Share

KABANATA 6

...

(Daniel's POV)

“Sa Condo Unit project natin na itatayo sa Palawan, ay mas maganda ang presentation number 3. Bukod kasi sa safe ang mga design, and area na gagawin niya ay medyo economic friendly din. Although, maraming tourist dahil sa area na pagtatayuan, pero hindi nating mapagkakailang hindi siya kagaya ng Cities Near in Manila na...-” habang napapaliwanag ang nagpakilala sa'min bilang anak ni director, ay ‘di ko makalihis ang tingin ko sa kaniya.

Naaalala ko parin ang nangyari sa‘min. Napaka detalyado parin no’n sa isip ko. Nakakapagtaka lang ng iba ang nasa CCTV, at isa pa ay paanong sobrang hawig ni Celestine sa kaniya?

May hindi ba ako alam sa tunay na pagkamatay niya?

Napailing naman ako dahil kung anu-ano pumapasok sa isip ko.

Impossible paring mabuhay s’ya dahil na kay Celine ang puso niya. Kahit hindi man mangyaring inilipat ang puso ni Celestine, ay mamatay parin siya dahil sa malala na ang tumor nito utak, sabi ni Aunty.

Wuah! Sumasakit na ulo ko kakaisip!

“Dismiss!”

Bumalik naman ako sa realidad, at mukhang tapos na ang meeting namin. Dahil sa pag-iisip ko kay Celestine, ‘di tuloy ako makapag-trabaho nang maayos.

“Ms. Belleza, Could I have a word with you?” Naglakas loob akong lumapit sa kaniya, para linawin ang mga tanong ko.

“I-I am buried in work, so I can't talk to you right now.” Nag mamadali naman siya umalis at halatang iniiwasan ako.

“Ms. Belleza!” 

Hinabol ko siya agad dahil hindi kaya nang aking konsensiyang ipagsawalang bahala at kalimutan ang nangyari.

“About sa nangyari satin...-” ‘di pa ako natatapos magsalita ng sampalin n‘ya ako.

“Pak!”

“Gusto mo ba talaga ako pahiyain? Kinalimutan ko na nga. Lalo na nang malaman kong engaged ka, at ayokong magkasiraan kayo ng maldita mong asawa. So Please, forget about what happened last night.” Tatalikuran niya sana ulit ako ng hawakan ko ang kamay n’ya.

“Ano ba? Napakaraming naka-tingin sa’tin. Kung gusto mo ma-issue. ‘Wag mo akong idamay!" sigaw niya pero ‘di ko siya pinansin. Agad ko naman siyang niyakap dahil ‘di ko kaya ang pang-tataboy n’ya sa‘kin

“Handa kong i-cancel ang kasal namin para sayo. Papanagutan ko ang ginawa ko. I promised," pagbitaw ko ng pangako, pero pinipilit n’ya paring  kumalas. Wala na ako pakealam kung makita man kami ni Celine dahil engaged lang naman kami. Kahit pa kakikilala ko lang kay Aubrey at pinagkakamalan ko pa s’yang si Celestine. 

I'm guilty about what we do last night and to intercourse with her without permission.

“A-Ano?”

Napalingon naman ako sa likod ko at mukhang narinig ni Celine lahat.

“Pwedeng pakitali ng boyfriend mo sa leeg, at hawakan mo lagi, para ‘di pumunta kung kani-kanino. About sa nangyari ay ‘wag kang mag-alala dahil hindi ko dadalhin sa korte ang reklamo ko. Naaawa ako sa ASAWA mo." 

Tumalikod naman siya at hahabulin ko sana ng hilain ako ni Celine.

“Sabihin mo sakin ang totoo. Tinatakot ka ba niya na iwan ako para magkahiwalay tayo?” Napahilamos naman ako ng mukha, dahil naiipit ako sa problemang ganito.

“Ako ang humahabol sa kan’ya at hindi siya. Katulad din ng narinig mo, ikansel na natin ang kasal." Tinanggal ko naman ang kamay niya nakapalupot sa braso ko at agad na umalis.

“Ano bang pinakain niya sayo para makuha ka niya agad? Ginayuma ka ba niya? Okey naman tayo nung nakaraan diba?”

Hindi na ako nagpaliwanag sa kaniya dahil alam ko rin namang hindi siya makikinig.

“Daniel! Bumalik ka rito! Bakit lagi mo nalang ako iniiwan sa kahihiyan pag-nakagawa ka ng masama! Bumalik ka dito!” sigaw pa niya pero ‘di ko na nilingon pa.

...

(Celestine's POV)

“Master, mukhang gumana ang plano mo.” Lapit sa'kin ng secretary ni daddy ko, habang pinapanuod ko ang pag-iwan ni Daniel kay ate Celine.

“Isa pa lang 'yan sa mga naranasan ko dati bali kulang pa. Ipaparanas ko sayo at sa inyong lahat ang mga ginawa niyo,” bulong ko habang nakangiti dahil nakikita kong humahagulgol sa iyak si kambal.

Hindi naman ata siya maaatake sa puso agad diba? Dahil narin may normal na siya puso. Na kinuha nila sa maduming pamamaraan.

“ ‘Di manlang ba na-alala ni Daniel na ganitong scene rin ang ginawa niya ng nabubuhay pa ako bilang si Celestine? Tsk! Nakakaawa naman sila panuorin," singit ko pa at tsaka tumalikod papalayo.

Patikim pa lang 'yan.

Hintayin niyo lang, dahil susunod-sunorin ko kayo. Mula sa kasalanan ng kapatid, magulang, at jowa kong masamang damo.

Sisiguraduhin ko na kung anong binato niyo, ‘yun din ang ibabalik ko.

“So, anong susunod mong plano? ‘Di ka pa ba tapos? At ano ulit itataya mo sa sugal na sinimulan mo?" Sunod-sunod na tanong ni Mr. Scoth kaya napangiti nalang ako ng mala-demonyo.

“Ikaw. Ikaw ang ipantataya ko.”

Lumapit ako kan’ya, at dahil sa pakealamera siya masyado. Bakit 'di natin isali? Baka naiinggit s’ya at gusto n’ya sumali sa paghihiganti ko dahil nakakabagot maging taga-tugis ng patay.

“Hindi ako interesado,” ikling sagot niya pero alam ko namang ‘di siya makakatanggi.

“Pumayag kang maging tayo, at bilang kapalit tatanggapin ko ang alok mo. Na mahanapin ang Masamang Goblin." Naging seryoso naman siya at mukhang interesado na.

“Anong plano?” Napatawa nalang ako ng bahagya dahil sa sagot niya. Sabi ko na nga ba, papayag din siya.

“Play with me,” ikli kong bulong.

“Hindi ako pwedeng makipag relasyon ang Reaper,” tanggi pa n’ya kaya napahalakhak ako.

“Sino bang nagsabing tutohanin mo. It's just a game. Ang kailangan mo lang gawin ay mag-panggap kang concern sa‘kin pag-nasaharap ko si Daniel,"" paliwanag ko sa rule ng revenge game ko.

“Okey. Deal,” ani niya. 

Napangiti naman ako at lumapit sa kaniya ng sobra. Halos ilang pulgada na lang ang layo ng mukha namin. 

“Bakit ‘di natin simulan ngayon? My Honey.”

Mukhang nairita siya agad at bigla nalang mawala. Haha, gusto ko talaga na lagi siyang asarin pag-ganitong mga topic. 

Huminga ako ng malalim at naglakad papalayo nang may ngiti parin sa labi.

10 years na pala ang lumipas...

Bali 25 years old na kami ngayon, at hindi ko nagawang maghiganti agad dahil masyado pa akong mahina at kailangan ko pang-sumandal kay Bryan Timothy Scoth a.k.a 'Black Bone Reaper'.

“Master, nagawa na po namin ang inuutos niyo.” Nilingon ko naman kung sino ang nagsalita at nakita ko si Director Belleza.

“Bakit po kayo ang gumawa nu’n? Marami naman tayong tauhan dyan. Kaya ‘di na sana kayo nag-volunteer, na mag pakalat ng video sa Social media. Tsaka kayo ang Daddy ko bilang si Audrey, kaya ako po dapat ang nagalang sa inyo,”  paliwanag ko pero umiling siya.

“Kung hindi po dahil sa inyo ni Mr. Scoth, ay wala ako sa lugar ko ngayon. Hindi ko rin sana maipaghihiganti ang aking mga anak at asawa," pagmamatigas niya.

"Hay!" 

Bahala nga siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status