Share

Chapter 15.2: Wait

May babaeng pumunta rito kanina? Kaya ba hindi ko pa rin siya nakikita hanggang ngayon dahil kasama niya ang babae?

Hindi ko alam kung bakit may kirot akong nararamdaman sa dibdib ko. Oo crush ko siya at nagkaroon na rin naman ako ng maraming crush na nagkakaroon ng girlfriend pero hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Saan kaya sila nagpunta at ano'ng ginagawa nila ngayon? Masaya raw iyong babae nang makita si Evander. Ganun din kaya siya nang makita ang magandang babaeng iyon? Ang isiping masaya siya kapiling ng ibang babae ay mas lalong dumagdag ng kirot sa puso ko.

Mag aalas dose na pero hindi pa rin ako bumabalik kaya di ko tuloy alam kung nasa opisina na niya siya.

Naalala ko iyong sinabi ni Roda. Baka nga wala naman 'yun d'on kasi nasa suite pala at nagkukulong na.

"Sasabay ka ba sa aming kumain, Lia?" tanong sa akin ni Jepoy.

Maglalunch na sila sa staff room kung saan kami kumakain na mga empleyado. Ang resort na ang nagpo-provide sa amin ng tanghalian
Riyel Sage

May Chapter 15.3 pa pero di ko pa po tapos. I'll try my best to update tomorrow 'yung continuation. Thank you for reading!

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status