Share

Chapter 25

"Ang aga n'yo naman na umuwi ngayon," mahinang basag ni Rizza ng katahimikan habang kumakain silang apat ng lunch. Niyaya na nila na kumain sina Dan at Diego para samahan sila. Silang dalawa lang naman ang kakain. Uminom muna ng malamig na tubig si Drake bago sinagot si Rizza.

"Wala naman akong gagawin pa buong maghapon sa opisina kaya nagdesisyon ako na umuwi na lang kami ni Dan. Naisipan kong magbakasyon kahit ilang araw lang. Ilang araw na lang ay weekend na naman, eh," sabi ni Drake kay Rizza na napatango-tango na lang pagkarinig sa sinabi niya.

"Wala namang problema siguro kahit ilang semana ka na magbakasyon, 'di ba? Ikaw naman ang boss. Hawak mo lahat. Ikaw ang sinusunod ng lahat kaya kahit anong gawin mo ay puwede. Tama ba ako sa sinabi ko sa 'yo?" mabilis naman na sagot ni Rizza sa kanya.

Bahagyang tumango si Drake sa sinabi niya. "Oo. Tama ka nga naman sa sinabi mo. Hawak ko ang lahat sa kompanya ko kaya kahit ano'ng gusto kong gawin ay puwede kong gawin. Walang imposible k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status