parang may kumiliti sa puso niya dahil sa sobrang saya. Gamit pa rin ni Rafael ang pabangong gusto niya ang amoy para dito."Bakit ngayon ka lang?" malambing niyang tanong sa binata nang maibaba na siya nito sa kama.Nakatitig
Nadismaya si Jenny nang si Roger ang dunating upang sunduin siya."Ms. Jenny, sobrang busy po ngayon si Sir Rafael kaya ako ang inutusang sunduin ka." Paliwanag ni Roger nang mapansin ang pagsimangot ng dalaga.Napabuntong hininga si Jenny, wala naman siyang magawa pa. Ang mga magulang ay kanina pang umalis at hindi niya alam kung saan pumunta. Mabilis na iniwas ni Roger ang tingin sa likod ng dalaga nang maglakad na ito papunta sa sasakyan. Halatang galit ito at parang maton maglakad gayong naka dress. Sana lang ay hindi ito ganito mamaya sa event. Pinigilan niya ang sarili na mapasipol nang mapatingin muli sa katawan ng dalaga. Daig pa nito ang model dahil sa ganda ng kurba ng katawan nito.Hindi personal na nasundo ng amo niya ang dalaga dahil nagkaroon ng emergency sa naturang event. Kailangang personal na asikasuhin iyon ng amo upang walang maging problema mamaya. Ang event ay gaganapin sa mismong hotel na pag aari rin ng pamilya nito. Hindi lang basta event ang magaganap, magka
"Huwag kang magkamaling idapo sa makinis kong bakat iyang marumi mong kamay!" Pinandilatan pa ni Jenny ng mga mata si Jules.Hindi makapaniwalang napatingin si Jules sa kaniyang kamay na natigil sa ere. Siya? Sinabihan na marumi ang kamay? "Hoy babae, ang kapal ng mukha mo para sabihin iyan sa asawa ko!" Galit na duro ni Laila kay Jenny.Inis na hinampas ni Jenny ang kamay ng babae gamit ang dala ang pouche ngunit nakailang ito. Ang pinakaayaw niya ay nanduduro. Pagsitaana na siya nang hindi maganda, huwag lang talaga duruin qt nalabas ang sungay niya. "Huwag mo akong maduro ha kung ayaw mong maputol iyang daliri mo!" Takot na sumiksik si Laila sa tabi ng asawa. "Honey, nakita mo iyon? Ang bayolente niya kaya hindi dapat mapabilang sa pamilya niyo!"Umikot ang mga mata ni Jenny at animo'y nasaktan niya kung umakto ang babae. Pagtingin niya kay Tanya ay mukhang natuwa pa ito sa ginawa niya sa pinsan nito. Napangisi siya, mukhang nagpaplastikan lang ang dalawa para lang mapagtulungan
Ngumiti si Jenny kina Laila at Tanya bago nilampasan ang mga ito. Alam niya lalong masama ang tingin ng mga ito sa kaniya ngayon. Gusto niyang inisin ang mga ito kaya siya naroon."Ang kapal talaga ng mukha, ibang lalaki na naman ang nilandi upang makapasok dito at magyabang sa atin!" Nangigigil na turan ni Laila."Huwag ka nang paapikto at kahit nakapasok siya dito ay wala naman siyang pera." Pang aalo ni Jules sa asawa."Mas nakabubuti na rin na may iba siyang lalaking nahanap. Ngayon pa lang ang makikita na ni Rafael na malandi ang babaeng iyan!" ani Tanya. Nakangiting sumang ayon si Laila sa pinsan. Pero nanghihinayang siya sa lalaking nalandi ni Jenny. Ang guwapo kasi nito at ang yaman pa. Muling tinapunan ni Jenny ng tingin ang kinaroonan nila ni Tanya. Nas kabilang raw kasi ang mga ito. Napangisi siya nang mabasa sa mga mata ni Laila ang inggit dahil iniisip nitong ang dali niyang nakuha ang loob ng lalaking katabi niya.Natahimik ang lahat nang magsimula na ang bidding sa mg
"The bidding will start with one million." Anunsyo ng host."What? Ganoon siya kamahal?" hindi makapaniwalang naibulalas ni Laila. "Balita ko ay donation iyan ng mag-asawang bilyonaryo. Hindi na nakapagtaka kung hindi sila nanghinayang na e donate iyan para sa mahihirap." Humahangang ani ng isa sa mga naroon. Nakagat ni Tanya ang ibabang labi at napaisip. Sobrang mahal pero worth it ang ilalabas niyang pera kapag nakuha niya iyon."Tanya, ikaw na ang kumuha at sayang." Sulsol ni Laila sa pinsan.Ngumiti si Tanya sa pinsan at balak nang itaas ang hawak na numero ngunit may nauna sa kaniya.1.1 million pesos."Namilog ang mga mata ni Laila pagkarinig sa sinabi ni Jenny. Ang tinging ipinukol niya dito ay mukhang may sapi ito."Alam mo ba ang ginagawa mo?" nang iinsultong tanong ni Jules kay Jenny."Oo naman. Ei, ikaw? May problema ka ba sa akin?" tanong rin ni Jenny.Naikuyom ni Jules ang kanang kamao at hindi na sinagot ang dalaga dahil maging masama ang tingin ng iba sa kaniya.1.2
Galit na sinundan nila Laila ang babae upang sitahin ito. Hindi sila makapapayag na natalo sila dahil sa perang ginamit nito na pag aari ng iba.Pagkalabas ni Jenny ay mabilis siyang bumalik sa venue kung saan may isa pang event para naman sa pagrampa ng mga modelo. Agad siyang nakita ni Rafael at nag aalala itong lumapit sa kaniya."Where have you been? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" tanong ni Rafael pagkalapit sa dalaga."Nakatuwaan kong pumasok sa isang bidding kanina." Nakangiting pagbibida niya sa binata."May napili ka ba?"Nakangiti pa ring tumango siya sa binata at ikinawit ang kamay sa braso ng binata."Oh, look who's here!" Umikot ang mga mata ni Jenny nang makilala ang nagsalita na mukhang gulat pa nang makita siya."Mabuti naman at hindi ka natatapilok sa suot mong sandal?" nang aasar na turan muli ni Jinky."At nagmukhang tao rin ang lalaking napulot niya lang sa kung saan!" segunda ring puna ni Kera habang sinusuri ang tinig ni Rafael."Ang saya naman nang gab
"Rafael, alam mo ba kung ano ang ginawa ng babaeng iyan?" Dahan-dahang inilayo ni Rafael ang labi sa bibig ng dalaga pero nanatili ang kamay sa baywang nito bago nilingon ang pinsan. Napalabi si Jenny dahil nabitin sa halikan nila ni Rafael. Pagtingin niya sa bagong dating ay si Tanya agad ang nakita niya. Nanlilisik ang mga mata nito na para bang galit dahil may inagaw siyang pag aari nito. Pero ningitian niya ito bago yumakap sa baywang ni Rafael upang lalo itong inggitin. Pagtingin niya kay Laila, bakas din sa mukha nito ang selos at galit sa kaniya. "Ano na naman ang problema mo, Jules?" naiiritang tanong ni Rafael."Bakit hindi mo tanungin iyang magaling mong babaeng iyan kung ano ang ginawa niya kanina sa bidding?" galit pa rin na ani Jules.Naintindihan na ni Rafael kung ano ang tinutukoy ng pinsan. Mukhang nalugi ito ng ilang milyon kaya galit na galit kay Jenny. "Pera mo ba ang ginamit niya para magalit ka nang ganiyan?"Malungkot na pinagmasdan ni Tanya ang binata at hind