Share

Chapter 24

Doon na kumain ng lunch si Rizza sa bahay ng best friend niya dahil nagluto ito. Hindi naman niya puwedeng tanggihan ang best friend niya. Bihira na nga silang magkita pa ay tatanggihan pa niya ito. Umuwi si Rizza sa bahay nila bago mag-alas tres. Marami pa silang napag-uusapan ni Kira na best friend niya bago siya umuwi. Naligo siya pagkarating niya sa bahay nila. Bukas na bukas ay aalis na naman siya para bumalik sa mansion ni Drake. Hindi niya sigurado kung makakauwi siya sa susunod na semana.

Maaga siyang gumising kinabukasan para maghanda ng kanilang agahan. Tulog pa ang mga magulang at kapatid niya ngunit siya ay gising na. Tamang-tama nang gumising ang mga ito ay kakatapos pa lang niyang magluto. Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na silang kumain ng agahan na niluto niya. May sinangag, pritong itlog, hotdog, pandesal at gatas ang nakahain sa mesa nila. Ang binili niyang pera ay ang bigay ni Drake sa kanya kahapon bago siya umuwi sa kanila. Hindi naman nagtaka ang mga mag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status