Share

Chapter 17

"How are you doing in Belleza Eterna, Talianna?" 

I put down my red wine and smiled at Tito Darius. 

"It's fun. I've actually learned to love Belleza Eterna because honestly, I hate it before. Alam iyan ni Dad. Pero ngayon po ay masasabi kong masaya ako dahil dinala ako roon ni Dad." I chuckled a bit. 

His wrinkles showed up even more when he smiled widely. But despite of those wrinkles, he was still a good looking man. Walang duda na ama siya ni Davien. They really looked the same.

His wife, Tita Lyanov, died because of cancer. Matagal na panahon na iyon. Bata pa kami ni Davien. 

"That's good to hear. Davien is always asking me to let him visit you every once in a while. Hindi kayang malayo ng anak kong iyan sa'yo, Talianna." Humalakhak ang matandang ginoo.

I just smiled. Binagsak ko ang tingin sa aking plato. Lumingon ako kay Nalya na nasa aking tabi. She showed me her iPad na may larawan ng isang magarbong kulay asul na gown.

"Isn't it so pretty, Ate Talianna? I want to wear this on my birthday! Daddy!" Iniharap niya iyon kay Tito Darius. 

"Nalya, princess. Please, put that iPad down. We're in front of food," Tito Darius uttered calmly. Ngumuso lamang si Nalya at ipinagkibit-balikat ang sinabi ng ama.

Naramdaman ko ang kamay ni Davien sa aking hita. I looked at him and realized that he did that mindlessly. Na tila ba nakasanayan niya na. May sinasabi siya kay Dad tungkol sa negosyo.

I continued eating while the men in the table were busy talking about business that I don't know anything about so I just remained silent. Hindi nauubusan si Nalya ng mga larawan ng gown na ipinapakita sa akin kaya nalibang ako kahit papaano. 

"Talianna will start her training when she turns eighteen. Pitong buwan pa. Mahaba-haba pang panahon para sakaniya upang makapaghanda." Dinig kong wika ni Dad kaya napabaling ako sakaniya. He was sitting across me. 

Hindi ko masundan ang kanilang pinag-uusapan dahil wala naman doon ang atensiyon ko. Mas interesado pa ako sa mga gown na ipinapakita sa akin ng bata sa tabi ko.

Whatever it is, I'm sure it's all about business. 

"I'm sure Talianna will be a great leader. Bata pa kaya ninanamnam ang kalayaan ng buhay," Tito Darius commented. 

Ngumiti lamang ako at hindi na nagkomento pa. Parang hindi ko pa nakikita ang sarili ko ngayong nagpapatakbo ng isang malaking kompanya. Wala pa roon ang isip ko. Sana lang ay hindi ako madaliin ni Dad sa bagay na iyon. Gusto kong magsimula sa oras na alam kong kaya ko na. 

"I'm sure Davien will guide you. Wala namang ibang magtutulungan sa negosyo kundi kayo lang pagdating ng araw," malamig na saad ng aking ama. 

Tinikom ko ang aking bibig at bahagyang natigilan. Pakiramdam ko ay alam ko na kung saan patungo ang usapang ito. Lalo pa nang marinig ko ang halakhak ni Davien sa aking tabi. Sumulyap ako sakaniya, nanatili akong seryoso. He glanced at me and his smile widened. Namumungay ang kaniyang mga mata at kumikislap ang mga iyon. 

"Of course, Tito. Ako lang ang narito para sakaniya... ako lang. Wala nang iba," he emphasized every word while staring at me intently. He held my hand and brought it to his lips. 

Pumait bigla ang pakiramdam ko. Hindi ko nagugustuhan ang laman ng usapang ito. Ngunit gayunpaman, sinubukan kong ngumiti sa harapan nila. 

Katatapos lang ng dinner namin at napagpasiyahan kong magtungo rito sa hardin ng kanilang mansiyon habang ang iba ay nanatili sa dining area. 

Inabot ko na kay Davien ang regalo kanina. It was just a Herno bomber jacket. Iyon lang naman ang unang pumasok sa isip ko tutal ay mahilig naman siya sa jacket.

Hindi ako lumingon nang tawagin niya ako. Nanatili akong nakahalukipkip habang tinatanaw ang mga nagkalat na bituin sa madilim na kalangitan. Naramdaman ko na lamang ang kaniyang braso sa aking baywang at ang labi niya sa aking pisngi. 

Pumikit ako at humugot ng malalim na hininga. Kung noon ay malaki ang epekto sa akin ng kaniyang halik at haplos, ngayon ay halos hindi ko na iyon maramdaman... walang dating... walang laman... walang kahit na ano.

"Hindi man lang tayo nakapagbakasyon na magkasama. Malapit na ang pasukan," marahan niyang sinabi habang nakayakap sa akin mula sa likod.

"Yeah," bulong ko.

"Saan ba ang gusto mo? Pwede pa siguro tayong humabol. Kahit sa Italy lang. What do you think? Hmm?"

"Hindi naman kailangan, Davien."

"Hmm... what about sa Maldives kaya? Mas malapit." Pinatakan niya muli ako ng malambot na halik sa aking pisngi pababa sa aking panga. 

I pursed my lips and pulled myself away from him. Sinubukan kong kumawala sakaniyang yakap. Nakaawang ang kaniyang mga labi nang harapin ko siya. 

"Davien..." Lumunok ako at pumikit nang mariin.

Alam ko sa sarili ko na ito ang kailangan kong gawin. This relationship is not going anywhere. Pakiramdam ko ay nasasakal ako. Pakiramdam ko ay hindi na tama. Pakiramdam ko ay pinipilit ko na lang ang sarili kong lumagay sa relasyong ito. 

I felt myself slowly withdrawing. And I couldn't figure out why was this happening. Hindi ko na nakikita ang sarili kong siya ang kasama. Naglaho na ang lahat. Nawala na ang tiwala at pagmamahal ko sakaniya. Maybe there was still love for him left in my heart but it's not enough. I know it's not enough. 

Iyong saya sa puso ko dati na siya ang naghahatid, hindi ko na mahanap. I just... fell out of love. He cheated and I forgave him. Ngunit hindi buo ang desisyon kong bigyan siya ng isa pang pagkakataon. If I didn't catch him cheating on me, would he tell me about it? Would he be sorry? 

"I think we need space," napapaos kong sinabi. Mariin ang titig ko sakaniya. He was just staring at me, without any emotion in his face. Hindi ko tuloy matukoy kung anong tumatakbo sa isip niya.

He bit his lip and squeezed his eyes shut. Mayamaya ay pagak siyang natawa at umiling. Nang dumilat siya ay kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang mga mata. Nanatili lamang malamig ang aking ekspresyon. I don't even feel anything right now. As if my heart knew that this is what I should do... that this is the right thing to do.

"Space? Didn't I already give you space? Bakit gusto mo pa?" Malamig ang kaniyang boses ngunit hindi nakatakas sa akin ang panginginig doon. Humakbang siya palapit. I didn't move. Ilang sandali kaming nagkatitigan bago siya nag-iwas ng tingin at umiling.

"Davien, I want space. No... I think we need more than that. I think we need to end this relationship. Ayoko na," matapang kong sinabi at bumaling sa ibang direksiyon.

"You think?! Nagdedesisyon ka dahil lang sa tingin mo iyan ang dapat? No! Bullshit. No! We're not gonna break up, Talianna." Tila nag-apoy ang mga mata niya matapos banggitin ang pangalan ko. 

Pumikit ako nang mariin at nagdasal na sana'y matapos na ito. Napasinghap ako nang marahas niya akong hinila palapit sakaniya. Buong lakas ko siyang tinulak.

"Ano ba, Davien! I don't love you anymore! Wala na akong maramdaman sa'yo. Naiintindihan mo ba iyon? Hindi na kita mahal!"

"Shut up, Talianna!"

Nanginig ako sakaniyang pagsigaw. Napaatras ako ng ilang hakbang. Bumilis ang paghinga niya at agresibong hinaplos ang kaniyang buhok.

"Birthday ko pero ang lakas mong manggago. Ano bang hindi mo gusto? Binigay ko naman lahat! Tangina! Lahat lahat!" 

"I don't need any of those, Davien!" Umiling ako. Pinanood ko ang pagpatak ng luha niya na mabilis niyang pinunasan.

"Maayos pa tayo kanina! Bakit bigla kang ganiyan sa harapan ko ngayon? I'm not cheating on you, Talianna! Is that your reason, huh? Na baka niloloko kita ulit? Isang beses lang iyon! Ni hindi ko nga maalala ang pangalan ng babaeng iyon!"

"Ano bang hindi mo maintindihan? Ayoko na! Hindi na kita mahal! Let me go! Stop this! Huwag kang umiyak sa harap ko dahil hindi ako madadala sa pag-iyak iyak mo!"

Hinilamos niya ang palad sakaniyang mukha. Dinig ko ang marahas niyang pagbuga ng hangin. Mabigat at mabilis. 

"No. Hindi. Hindi pwede, Talianna. Mananatili ka lang sa akin," mariin niyang sinabi at mabilis akong nilapitan. He grabbed my arm painfully. Matalim ko lamang siyang tinitigan. Hindi ko dinaing ang higpit ng kaniyang pagkakahawak. 

"Sabihin mong mahal mo ako," malamig at mahina niyang sinabi. 

"I don't!" I hissed. 

Namula nang husto ang kaniyang mga mata. 

"Bitch!" Pumikit siya nang mariin. "You don't..." he whispered. Marahas niyang pinakawalan ang braso ko at mabilis akong tinalikuran. Tulala lamang ako sa aking kinatatayuan habang tinatanaw siyang papalayo, papasok ng kanilang mansiyon.

Lumipas ang tatlong araw, hindi na kami nagkausap ni Davien. Pero sa loob ng tatlong araw na iyon, may pinapadala sa aking mga regalo na alam kong galing sakaniya. Hindi ko binubuksan mula sa pagkakabalot ang mga iyon at hinahayaan lang sa isang malaking kahon. 

"Dadalhin ko rito si Nestor para may maghatid-sundo sa'yo papasok sa eskwelahan. Umaga ang kinuha mong schedule, hindi ba?" Si Dad habang nasa hapag kami.

Nilapag ko ang juice at tumango sakaniya. Pasukan na sa susunod na linggo. At inaamin ko. Medyo may nararamdaman akong kaba. I wouldn't be this nervous if I know someone in that school but I don't. Talagang sarili ko lang ang kasama ko sa unang araw ng pasukan. 

"Opo," tipid kong tugon. 

"Si Nabrel ba? Umaga rin ba ang kaniyang schedule?" Kumunot ang noo ni Dad. Nagkibit-balikat lamang ako dahil wala naman akong ideya tungkol doon. Tinanong ako ni Nabrel kung anong kukunin kong schedule at sinabi kong umaga. Hindi ko na tinanong ang sakaniya. 

Tinawag niya si Blair upang itanong iyon. Nagpatuloy lamang ako sa pagkain habang naririnig ang sagot niya. 

"Umaga po ang schedule namin hanggang alas dos. Pagkatapos po ng klase, didiretso siya sa restaurant."

Nag-angat ako ng tingin kay Blair. She smiled a bit when she saw me looking at her before turning to Dad. 

Ngumuso ako at natulala. Kahit may pasok pala... nagtratrabaho pa rin siya. Paano niya iyon nagagawa? Nangingisda pa rin ba siya nang madaling araw kahit na may pasok siya sa eskwelahan? 

Pagkatapos naming maghapunan ay dumiretso ako sa kwarto ko. Naisip ko ang sinabi ni Dad kanina. Why does he have to bring Mang Nestor here as my driver if he could hire Nabrel to be my driver instead? Sa ganoong paraan, dagdag-kita na iyon para sakaniya. Of course! Pwede naman iyon, 'di ba? Hindi naman siguro siya makakatanggi dahil trabaho naman iyon? 

I went out of my room and I couldn't suppress my smile because of the great idea that came up in my mind. Kinatok ko si Dad sa library. 

Nabrel as my driver... hmmm... not bad. Karangalan para sakaniya na pagsilbihan ang tulad ko. 

"That's actually a good idea. Pero kailangan ko munang kausapin si Nabrel tungkol diyan. Baka hindi siya pumayag. He has multiple jobs, princess," ani Dad nang ilathala ko sakaniya ang aking magandang ideya.

Nabura ang ngiti ko. "Papayag iyon, Dad! Tsaka bakit naman niya tatanggihan ang trabaho? He needs money. He wouldn't refuse this offer. I'm sure of that." 

"But we need to talk to him first. Kakausapin ko siya mamaya." Tumitig sa akin ang ama ko. Inayos niya ang kaniyang salamin at itinagilid ang kaniyang ulo.

"Bakit mo ba naisip na siya ang kunin mo bilang driver? Do you like Nabrel, hija?" malamig niyang sinabi. 

Nanlaki ang mga mata ko. Seryoso lamang siya at bahagya akong nakaramdam ng kaba.

"Dad!" I laughed. "Bakit ko naman siya magugustuhan? He's just a fisherman!" 

Tumango siya ngunit nanatili ang madilim na tingin sa akin. "He's just a fisherman..." mariin niyang ulit sa aking sinabi.

"Wala kang mapapala sa isang mangingisda, Talianna."

Kasalukuyan akong nakahiga sa inflatable pool float sa swimming pool at hinahayaan itong magpalutang-lutang. My eyes were closed and covered with sunglasses. I just wore this simple black two piece swimsuit. Si Nabrel ay kausap ngayon si Dad. Siguro ay tungkol iyon sa pagiging tagapagmaneho ko. 

Naglalaro sa isip ko ang usapan namin ni Dad kagabi. I don't want to judge him but the way he said those words... 

"Wala kang mapapala sa isang mangingisda, Talianna." 

May halo iyong pangmamaliit. Hindi ko kailanman nakita si Dad na may iniinsultong tao dahil sa antas nito sa buhay. Nakikita ko naman na bilib siya kay Nabrel. Dahil siguro ay ayon sakaniya, masipag at mabait si Nabrel kaya natutuwa siya rito. Siguro ay hanggang doon lang iyon. Maybe he concluded way too far about me asking him to hire Nabrel as my driver. Baka nga talagang naisip niyang may gusto ako sa lalaking iyon. 

Obviously, Nabrel was one of a fucking attractive fisherman and maybe my Dad simply thought of that kaya naman madali para sakaniyang isipin na magkakagusto ako sakaniya. He was a tall man, probably six feet in height, towering over me. And those green eyes... I've never seen such pair of eyes held danger and beauty all at once. They reminded me every hue of the forest after it rains. 

Sa tuwing magkalapit kami... at natititigan ko ang mga mata niya, hindi ko maiwasan ang mamangha. 

I groaned. Iritado kong tinanggal ang aking sunglasses. Bakit ko ba pinupuna ang lalaking iyon? I don't even like him! Nagbuga ako ng hangin bago muling sinuot ang salamin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status