Share

Chapter 42: Heneral Baron

Prinsipe Lucidiro POV

Humigpit ang aking hawak sa espadang nakasabit sa aking bewang. Nag-igting rin ang aking panga habang madilim ang titig sa kanila.

Ang aking nakikita ay dumudurog sa aking puso. Paano niyang nagawang umibig sa lalaking kailan niya lang nakilala? Bakit ako na hinintay siya buong buhay ko ay itinuring niya lang bilang kaibigan? Anong kapangyarihan mayroon ang lalaking ito para bihagin ang puso ng aking pinakamamahal na babae? 

"Kay romantiko!" Lalong umapaw ang  galit ko nang marinig ang sinabing iyon ni Levata. Halatang nang-aasar. "Oh! Bakit ka lumuluha, Prinsipe?" Kunwaring taka niyang tanong. Inis kong pinunasan ang luha na di ko namalayang tumulo. 

Hindi ko siya pinansin. Tinaas ko ang aking mukha at pinagmasdan ang madilim na kalangitan. 

'Paano ba mahalin pabalik? At bakit di mo ko kayang mahalin pabalik, Prinsesa? Buong buhay ko, ikaw lang ang babaeng pinangarap ko. Bakit sa iba nahulog ang puso mo?'<

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status