Share

KABANATA 35

Nilingon ni Celestine nang may matang panlilisik si Celine at walang pagdadalawang-isip na itinaas ang kutsilyo handang saksakin si Celine. Dahil walang magawa ay napapikit nalang si Celine at itiniklop ang palad niya. 

Hindi kinakayang masaksihan ni Bryan ang unti unting paglapit nh punyal kay Celine at agad na inalala ang pangako niya kay Esperanza. "H'wag!" umalingaw-ngaw ang sigaw ni Bryan at pinilit makawala sa kapangyarihan ni Celestine. 

Isang patak ang luha ang tumulo sa pisngi ni Bryan bago nagsalita, "Celestine, maawa ka. H'wag mong patayin si Esperanza!" bulaslas na sigaw niya kaya napahinto si Celestine at nagdalawang isip sa narinig na sinabi ni Bryan. 

Pinagmasdan niya si Celine na may pagkakataka at umiling iling.  "Esperanza?" taka niya at nilingon si Bryan. 

Nakahinga naman ng maluwang si Celine na halos namumula na ang ang mata sa pagluha. 

 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status