"Manang, bakit po ganiyan kayo kung maningin?" tanong ni Tanya sa ginang."Alam mo naman sigurong ayaw ni Rafael ang maging laman ng pahayagan?" tanong ni Alice habang nang aarok ang tingin sa dalagang nanatiling nakahiga sa kama.Mabilis na nag iwas ng tingin si Tanya sa ginang. Kanina pa siya malungkot nang hindi na makita ang binata pagkalabas ng banyo. Sobra siyang dissapoint at parang bigla inabanduna siya ng taong gustong sandalan sa ganitong sitwasyon."Nabasa na ni Rafael ang balita at galit na galit siya."Bahagyang nanalaki ang mga mata ni Tanya at kinabahan. Galing sa labas ang ginang kaya tiyak na may nasagap itong masamang balita para sa kaniya."Narinig kong pinag uusapan ng bodyguard na iniwan sa labas ng pinto na pinahahanap ni Rafael ang taong nagpakalat ng malisyusong balita." Pagpatuloy ni Alice habang hindi inihiwalaya ang tingin kay Tanya."A-ano po ang gagawin kapag nahuli?" Kabadong tanong ni Tanya sa ginang."Sa tingin ko ay kakasuhan niya. Wala ka naman siguro
Mabilis na tumayo si Alice nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Rafael. Kumabog ang dibdib niya nang makita sa mukha nito ang galit. Pagtingin niya kay Tanya ay bakas din sa mukha nito ang pagkabahala.Nakagat ni Tanya ang loob ng bibig nang masalubong ang galit na mga titig ng binata sa kaniya. Hindi pa man ito nagsasalita ay nahulaan na niya kung ano ang ikinagagalit nito sa kaniya."Bakit nagsinungaling ka tungkol sa tirahan mo?" malamig na tanong ni Rafael kay Tanya.Nagyuko ng ulo si Alice at takot na madamay dahil sa ginawa ni Tanya. Dumistansya rin siya at tumayo lang sa isang tabi."Ra-Rafael, please let me explain!" Kabado at gumaralgal na ang boses niya. "At nilagay mo pa ang sarili mo sa kapahamakan para lang manatili ako sa tabi mo?"Nanlaki ang mga mata ni Tanya at umiling. Hindi magawang ibuka ang bibig upang magpaliwanag sa binata at itanggi ang nasa isip nito."Ngayon pa lang ay umamin ka na habang maaga pa kung ayaw mong lalo along ma dissapoint sa iyo." Hind
"Huwag kang magpakatanga sa kaniya, Rafael! Niloloko ka lang niya at isang laruan ang tingin niya sa iyo!" Ngumiti siya sa binata at naaawang tingin ang ipinukol dito."What do you mean?" malamig na tanong ni Rafael."Pinagpustahan ka lamang ng babaeng iyon, Rafael." Pagsisiwalat niya sa katotohanan upang gisingin ang binata."Iyan lang?" Natigilan si Tanya at hindi makapaniwalang napatitig kay Rafael. Mukhang hindi big deal sa binata ang mga sinabi niya. "Hindi ka naniniwala? Then, watch this!" Napamulagat si Alice na kanina pa tahimik lang sa kinatayuan niya nang marinig ang nasa video.Napangisi si Tanya nang matigilan ang binata habang nakatingin sa video. "Pinagpustahan ka lang ni Jenny at ng pinsan niya. Hindi lang siya manggagamit, wala rin siyang puso!" ani Tanya."Kung wala ka nang ibang sasabihin pa ay aalis na ako." Muling tumalikod si Rafael."What? Hindi ka manlang ba nagagalit sa ginawa ng babaeng iyon, Rafael?" hindi makapaniwalang tanong niya sa binata."Hindi mo kil
Mainit ang ulo na tumayo si Rafael mula sa kinaupuan at naroon sa loob ng opisina. Pang limang araw nang hindi niya makita si Jenny. Kahit anong pangungulit niya kay Mark ay ayaw nitong sabibin kung nasaan ang dalaga. Pero alam niyang alam nito kung nasaan ang makulit na dalagang gumugulo sa puso't isipan niya kaya hindi niya ito tinatantanan. "Sir, gusto ka pong makausap ng lolo mo." Imporma ni Roger sa binata.Napabuntong hininga si Rafael at bumalik sa kinaupuan. Hindi niya namalayang kumakatok sa pintuan si Roger. "Sabihin mong abala ako."Napakamot si Roger sa ulo kahit hindi naman makati iyon. Bubuka na sana ang bibig niya ngunit may pumasok sa pintuan."At ano ang pinagkakaabalahan mo sa iyong buhay ngayon? Ang mag isip at pabayaan na ang sarili?" galit na tanong ni Kerk sa apo.Muling Napabuntong hininga si Rafael nang makita ang galit na abuelo. Hinilot niya ang sintido at biglang sumakit iyon."Natutulog ka pa ba?" galit na tanong muli ni Kerk sa apo."Lolo, hindi ko pinab
"Maari mo ba akong tulungang hanapin ang cellphone ko?" Naiirita nang tanong ni Jenny sa pinsan. Ganito siya kapag may hinahanap at hindi agad makita. Kaya nga walang pumapasok sa opisina niya upang tumulong magligpit sa takot na lalo lamang magulo ang utak niya."Natiis mong huwag makibalita sa labas ng mundo mo tapos ngayon ay sobra ka nang nataranta dahil sa lalaking iyon." Tukso ni Mark sa pinsan."Eh kung sinasabi mo na lang kaya kung ano ang nangyayari sa kaniya?" Iritable niyang tanong sa binata."Hey, ang akala ko ba ay gusto mo na siyang kalimutan?" Buska ni Mark habang nakapaskil sa labi ang nakalolokong ngiti para sa pinsan."Ngapapalamig lang ako." Inirapan niya ang pinsan at hindi na nahiyang aminin ang tunay na nadarama."Alam mo bang halos maghapon ako binubulabog ng lalaki mo araw-araw?" Napalabi si Jenny at mabilis na lumapit sa pinsan. Alam niyang seryuso na ito at naisturbo nang husto dahil sa kaniya. Hindi ito susugod sa kanilang secret business kung hindi ito na
"Where are you? Please sagutin mo ang message at tawag ko" Napasimangot siya nang halos limang ganoon na message ang nabasa niya. Wala manlang landi ang text nito sa kaniya at mukhang galit pa o napilitan lang na hanapin siya. Pero kahit paulit-ulit ang message ay binabasa pa rin naman niya. Excited sa bawat bukas ng message at kapag nakita na ang laman ay sisimangot dahil same message lang."Mahal, I miss you!"Biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang mabasa ang kakaibang message ni Rafael. Kinilig bigla ang malandi niyang isipan at marupok na puso."Please, kausapin mo na ako. Ang tungkol sa balita ay walang katotohanan iyon. Ikaw na lang ang babae sa buhay ko." Pagpatuloy niyang basa sa message ni Rafael.Sa halip na matuwa sa nabasa ay napasimangot si Jenny. Para naman siyang kabit at babae lang sa buhay nito. Hindi sapat iyon upang mapawi ang pagdaramdam niya rito nang gabing iyon. Napabuntong hininga siya, hindi rin naman niya mapigilan ang sarili na huwag nang basahin ang
Naikuyom ni Rafael ang palad nang biglang na cancel ang tawag niya. Dial niya ulit ang numero ngunit naka off na naman ang kahilang linya. Napapiksi si Roger sa kinatayuan nang marinig ang ilang beses na pagmumura ng amo. Galit na naman ito at kulang na lang ay ibato ang hawak na cellphone. "Bakit ayaw mong sagutin ang tawag ko?" Gustong sagutin ni Roger ang amo at kinakausap na ang hawak na cellphone. Nang mag angat ng tingin ito at tumutok sa kaniya ang matalim nitong tingin ay halos pigil hininga na siya. Mukhang kaaway na kasi ang tingin nito sa kaniya.Mabilis na ibinulsa ni Rafael ang cellphone at tahimik na nilisan ang opisina. Kailangan niyang magpalamig muna at mag inum upang makalimot panandalian. Baka kasi mabaliw na siya sa kakaisip sa dalaga, lalo na ngayong ayaw sagutin ang tawag niya.Tahimik na sumunod lang si Roger sa amo. Bubuksan na sana niya ang pinto sa driver seat ngunit inunahan siya ng binata. Nang ilahad nito ang kamay ay walang salitang ipinatong sa palad
"Hi-hindi ikaw si Jenny!" Galit na duro ni Rafael sa babaeng gusto siyang mulistyahan.Napangiti si Jenny sa narinig. Nagbago ang isip niya at pinanood ang ginagawa ng binata. Lasing na ito pero marunong pa rin mangilala."Hey, ang ungentleman mo! Kung sino man ang babaeng pinagluluksaan mo ngayon ay kalimutan mo na siya dahil may manal ma siyang iba!" Inis na bulyaw ng babae kay Rafael.Itutuloy na sana ni Jenny ang pagsabunot sa babae at ginawa pa siyang manloloko. Ngunit naudlot na naman nang biglang tumayo si Rafael at inambahan ng duntok ang babae. Ang takot niya, ang akala niya ang makadisgrasya na ang binata ng babae. Mabuti na lang at naging maagap si Roger at nasangga ang kamay ni Rafael. "Bi-bitch! Akin lang si Jenny! Hi-hindi mo siya maagaw sa akin!" Nagpumiglas si Rafael mula sa pagkahawak sa kaniya ni Roger at gustong saktan ang kaharap.Napangiwi si Jenny sa narinig at mukhang mang aagaw na pala ang tingin ni Rafael sa babaeng nang aakit dito. Pagtingin niya sa babae ay