Share

Chapter 41

Maraming nilutong pagkain sina Aling Delia at Mang Nestor para sa tanghalian ng kanilang boss kasama sina Rizza, Dan at Diego. Ang lahat ng mga niluto nilang pagkain ay galing lang naman sa farm kagaya ng mga isda, gulay at karneng baboy at manok. May lechon rin na pinapahanda ni Drake sa kanila. Bago sila kumain ng lunch ay pinuntahan na sila nina Mang Danny at Aling Sisa sa taniman ng mga gulay para sabihin na handa na ang kanilang tanghalian.

Kaagad naman na silang umalis sa lugar na 'yon at bumalik sa malaking bahay para doon kumain ng tanghalian. Doon sila sa labas ng malaking bahay kakain kung saan may mahabang mesa na puno ng maraming masasarap na pagkain. May mga punong sintunis doon na nasa gilid kaya hindi mainit doon. Ang presko nga ng hangin. Ang sarap-sarap langhapin.

"Puwede bang magkamay kumain?" tanong ni Rizza kay Drake pagkakita sa mahabang mesa na nasa harap nila na punong-puno ng masasarap na mga pagkain. Gusto kasi niyang kumain ng nakakamay. Na-miss kasi niyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status