Share

Day 06 [Dream vs Nightmare]

"OH BRO! KAMUSTA? EMERGENCY BA?!"

Bati ni Jaime kay Robin ng magkita sila sa lagi nilang tinatambayan na coffee shop.

Si Jaime ang matalik na kaibigan ni Robin. Mayaman din ang pamilya nito na kilala sa field ng business and law.

Umorder na sila ng maiinom at makakain at saka naupo sa bakanteng pwesto.

"Kapag magkasalubong yang kilay mo at lalo pang naniningkit yang mga mata mo, I could tell that there's definitely something wrong." Komento ni Jaime na may halong pang-aasar sa tono.

Naglabas si Robin ng kahon ng sigarilyo at nagsindi ng isa. Hindi niya pinansin yung sinabi ni Jaime at nag hithit-buga lang ng usok.

"Plus the cigarettes!" Dagdag pa ni Jaime na may malaki at mapang-asar na ngiti sa labi.

"Diba alam mo naman yung tungkol sa nawawalang 'Crowned Princess'?" Umpisa ni Robin habang nakatitig sa malayo.

"Yeah. Siya yung fiance mo na matagal ng hinahanap ng Mahal na Reyna–"

Napatigil si Jaime sa pagsasalita ng dumating ang waiter at inilapag sa lamesa ang order nila. Nang umalis na ito ay nagpatuloy na si Jaime.

"So, what about her?"

Hindi ulit sumagot si Robin. 

"Don't tell me… nakita na siya ng lola mo?!" 

Nagkibit balikat si Robin sabay ang paghigop sa inorder niyang Spanish Latte.

Nanlaki ang mga mata ni Jaime. "Kung ganun? Nakita na nga sya?! How? When? Where? What does she looks like?!"

"Sabi ni lola, si Sir Vladimir ang nakakita sa kanya. Nakita sa kanya ang singsing ng dad ko and napatunayan na siya nga ang Crowned Princess." Simpleng paliwanag ni Robin.

"Wow! Had you met her? Anong itsura niya? Model figure ba? Doll liked face or mala-Anne Curtis?"

"Mas ordinaryo pa siya sa ordinaryo Jaime. Believe me, you wouldn't want to meet her..."  

Napakunot ng noo si Jaime. "Ouch! Can you describe her more? I want to know, bakit mo nasabi ang mga bagay na yon."

Nagisip saglit si Robin. "Well, like I’ve said, she's ordinary... I mean, all of her! Her face, her hairstyle, the way she dresses, her body... Halatang hindi siya galing sa aristocracy. And ito pa! She works at a company as an assistant, in short, isa siyang utusan. Tell me, how can she be my fiance?! For pete's sake! Darn!"

"Pero may magagawa ka ba? And how about, Yumi-chan?"

Natahimik si Robin.

"She knows naman about the lost crowned princess ‘di ba? She's your best friend so I guess she'll understand." Dagdag pa ni Jaime.

"Kung sana nagtapat na ako sa kanya bago pa siya pumunta ng Europe, siguro hindi ako maaapektuhan ng ganito diyan sa Adee na yan!" Medyo napalakas ang boses ni Robin. Hindi na niya nakocontrol ang galit nya.

"Sssshhh! Ano ka ba Prince Robin wag kang sumigaw…” Bulong ni Jaime.

"Kung ayaw mong makilala ako dito, wag mo akong tawaging 'Prince', ok?" bumulong din si Robin kay Jaime.

"Yeah! So... Adee's her name? Nice name, huh?"

"Nice name ka dyan? Even her name is so plain..."

Natawa si Jaime sa inaarte ni Robin. Halata sa itsura nito na naiirita talaga siya.

"I really want to meet that Adee..."

"Nang-aasar ka ba?" 

"Hindi ahh! So, anong plano mo dyan sa Adee na ‘yan? Sigurado akong kakampi niya ang lola mo." Nagsindi rin si Jaime ng isang sigarilyo.

"I don't know. Wala pa akong plano. Hindi madaling makatakas sa arranged marriage na ganito. Ever since the reign of my great great grandfather, this is how they pass down the crown. The prince next to the throne should marry the woman who has that ring..."

"In short, kailangan mong pakasalan si Adee." Patuloy ni Jaime.

Masama ang tingin ni Robin sa kanya.

"No. It's time for a change..."

Nagtaka si Jaime sa sinabi ni Robin. "What do you mean? Hoy Robin, wag mong sabihin na dadaanin mo sa dahas?!"

Makahulugang  ngiti lang ang sinagot ni Robin kay Jaime.

***

NAGLALAKAD SI ADEE SA KALSADA PATUNGO SA APARTMENT NYA. Sa sahig siya nakatingin at malalim ang iniisip.

'Wag mo na lang pansinin si Robin, ganun lang talaga yon kapag hindi pa niya kilala ang tao... pag nagkausap na kayo ng mabuti, siguradong magiging mabait na sya sayo...' naalala ni Adee yung usapan nila ng Reyna.

'Ayusin mo lang ang mga gamit mong dadalhin tapos ipapasundo na kita kay Sir Vladimir ng 8pm. Ok?' Ang Reyna ulit.

Tumango lang si Adee.

Napabuntong hininga si Adee.

Pagdating niya sa apartment ay nakita niya si Sarah na nag-aabang sa harap ng kanyang pintuan.

Agad nilapitan ni Adee ang kaibigan. "Sissy, anong ginagawa mo dito?"

"Sis! Saan ka nagpunta? Bakit ngayon ka lang?" Sabi ni Sarah na may bahid ng pag-aalala sa tono.

"Halika, pumasok muna tayo sa loob."

At pumasok silang dalawa sa bahay ni Adee. Kumportableng umupo si Sarah sa sofa.

"Ok ka naman pala! Nag-alala pa naman ako sayo. Tumawag kasi sa akin si JV kanina, sabi hindi ka raw pumasok ngayon. Baka raw may sakit ka kaya sinabi niya na puntahan kita. Pagdating ko, wala namang tao, chinachat kita hindi ka naman online. Saan ka ba galing?!"

Naglapag si Adee ng maiinom sa maliit na lamesa na nasa harapan ni Sarah.

Walang imik si Adee. Di nya alam kung sasabihin na niya ang lahat ng mga nangyari nitong mga nagdaang araw lalo na ang tungkol sa kanyang pagiging 'Crowned Princess'. Kahit paano niya isipin, sinong maniniwala sa ganoong kwento.

"May tinatago ka ba sa akin?" Seryosong tanong ni Sarah.

Halos masamid si Adee sa tanong ng kaibigan.

"Oh bakit?!" Si Sarah.

"W-Wala..."

"Wait ite-text ko lang si JV, nagaalala na yun eh..."Kinuha ni Sarah ang phone niya sa bag at nag-umpisang magtype dito.

Humugot ng malilim na hinga si Adee bago nagsalita, "Sissy, may sasabihin sana ako..."

Busy pa rin si Sarah sa pagtetext."Ano yun sis? Teka lang..."

Hinintay muna ni Adee na matapos si Sarah sa ginagawa nya bago siya nagpatuloy sa pagsasalita.

"Sis... hindi ko alam paano ko to sisimulan. Pero bago ang lahat, sana isekreto mo sis ang tungkol dito, kahit kay JV..."

>>>>

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status