Share

DAY 10 [ OPEN YOUR HEART ]

DUMATING NA SA PALASYO sila Adee galing sa pamimili. Dala dala nila Vladimir at Lyka ang mga paper bag habang si Adee naman ay para bang nalungkot at nawala sa mood.

'Don't over work yourself, may bukas pa'

Paulit ulit niyang naririnig sa utak niya ang mga sinabing yon ni Robin. Sigurado ay iniisip nito na ginamit niya ang credit card ng lola niya sa pamimili ng mga gamit. At sigurado ay iniisip din nito na nagpapakasaya na siya maging prinsesa.

"Nakabalik ka na Adee!" Sinalubong sila ng Reyna. "Kamusta ang pamimili? Marami ka bang napili para sa iyo?"

"Nandito na po pala kayo, Mahal na Reyna... Sabi po sa akin ni Sir Vladimir may meeting kayo kanina."

"Oo may meeting nga ako kanina pero lunch meeting lang iyon." Napatingin si Queen Helia sa labas. "Teka, where's Robin? Hindi ba sinamahan ka niya sa pagsha-shopping?"

"Po?" Agad siyang nag isip ng alibi. "Uhm, pinauna na po kami ni Robin bumalik ng palasyo kasi po... may importante siyang tawag na natanggap. Kaya po, ayun, kailangan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status