Share

Chapter 8.1: Crush

Katulad na nga ng sinabi ko ay pabago-bago ang ugali ni Evander at kung kailan lang niya ako papansinin.

Hahayaan ko na lang sana siya pero napansin ko kasing kakaiba na ito. Kung noon ay masungit na siya, naging times three na ngayon.

Pagkatapos niya akong utusan ay hindi na niya ako pinalagi sa kanyang opisina. Wala na muna raw siyang iuutos kaya sa locker room ng mga empleyado na muna raw ako at tatawagin na lang kapag mayroon na.

Mabuti na rin dahil mapapanisan ako ng laway sa kanya. Nakipag-chismisan na lang ako kina Jepoy at mga dating kasamahan na housekeeper tuwing bakanteng oras nila.

Inintriga nila ako sa mga nangyari. Kung bakit daw ako nasibak at kung bakit ibinalik lang din. Sinabi ko sa kanila ang totoo, maliban sa pumunta ako sa suite niya para bawiin ang kwintas ko. Naglaglagan ang mga panga nila.

Naiinggit pa ang iba dahil ang swerte ko raw dahil palagi kong nasisilayan si Evander. Umirap ako. Sino matutuwang silayan ang ganoon kasungit na lalaki? Oo, gwapo siya at hal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status