Malamig na hangin ang dumapo sa mukha ko ng lumabas kami ni Archer sa kotse niya.Mas malamig pa pala pag bumaba ka sa bayan, sapat lang naman ang suot-suot kong jacket hindi giniginaw ang aking katawan.Pumunta kami sa botique para bumili ng mga damit. Wala na akong nagawa sa pangungulit ng lalaking 'to.Ayon kay Archer ito lang ang nag-iisang boutique sa lugar na 'to. Kaya kapansin-pansin na kakaunti lang ang tao rito.Pumasok kami ni Archer sa boutique habang ako nasa likod niya nakasunod lang. "Aray!" Ininda ko ang sakit ng tumama ang mukha ko sa likuran niya.Paano ba naman kasi tumigil siya bigla sa paglalakad.Hinimas ko ang aking noo dahil ramdam ko ang sakit na bumakas dito."Bakit ka kasi nasa likuran ko at kailan kapa naging buntot?" Tanong niya."Hindi ko naman kasi alam ang gagawin ko.""Malamang titingin ka ng mga damit mo, hindi ko naman alam anong size mo. Unless gusto mo ipasukat sa'kin 'yan" Ngumiti ngiti pa ito ng nakakaloko.Hahampasin ko na sana siya pero nahawak
Letitia’s POVIt’s been 2 days ng nakituloy ako rito sa bahay ni Archer.Sobra akong nag enjoy kahit dalawang araw palang.Siguro naging maganda ang environment ko. Nawala ang lungkot at problema ko kahit papaano.Pero hindi naman habang buhay dito lang ako. Kailangan ko rin umuwi at harapin ang problemang dapat ayusin.Kaya habang nandito gusto ko muna i-refresh ang utak ko. Maging malaya muna saglit at maging masaya kahit papaano.Sobra talaga akong nagpapasalamat sa lalaking 'to.Kahit hindi niya ako ganoon kakilala tinulungan niya pa rin ako sobrang laki ng utang na loob ko sa kaniya.Hindi ko makakalimutan 'yon kahit hindi ko pa siya nakikilalang maiigi sobrang gaan na ng loob ko sa kaniya kahit na minsan gusto ko na siyang ibaon sa lupa ng buhay.Hahahaha.Sa lahat ng pinakita niya saakin sa dalawang araw.Despite how simple it would be to trust him; I choose not to.Maybe not now."Letitia do you wanna pick some strawberries?” He asked."Saan ba?" Tanong ko."In my farm?" Medyo
"I love you don't leave me." Tuluyan ng bumagsak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Tinignan niya lang ako ng malamig mas malamig pa sa yelo ang kanyang titig. Hinawakan ko ang kamay niya at inilapat ko ito sa pisngi ko. "Please! 'wag mo ako iwanan." Puno ng pagmamakaawa ang lahat ng sinasabi ko. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang pagkirot ng aking puso. Tinanggal nito ang kamay niya at paunti-unting naglakad papalayo saakin. Habang siya ay naglalakad palayo saakin nanghina nalang ang aking tuhod ng makita ko ang huwak sa kanyang braso. It was Camille. Ang babaeng mahal niya. Pilit ko silang hinabol ngunit hindi ko sila maabutan. Para akong nadikit sa kinatatayuan ko na kahit anong takbo ko hindi ko sila maabutan. Patuloy pa rin ang pagbagsak ng luha ko habang pinagmamasdan silang papalayo saakin. "Please… 'wag mo akong iwanan." Nagmulat ang mga mata ko at tanging nasa kisame lang ang aking pagtitig. Hinawakan ko ang gilid ng aking mata dahil sa naramdaman k
Letitia's POV "Kung bumili kaya ako dito ng bahay sa baguio?" Tanong ko kay Archer na abalang nagdidilig ng mga halaman. Tumingin siya saakin. "Why? Gusto mong mapalapit saakin no?" Tanong niya na may kasamang ngisi sa labi. Tumaas ang aking kilay."Kapal talaga ng mukha mo no?" Noong nagpaulan si Lord ng kakapalan, nasalo niya lahat siguro. "Bahay bakasyunan lang para pag wala akong ginagawa diba." Mariin kong saad. Magandang ideya rin naman 'yon. Wala pa naman akong pagmamay-ari tulad ng vacation house. Hindi tulad ni Bryson na maraming vacation house. Ang sinasama niya lang naman doon si Camille. " That's an excellent choice. I can suggest a few of the nearby vacation homes," sabi niya. "Babalik na rin kasi ako sa manila, may mga aayusin lang ako." I spoke. "Oh." Tanging sagot ni Archer saakin. Huh? Bigla nalang siya tumahimik sa buong pagdidilig at pag-aayos naming ng halaman. Pagkatapos ko diligan ang mga gulay at prutas naglakad ako papunta sa gripo para kumuha uli
Kumain muna kami ng mga inihanda ni Archer para kay Krista at Topher.His food is really amazing!Nang matapos kaming kumain, inasikaso ko yung mga hugasin habang yung tatlo ay nasa sala.Masaya ang araw ko dahil nakasama ko ang kaibigan ko.Hindi ko maiwasan mapangiti sa mga nangyayari ngayon.Habang naghuhugas ako ng plato biglang may sumiko saakin sa tagiliran.Kita ko ang malawak na ngiti sa labi ni Krisha na para bang may ibig sabihin.Kumunoot ang noo ko."Why?""You look so happy today," saad niya at tinusok pa ang aking tagiliran."Because you're here, " sabi ko."Talaga ba?"Sabi ko na nga ba at may ibig sabihin ang mga sinasabi at mga ngiti niya."Nako bes, oo,” sagot ko at tinuon nalang ang paningin sa aking hinuhugasan.Iba talaga ito mag isip, lahat nalang ata sa babaeng 'to may issue."Para kayong mag-asawa alam mo ba yun, " tuwang sambuit ni Krisha sabay ang pagsandal niya sa ref.Kung ano-ano nalang talaga ang pumapasok sa isip ng babaeng 'to.Oo nakikita ko si Archer a
Sabi nga nila hindi masama ang mag-enjoy sa buhay. Matuto kang maging masaya, alamin ang mga bagay-bagay sa mundong ating ginagalawan at higit sa lahat matuto tayong lumaya sa kalungkutan.Kumawala sa mga problemang kinulong tayo sa pighati.Hindi naman masama ang maging makasarili. Lalo na pag sarili mo ang uunahin mo.Sa lahat ng problema kong pinagdaanan. Hindi ko masasabing malakas na ako para harapin ito pero gusto kong harapin kasi kaya ko.Hindi ako malakas pero kakayanin ko lahat ito.Sa ilang araw na pagpapahinga sa lahat natuto akong maging matatag.Naging malinaw sa isip ko na huwag mong tatakbuhan ang sariling problema.Hindi mo naman ito maiiwasan o malalayuan kasi nandiyan lang 'yan.Tama nga si Lolo na dapat una kong mahalin ang sarili ko.Magtira para sa sarili at wag mag bigay ng sobra sobra sa iba.Binigay ko ang lahat ng pagmamahal ko kay Bryson.Kaya naubos ako lahat saakin.Handa pa akong ibigay ang lahat at naging desperada sa harap niya para makuha ang atensyon
"Letitia wake up."May naramdaman ako na kung anong tumusok sa pisngi ko pero pinagsawalang bahala ko ito at hindi ko pa rin minulat ang aking mga mata.Gusto ko munang matulog ng mahaba hindi ko alam para akong napuyat. Marahil hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip anong mangyayari pag uwi ko.Bagamat hindi man ako nakamulat ramdam ko pa rin ang presensya ng paligid ko.Ngayon, may pumipilit saakin na gumising.Maya-maya may naramdaman ako na kung anong bagay na nakarang sa mukha ko. Hindi ko man nakikita ngunit ramdam ko ang pressure nito sa mukha ko.Minulat ko ang aking mata.Namilog ang mga mata ko sa gulat ng makita ko ang mukha ni Archer.Malapit ito, napakalapit na parang kaunti nalang magtatama na ang labi naming dalawa.Bakas din sa kaniyang mukha ang pagkagulat, marahil hindi niya inaasahan na magmumulat ang aking mga mata.Ilang segundo o minuto kaming ganoon ang pwesto.Subalit hindi talaga maikakaila na guwapo ang lalaking 'to. Lalo na sa malapitan kapansin pansin ang m
Sa hinaba haba ng panahon sa isang iglap magigising kanalang sa lahat ng katotohanan. Doon mo makikita ang sarili mo kung gaano kana nahihirapan. Makikita ang sarili na puno na ng pighati at lungkot. Para kang nawawalang bata na nag hahanap ng aruga sa kaniyang pamilya. Bumababa ang self-esteem mo, nagkakaroon ka ng insecurities. Lahat ng iyon makikita mo pag minulat ang mga mata mo. Doon ka lang magigising at mapapaisip na hindi na pala tama ang lahat ng nangyayari. Binuhos mo sa tao ang lahat ng pagmamahal mo. Kahit natatapakan na ang sarili mong pagkatao. Ginawa mo pa rin ang lahat para mapansin ng taong pinaka importante sa'yo ang halaga mo. Unrequited Love, ito yung tawag sa pagmamahal na hindi ka susukong mahalin ang taong mahal mo. Kahit anong sakit, kahit anong taboy sa'yo na para bang kinamumuhian kana niya hindi kapa rin titigil na mahalin siya. As soon as I heard Krisha's car stop, I opened my eyes. I dozed off temporarily as we were travelling. When I opened my eyes,