Share

Chapter 35

Nag aayos si Minda sa kwarto nilang mag-asawa nang may tumawag sa kanya sa phone at hindi niya alam kung sino

"Hello, sino to?" ani niya

"Tita" ani ng may ari ng boses, parang umakyat lahat ng dugo sa ulo niya nang mabosesan ito

"Ano pang kailangan mo?"

"Ano Tita? Pati ikaw tinraydor mo ako"

"Anong tinraydor ang pinagsasabi mo?"

"Akala ko magkakampi tayo, akala ko ba ako ang gusto mong manugang?"

"Ria, tanggapin mo na lang na hindi kayo ni Matt ang para sa isat isa, may mahal na siyang iba, at buti na lang"

"Ahh ganun? Lintik lang ang walang ganti, lahat kayo babalikan ko, wala akong ititira sa inyo" ani nito sabay off ng phone, nakaramdam ng kaba si Minda sa pagbabanta na yun ni Ria, hindi talaga ito titigil sa panggugulo sa kanila, hindi naman ganito ang pagkakakilala niya dito nuon, pero ibang iba na si Ria ngayon, o baka ganito talaga ito.

Sa bahay naman nila Ria, naiiyak siya sa galit, akala niya may kakampi siya sa katauhan ni Minda, pero nakuha rin ni Leina ang loob nito, siya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status