Share

Chapter 16

I took a shower and wore a simple pink summer dress. Hindi na ako nag-abala pang patuyuin ang buhok ko at tumulak na pababa. 

Tanging sina Manang na lang ang naabutan ko sa dining area nang sumilip ako roon. Ngumuso ako nang lumingon sa akin si Manang Fely, nakataas ang kilay. Umiling lamang ako at mabilis na tumalikod. 

Nang mapadpad ako sa hardin ay doon ko natanaw si Balir na nagwawalis. Dumako ang tingin ko sa isang banda, naroon si Nabrel at kausap si Dad. Tumatango siya sa kung anumang sinasabi ng ama ko sakaniya. Napabaling sa akin si Dad at sinenyasan akong magtungo sakanila. 

Huling-huli ko pa ang pagnguso ni Nabrel habang pinapanood akong papalapit. He bit his lip and his brows furrowed. Dumungaw siya sakaniyang telepono. Umangat ang kilay ko habang pinapasadahan siya ng tingin. He was wearing a white shirt and gray shorts. Very simple... he looked really fresh everytime I see him. Parang hindi pinapawisan!

"Iyan na ba ang suot mo papuntang eskwelahan, Talianna?" Si Dad nang makalapit ako.

I sighed. "Ngayon na ba talaga? Hindi ba pwedeng next week na lang, Dad? Tatlong linggo pa ang bakasyon," walang lakas ang boses ko. 

"Medyo nahuhuli na tayo sa totoo lang, Talianna. Marami nang nakapag-enrol nang mas maaga pa," malamig na tinig ni Nabrel kaya napasulyap ako sakaniya. 

Napairap ako. "Fine! I'll just change my clothes." 

Tumalikod na ako at napahinto lang nang marinig muli si Nabrel. 

"Eskwelahan ang tungo natin, Talianna. Maraming tao. Huwag kang magsuot ng maiksi. Bawal ang ganoon doon." 

I smiled at him sarcastically. "Sure. I'll wear a long skirt and a longsleeves. Ano pa? Baka naman required ding magsuot ng belo?"

"Hindi naman. Pero kung gusto mo, wala namang problema." Ngumisi siya ngunit may nakita akong iritasyon sakaniyang mukha. 

"Don't worry. Pati kuko babalutan ko," gigil na gigil kong saad. 

"Mabuti kung ganoon," seryoso lamang siyang tumango, tila ba hindi alintana ang pagiging sarkastiko ng tono ko. I can't help but roll my eyes. Nahihilo talaga ako sa tuwing kausap si Nabrel. Palaging umiikot ang mga mata ko sakaniya! Pasalamat siya at... nevermind!

I chose to wear high-waisted gray checkered skirt tucked in my white longsleeves button down shirt. Naalala ko kasi bigla na naka-white rin si Nabrel. I wore a black pointed toe heels to complete the outfit. Hinablot ko na rin ang aking Chopard sunglasses upang panangga sa mainit na panahon. 

Pagbaba ko ay nag-aabang na sina Nabrel at Blair. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo ni Nabrel sa aking kasuotan. Kulang na lang ay makitaan ko ng malaking "what the fuck" ang kaniyang noo. 

Matino naman ang pananamit ko. Well, bahagyang nagkulang sa tela ang skirt ko pero hindi naman ganoon kalala! 

"Let's go," taas noo kong sinabi at nilampasan sila habang sinusuot ang aking sunglasses.

Dala namin ang Alphard. Si Nabrel ang nagmaneho. Hindi ko akalain na marunong siyang mag-drive. Buong akala ko ay tanging bangka lang ang kaya niyang paandarin. Pati nga pala motor. 

I was sitting at the back habang si Blair ay siyang naroon sa front seat. Tahimik lamang ako at matalim ang tingin sa bintana habang naririnig ang pag-uusap nila na nahahaluan pa ng mahihinang halakhak. Para bang silang dalawa lang ang narito. Para bang walang kwenta ang presensiya ko.

Mga walang modong alipin!

"Makikita mo na naman si Sir Morales. Hindi ba paborito mong prof iyon?" Humalakhak si Nabrel. 

"Tss. Hindi ko pa talaga nakakalimutan iyong araw na pinunit niya ang papel ko. Tapos noong nalaman niyang si Glaiza talaga ang bumubulong, nag-sorry!" 

"Binigyan ka naman ng dagdag na puntos. Pampalubag loob daw." 

"Masamang-masama na ang loob ko noon, Nabrel! Wala na akong pakialam sa plus points niya." 

Nakakairita. Nakakabwisit. Ang sarap magsisante ng kasambahay! 

"Will you please shut up? Nakakarindi! Mamaya na kayo magkwentuhan!" Hindi ko na napigilan pang punahin ang pag-uusap nilang nakakasira ng araw. 

Nahagip ng tingin ko ang pagsulyap ni Nabrel sa rear view mirror. Umirap ako sakaniya at tumingin na lang muli sa bintana. 

"S-Sorry, Ma'am," ani Blair sa maliit na boses. Inirapan ko ang buhok niyang tanging natatanaw ko mula rito sa likod. 

"Init naman ng ulo. May tampuhan yata kayo ng boyfriend mo at nakasimangot ka." Nahimigan ko ang panunuya sa tono ni Nabrel. Matalim ko siyang tinignan. Isang beses niya akong sinulyapan bago lumingon muli sa harapan. 

"Shut up, Nabrel. Magmaneho ka na lang diyan." 

"Nagmamaneho naman ako." 

"Then shut up." 

"Suplada mo naman." Humalakhak muli siya. 

Nagbuga ako ng hangin at pinilit na manahimik na lang. Bakit hindi ko naman nakikitang binubuwisit niya si Blair nang ganito? Bakit palaging ako na lang? Ano? Takot siya? Ayaw niyang napipikon si Blair sakaniya? 

Hindi nagbago ang mood ko hanggang sa huminto ang sasakyan sa harapan ng isang malaking arko na may nakaukit na Tucson State University. Natatanaw ko mula rito sa bintana ang mga gusali sa loob. Marami ring naglalabas-masok na may bitbit na brown envelope. 

"Blair, mauna ka nang bumaba. Ipaparada ko lang ang sasakyan," si Nabrel ngunit hindi ko na nilingon dahil abala akong tinatanaw ang mga taong pumapasok. 

Wala akong kakilala ni isa rito. Panigurado na ang bawat estudyante rito ay may kakilala kahit first year pa lang. Taga-rito sila! At hindi ako taga-rito! Salta lang ako rito. Tinapon lang ako rito ng ama ko dahil isa raw akong suwail na anak ayon sakaniya. 

"Sige. Ma'am, halika na. Hintayin na lang natin si Nabrel sa registrar," ani Blair na binalewala ko. Nanatili akong nakaupo, walang balak na kahit na ano.

"Kami na ang magsasabay, Blair. Mauna ka na sa loob."

Hindi niya ako nilingon. Hinintay niya lang ang pagbaba ni Blair. Humalukipkip ako at pumikit na lang habang nakahilig sa upuan. 

Hindi ako kumilos nang lumabas na siya ng sasakyan. Nasa parking lot na kami at iilan lang ang mga sasakyang nakaparada roon. Hinila ko pababa sa aking mga mata ang sunglasses na nasa ulo ko. Pinanood ko siyang umikot patungo sa pintuan sa aking gilid. Binuksan niya iyon at mabilis akong bumaba, hindi tinanggap ang kamay niyang nakalahad. Nauna na akong maglakad. Taas-noo kong binabagtas ang parking lot nang marinig ko siyang nagsalita

"Parang alam na alam, ah? Dito ka nga!" Huminto ako at matalim siyang tinignan sa likod ng aking salamin. Wala akong nagawa kundi ang maglakad pabalik sakaniya. Umiling siya habang tinatanaw ang palda ko at nanguna na sa paglalakad. Nilakihan ko ang aking mga hakbang at hinablot ang kaniyang braso. 

"Nabrel naman! Kita mo nang naka-heels ako! Walk slowly! Ano ba?!" Sigaw ko sakaniya. 

Nagtaas siya ng kilay sa akin nang lingunin ako.

"Mag-eenrol ka lang, Talianna. Bakit ka pa nagsuot ng ganiyan?" His eyes narrowed and his teeth clenched together. He was completely irritated. 

Napakurap ako at bahagyang natulala sa kaniyang iritadong ekspresyon. 

"N-Nakakahiya naman kasi sainyo ni Blair! Masyado akong maliit kumpara sa inyo!"

Ngumuso siya, salubong pa rin ang kilay. Bumagsak ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa kaniyang braso kaya mabilis ko iyon pinakawalan. I stepped backward and looked away. 

"Halika na," marahan niyang sinabi at nagpatuloy sa paglalakad. This time, mabagal na. Iyong sakto lang upang makasabay ako. 

Napansin ko na halos makasalubong namin ay binabati siya. Mapa-babae man o lalaki. Ang ilan pa sa mga iyon ay hinihintuan niya at nag-uusap ng ilang sandali. Nakatayo lamang ako sa tabi niya, pigil ang inis habang nakahalukipkip sa tuwing may kinakausap siya. Ang kapal ng mukha niya!

"Uy! Girlfriend mo?" Tinuro pa ako ng isang lalaking nakasalubong namin. Tinaasan ko siya ng kilay. Hinila ko pataas ang sunglasses ko patungo sa aking ulo. Nakangisi ito sa akin, hindi alintana ang simangot ko. 

"Hindi, ah. Kakilala lang. Sige na!" Nabrel laughed before continued walking. 

"Sino iyong kasama ni Nabrel? Artista ba iyon?" 

"Ang kinis, ah!"

"Girlfriend niya iyan panigurado!"

"Mukhang may perang pangpa-derma. Ganda naman!"

"Nabrel! Jowa mo? Pang-ilan na iyan, ah!"

Kung sinu-sino ang mga naririnig kong nagkokomento. I pretended that I didn't hear anything. I just walked gracefully with my head held high, beside Nabrel. Mukhang ganoon lang din ang ginagawa niya. Binabalewala ang mga naririnig.

Sinuyod ko ng tingin ang mga gusaling may limang palapag. Pinaghalong abo at puti ang kulay ng tatlong building na natatanaw ko. Malawak din ang lakaran at may nagtatayugang mga puno na siyang nagbibigay ng preskong hangin.

Mahaba ang pila sa registrar. Kahit naka-aircon, maanlisangan pa rin. Nakita ko si Blair na nakapila na rin kausap ang dalawang babae. Lumingon siya sa amin at ngumiti. I didn't smiled back. Why would I? Nagkunwari akong hindi napansin ang ngiti niya. 

Matagal pa kami maghihintay dahil medyo nasa dulo kami ng pila. 

"Diyan ka lang, Talianna. Mabilis lang ako. Huwag kang aalis," si Nabrel at bago pa ako makasagot, nakaalis na siya. 

Napairap ako. Talagang iniwan niya ako rito para mapuntahan ang mga kaibigan niya? Baka naman hindi kaibigan! Baka babae niya sa ekswelahan na ito!

But he was true to his words. Ilang sandali lang din nang makabalik siya. May bitbit na bottled water at brown paper bag na tingin ko'y tinapay ang laman. Medyo hinihingal pa siya nang inabot niya iyon sa akin. Kumunot ang noo ko. 

"Uminom ka muna, Talianna. At may cheese bread din diyan. Mukhang matatagalan tayo..." aniya at sumulyap sa harapan. 

"Uhm, I'll pay for this," wika ko at akmang bubuksan ang aking bag nang marinig ko ang kaniyang pag-alma. I looked at him. Nakasimangot na siya sa akin. 

"Huwag na. Mura lang naman iyan," malamig niyang sinabi. 

"Uhm..." kinagat ko ang labi ko bago tinanggap iyon. "T-Thanks. Share tayo," bulong ko at ngumiti. Kahit papaano ay nabawasan ang iritasyon ko.

Ilang sandali siyang tumitig sa akin. Umigting ang panga niya at nag-iwas ng tingin. Hinaplos niya ang kaniyang buhok. 

"Ayos lang ako, Talianna. Sa 'yo 'yan." 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status