Nagising si Jenny dahil sa mabangong amoy. Pagmulat niya ng mga mata ay ang binata agad ang nakita niya at may dalang tray na may lamang pagkain."Good morning, breakfast in bed." Ipinatong muna niya ang dalang tray sa bedside table saka nilapitan ang dalaga at hinalikan sa noo. Parang matunaw ang puso niya sa tuwa dahil pinapakitang pag aalaga sa kaniya ng binata. Tinulungan siya nitong bumangon at pinasandal sa headboard."Kumusta ang pakiramdam mo?" masuyong tanong niya sa dalaga habang inaayos ang pagkapatong ng maliit na lamesang pinaglagyan ng tray sa harapan ng dalaga."Ang bigat ng pakiramdam ko." Mabilis niyang sinalat sa noo ang dalaga at nag aalala dahil ang tamlay nitong magsalita. "Okay lang ako, ang sabi ni Ate Alexa ay ganito daw talaga ang pakiramdam nang nakaranas ng first time." Ramdam niya ang pamumula ng mukha at biglang nahiya matapos mabigkas ang laman ng isipan.Napangiti si Rafael at hinaplos ang pisngi ng dalaga. Masaya siya dahil ang nakaun dito ay walan
Pilit na ngumiti si Alice sa binata at hindi pinansin si Jenny. "Kahit samahan mo na lang siya sa harden, hijo. Baka mawalan siya nang ganang kumain dahil mag isa lang.""Manang, samahan niyo po siya upang magkaroon ng kasama at nang hindi mawalan nang ganang kumain." Ngumiti pa si Jenny sa ginang matapos maybigay suggestion. Pasimpling sinamaan niya ng tingin ang dalaga at nangingialam na naman. Hindi niya ito pinansin at ang binata lang ang kinausap. "Natuwa siya, hijo, nang sinabi kong ikaw ang nagluto at—""Manang, sadyang nagluto ako dahil kay Jenny. Samahan niyo po siya upang hindi malungkot." Hindi na niya pinatapos magsalita ang ginang at hindi na natutuwa sa pamimilit nito.Natatawang suminyas si Jenny sa ginang na parang inahing manok na tinataboy niya palayo.Walang salitang tumalikod na si Alice at napahiya na nang husto kay Jenny na hindi napapansin ng binata. Pinadala pa nito sa kaniya ang tray na hugasin na lang ang laman. Pagbalik niya sa harden ay ngumiti siya kay Ta
"Ano ang kailangan mo?" mataray na tanong ni Tanya sa taong tumatawag."Mukhang hindi maganda ang gising mo, dahil ba kay Jenny?" nang aasar na tanong ni Jinky mula sa kabilang linya. Maaga niyang nagising dahil napanaginipan niya ang babae at hindi mawala ang galit na nadarama. Si Tanya ang naisip niya agad upang may karamay siya sa mainis ngayon. "Puwede ba, huwag mong banggitin ang babaeng iyon at lalo lang kumukulo ang dugo ko! Ano ang kailangan mo at napatawag ka?" mataray niyang tanong kay Jinky. Kahapon pa ito gustong makipagkita ngunit tumanggi siya dahil naging abal sa kusina at sinira iyon ni Jenny."Alam ko kung paano nagkakilala sina Rafael at Jenny."Biglang napatuwid ng upo sa kama si Tanya at naging interesado bigla sa kadaldalan nito. "Totoo ba iyang mga sinasabi mo?""Yes, Ms. Tanya. May e-send akong video sa iyo bilang patunay na hindi lamang ako gumagawa nang kuwento." Nakangising tugon ni Jinky. Napangiti na rin si Tanya at agad na binuksan ang video na send sa
Mabilis ba lumabas ng kusina si Alice nang marinig ang tawag sa kaniya ni Rafael. "Hijo, may kailangan ka?"nakangiti niyang tanong sa binata at ang tingin ay sa babaeng buhat pa nito.Dahan-dahang ibinaba ni Rafael ang dalaga sa sofa at nilingon si Alice. "Manang, maghanda ka ng meryenda at may parating akong bisita."Ilan hijo at sino?""Dalawa po. Nasaan nga po pala si Tanya?" tanong ni Rafael habang iginagala ang tingin sa paligid ng sala."Nagkukulong sa silid niya, hijo, hindi rin niya naubos ang pagkain at nawalan umano nang ganang kumain."Pumalatak sa isipan si Jenny habang pinapakiggan ang sinasani ng ginang. Hindi talaga maaring walang paawa ang mga sinasabi nito kay Rafae tungkol kay Tanya."Baka po inaantok pa siya kaya hayaan na munang makapagpahinga. Pakihanada na ang kailangang ihain sa kapatid at hipag ni Jenny."Biglang umasim ang mukha ni Alice nang malaman na kapamilya ni Jenny anv parating. Tingin niya ay abusado ang babae at nagpapabuhat pa pagbaba sa hagdan.Muli
"Kauuwi niya lang din galing sa ibang bansa at walang ibang matuluyan. Dumito siya pansamantala." Hindi na niya kailangang idetalye kay Zion ang lahat dahil alam nito ang history nila ng babaeng nakaraan niya."Hi, masaya ako sa kaalamang nakilala mo ako noon sa kuwento lamang ni Rafael." Bati ni Tanya sa guwapong lalaki. Kahit kapatid ito ni Jenny ay natuwa siya rito at gustong maging kaibigan."Wala kang bahay? Kawawa ka naman."Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Tanya nang marinig ang tanong ng babaing katabi ng lalaking gusto niyang maging kaibigan. Napatingin siya sa tiyan nito at kamay na nakakapit sa braso ng lalaki.Pinigilan ni Jenny ang matawa dahil sa sinabi ng hipag. Pareho silang matalas manalita ni Alexa pero iba ang hasa ng tabas ng dila ng kaniyang hipag kaysa kaniya."Ang akala ko pa naman ang isang modelo sa ibang bansa ay malaki ang sahod at mapera." Pagpatuloy ni Alexa kahit sinasaway siya ng asawa sa pamamagitan ng tingin.Pilit na ngumiti si Tanya sa babaeng bu
"Hindi pa ba nakauwi ang asawa ko?" tanong ni Stella sa katulong habang iginagala ang tingin sa paligid ng sala. Kagigising niya lang at wala sa tabi niya ang asawa."Huh, bakit sa akin mo hinahanap ang asawa mo?" mataray na sagot ng katulong.Naglapat ang mga labi niya at pinigilan ang sariling sagutin ang katulong. Hindi magkalayo ang edad nila ng babae at kung ituring siya ay parang ka level lang nito. Well, sino ba ang gagalang sa kaniya kung mismo ang asawa at kapatid nito ay parang katulong ang turing sa kaniya?Sa halip na patulan ang pagtataray ng katulong ay minabuti na lang ni Stella na pumuntang kusina. Hindi rin siya ipinaghahanda ng pagkain ng katulong kapag wala ang asawa niya. Mabait lang ito sa kaniya kapag nasa paligid si Charles, ang kaniyang asawa.Sinundan ni Marimar si Stella sa kusina at pinagsabihan ito." Bilisan mo riyan at linisin agad ang pinagkainan dahil darating si Senyorita Sophie at Donya Magda."Parang walang narinig na nagpatuloy sa pagluluto ng itlog
Nanghihinang nakahiga si Stella sa hospital bed. Hindi pumayag ang doctor na hindi siya ma-confine dahil delikado ang kalagayan niya. "Hija, hindi mo ba tatawagan ang asawa mo upang may magbabantay sa iyo?" untag ng doctor na babae kay Stella.Pilit na ngumiti si Stella sa doctor, "na text ko na po."Nakangiting tumango ang doctor sa dalaga. Nakaramdam ito ng awa sa bagong pasyente at halatang hindi naalagaan ang katawan. Napabuntonghininga si Stella nang wala na ang doctor. Muli niyang hinaplos ang impis na tiyan at kahit papaano napangiti siya. Sa wakas, magkakaroon na sila ng anak ng asawa. Magkaroon na ng dahilan upang mahalin siya ng asawa at mabuo na ang pamilya nila. Mabuti at naagapan ang ipinagbubuntis niya. Hindi niya alam na five weeks pregnant na pala siya. Ang kailangan niya ngayon ay ibayong pag-iingat upang hindi mahulog ang anak na nasa sinapupunan na niya."Ipapaalam ko na po ba—" Mabilis na nilingon ni Stella ang lalaking kanina pa niya kasama at umiling. "Maari
Napalunok si Stella ng sariling laway at parang biglang nanuyo iyon bago tuwid na tumingin muli kay Charles. "Gusto ko lang malaman kung nagkaroon ba ako ng puwang diyan sa puso mo kahit kaunti lang?"Blangko ang tinging ipinukol ng binata kay Stella. "Alam mong pinakasalan lamang kita dahil sa abuelo ko. Kunin mo ang perang habol mo sa akin kaya mo ako pinakasalan kapalit ng kalayaan ko.Pilit na sinupil ni Stella ang paghulma ng mapait na ngiti sa kaniyang labi. Hindi niya masisi ang asawa kung iyon ang nasa isip hanggang ngayon. Wala siyang maidahilan noong tinanong siya kung bakit gusto niyang magpakasal dito. Naidahilan niya ay noon pa niya pangarap makapag-asawa ng mayaman. Isa pa ay kahit hindi iyon ang isagot niya noon ay talagang mukhang pera ang tingin nito sa kaniya. Pero sobra siyang nasasaktan ngayon dahil hindi manlang siya nagawang mahalin ni Charles sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama. Mahinang buntonghininga ang pinakawalan niya at marahang tumango sa asawa."Kun