Share

Chapter 51: Pagtataka

Prinsesa Atyrrah POV

"Gusto kong makasal na kami sa lalong madaling panahon" ang pamilyar niyang boses ang aking narinig. 

"Maghintay ka po ng pitong araw--"

"Tatlong araw ang binibigay kong palugit" 

"Hindi po madali ang proseso. May mga naunang---"

"Ako ang hari. Sino ang susundin mo?"

"Pero kamahalan--"

"Ihanda mo ang iyong ulo. Mamaya ay mawawalan ka na niyan" 

"A-Aayusin ko po, kamahalan" kasunod niyon ay ang yabag paalis. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ng muling pagsara nito.

Nanatiling nakapikit ang aking mata. Alam kong nasa loob ako ng silid, nakahiga sa malambot na katre. Natitiyak kong hindi ang aking silid dahil sa amoy. 

Habang nakapikit ay naramdaman ko ang paglubog sa kabilang banda ng katre ngunit hindi ko pa rin iminulat ang mata. Nagpanggap akong natutulog.

"Aking Prinsesa, alam kong gising ka" hindi ko siya inimik, nagpanggap pa rin ako na tulog kahit buking na an

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status