Share

Revenge of a Heartless Daughter
Revenge of a Heartless Daughter
Author: Blackmon Apprentice

KABANATA 1

PAUNANG SALITA

I'm Celestine Nicole Quintana. 15 year's old, a highschool student with High Honour. Wala ng mapipintas sa'kin sabi ng iba bukod sa matalino, maganda, mapagkumbaba at maunawain ay lahat na daw sinalo ko na. 

Pero...

Mali sila dahil mukhang tulog ako ng nagpaulan ang langit ng Pagmamahal. Hindi ko alam kung paano makuha 'yun o kung nabibili ba 'yon. Hindi naman ako mahirap pero bakit namumulubi ako pagdating sa pag-ibig.

Hindi ko naramdaman na mapansin nila daddy and mommy ng matagal. Kahit na marami pa akong ilatag na medals sa harap nila, also my first boyfriend left me nang makilala niya ang kambal ko sa hospital. 

Am I unworthy of being love by someone? 

Kahit na ganoon kontento parin ako, mamahalin ko nalang ang sarili ko dahil 'yun ang nararapat. Pero, paano kung pati ang buhay na iniingatan ko, ay kunin din nila ng puwersahan sa akin?

Hahayaan ko parin ba sila?

Hindi rin ba ako karapat-dapat para sa buhay na meron ako?

Instead of cheer me up to fight against on my Brain Cancer.

They kill me forcibly that called Euthanasia and be a donor for my twin sister.

Kahit dito, hindi ko parin hawak ang buhay ko at ang pinakamasakit, hindi parin nila ako pinili.

KABANATA 1

Nakaconfine si Celestine Pearl Quintana sa Hospital at hinihintay na nang mga doktor ang pagtulog niya para maisagawa ang heart transplant sa kaniyang kambal.

“Anak. Patawarin mo si mommy and daddy,” panghihingi ng ina ng tawad habang naiyak. Napapikit naman si Celestine habang pinipilit ikuyom ang kamao ng mariin.

Isang patak ng luha ang dumaloy mula sa mga mata ni Celestine. “Mom... Makakaya ko pa naman mabuhay, daddy pigilan niyo si Mommy!” halos ‘di tumitigil ang kan’yang luha sa pag-iyak habang pinipilit na makagalaw at ‘di matulog. Dahil nakahiga lang siya sa hospital bed at paralisado ang katawan. Nais man niyang tumakbo o tumakas ngunit 'di niya magagawa.

“Mom, anak niyo rin ako 'diba? Tsaka, may paraan pa naman para matanggal ang Tumor ko sa utak kaya ‘wag niyo po sa’kin gawin ito. Please!” pagmamakaawa niya pa na nailing ang ulo pero mukhang ‘di na mababago ang pasya ng kaniyang magulang.

Tinawag naman niya ang kaniyang ama upang humanap ng kakampi.

“Dad?” Nagbingi-binghan lang din ito at ‘di s’ya nilingon.

Kahit na bumibigat na ang talukap ng kan’yang mga mata ay pinipigilan n'ya parin sapagkat maaring hindi na siya magising pa kung sakali man na siya’y makatulog.

“Mom? Kahit kelan ba hindi niyo ako kayang piliin? Kahit dito lang?” ‘Di mapigilang umagos ang kaniyang luha habang pinapanood siya ng kaniyang mga magulang na mamatay. Hindi n’ya lubos maiisip na masisikmura ng kan’yang magulang ang manuod lamang at ipagdasal ang kaniyang kamatayan.

Tumingin siya ng matalim sa kanila at napansin nilang nagdudugo ang labi ni Celestine. Dahil sa sarili nitong kagat mapigilan lang niyang 'di makatulog. Halos mabalot ng pagkaputla ang mukha ni Celestine at unti-unti naring nanghihina. Gustong niyang sumigaw at magsalita ng masasakit ngunit paralisado ang buong katawan n'ya at wala na magagawa kundi ang tumitig sa kanila.

“Mom. Dad. I... Ikinaya kong magpaubaya sa lahat... Ngunit kung mismong buhay ko na ang hihingin niyo-” Napalunok naman si Celestine ng laway bago ulit nagsalita. “Parang sobra na po yata."

Sila nga tunay na mga magulang ni Celestine. Ngunit sa paggawa nang desisyon na patayin ang sariling anak. Upang maging donor sa puso sa kambal nito, ay hindi makatarungan.

Buong buhay niya ay lagi siyang nagpapaubaya sa kaniyang kambal, dahil may sakit ito. Hindi niya rin nagawang makihati sa atensyon ng kanilang magulang, sapagkat ayaw niyang makaramdam ito ng pag-iisa sa loob ng hospital. Habang nagdiriwang ng kaarawan ang kambal nito sa loob ng Hospital, ay hindi manlang sumasagi sa isip nila si Celestine.

Kahit kelan ay hindi sila nag-alala sa buhay ni Celestine. Nang ma-diagnosed siya ng Brain Tumor ay inakalang mapapansin na rin s’ya ng kaniyang magulang pero nagkamali siya. Kahit may kakayahan pa silang ipagamot si Celestine ay 'di nila ginawa sapagkat bilang nalang ang araw ng paborito nilang anak. Ang tanging paraan nalang para mabuhay ito ay ang puso na meron si Celestine, kaya puwersahan nila na gustong kinuhain ito.

Halos isumpa ni Celestine ang kaniyang mga magulang sa kaniyang isip at itanong kung saan nga ba siya nagkulang?

Subalit luha na lamang ang maitutugon ni Celestine habang dahan-dahang nanlalabo ang paningin. Dahil narin sa Sleeping pills na sapilitang pina-inom sa kaniya, para maisagawa na agad ang Surgery.

Samantala, bago isinagawa ang plano ay sinigurado naman nila ipapalabas itong isang Euthanasia. Dahil may Brain Tumor din si Celestine ngunit ito gano’n kalala at makakaya pang tanggalin.

Ang Euthanasia ay isang uri ng legal na pagpatay sa pasyente upang matapos na ang paghihirap nito. Maaring maging ilegal ito kung ang pasyente ay may kakayahan pang mabuhay at walang abiso sa pagpatay.

‘Mahal ko sila at lagi ko sila inuunawa, pero ngayon hindi ko na kaya pa. Dahil kinuha nila ang pinakamahalagang bagay na meron ako, at ito ay ang aking puso.’

‘Kahit dito, hindi ko parin hawak ang buhay ko at ang pinakamasakit, hindi parin nila ako pinili.’ Daing ni Celestine sa sarili bago lagutan ng hininga.

...

Months Ago

“Daniel, bakit mo pala ako pinapunta sa gan’tong lugar? Siguro may surprise ka? Nakakahiya naman,” sabik habang namumulang kausap n’ya kay Daniel, na kaniyang boyfriend at medyo kinikilig. Hindi naman niya napaghandaan ang paglabas nila kaya nahihiya s’ya ng bahagya.

“Dapat sinabi mo na may date tayo para nakapagsuot ako ng maganda,” pakunwaring naiinis niya para magpakipot, ngunit hindi s’ya pinansin nito at halatang balisa.

“Ayos ka lang? Hindi ba tayo maglilibot?”

“Daniel!” tawag pa niya dito kaya nag-alala na siya at sinuri kung may sakit ba ito. Nang lalapit siya dito ay agad itong umatras palayo sa kaniya kaya bahagya siyang nagtaka.

“Sorry Celestine,” ang sabi lang nito at ‘di parin maunawaan ni Celestine ang pinagsasabi ng kaniyang boyfriend kaya nag kunwari nalang siyang walang narinig.

“Ano ka ba bakit ka nanghihingi ng tawad, tara na gala na tayo.” Hinila niya naman si Daniel para maka-pagpahangin sakaling may gumugulo lang sa isip nito, ngunit hindi umalis sa p’westo si Daniel.

Tumingin lang ng malamig at direkta si Daniel at si sinabing.

“Let’s Break up.”

Halos mapailing si Celestine at biglang namumula na ang kan’yang mata na sa kahit ano mang oras ay maaring may tumulong luha.

“Joke ‘yan right? Siguro may plano kang iprank ako. Teka, saan nakatago ang camera?” Nilibot ni Celestine ang paningin niya sa gilid at umaasang may nakatutok na camera sa kanila.

“Daniel, hindi nakakatawa ‘yang sinasabi mo!” sigaw niya sa boyfriend n’ya pero mukhang hindi ito nagbibiro.

“Minamahal ko na si Celine. Nang una ko palang s’yang makita kahit nasa hospital lang, ay nagkagusto na ako sa kan’ya. Actually palihim akong pumupunta sa hospital para lang dumalaw, dahil masaya ako pagnakikita siya,” paliwanag niya.

“May gusto ka sa kambal ko kahit na aware ka na boyfriend kita?” Halos ‘di si Celestine makapaniwala lalo pa’t ang karibal niya pa, ay ang mismong kambal n’ya. Hindi naman mapigilang tumawa ni Celestine habang naiyak sapagkat matagal na pala s’yang mukhang tanga sa relasyon na meron sila.

“Girlfriend mo ako pero nanliligaw ka kay ate Celine? Binibiro mo ba ako!” galit na sigaw ni Celestine at 'di mapigilang sampalin si Daniel dahil sa nalaman.

“Bakit mo nagawa sa’kin ‘to? Mahal kita at kahit kelan hindi ako nanghinala at nagbulag-bulagan parin ako sa mga nakikita kong kilos mo!” sumbat niya habang pinaghahampas si Daniel sa dibdib.

“I’m sorry Celestine. Sana ‘di ka magalit kay Celine dahil ako ang may kasalanan. Nagmamahalan lang kami at gusto kong iparamdam sa kaniya ‘yon. Na kahit may sakit siya sa puso ay makakaya n’ya paring magmahal,” paliwanag ni Daniel at napahawak nalang si Celestine sa ulo niya.

“Paano ako, porque ba wala akong sakit kailangan kong magparaya. Lagi nalang ba gan’to ang mangyayari, pati ba naman boyfriend ko kailangan ko pang ipaubaya?” Sa sobrang iyak ni Celestine ay sumisikip ang dibdib niya dahilan para 'di siya makahinga.

‘Hindi ba pwedeng ako naman, Kahit sa ngayon lang?’ tanong sa sarili n’ya. Gusto niyang ilabas ang kan’yang mga hinaing sa lahat at lalo na sa kay Celine ngunit natatakot siyang maatake ito sa puso at maging dahilan ng pagkasawi nito.

“Alam mong maikli nalang buhay ni Celine kaya gusto ko siyang makasama kahit sa ganitong paraan lang. Patawarin mo ko Celestine, siguro may iba pang mas karapat-dapat na lalaki para sa pagmamahal mo.” Huling sinabi niya bago tuluyang iwan sa gitna ng Theme Park ng mag-isa si Celestine.

“Daniel, huwag mo kong iwan!” sigaw ni Celestine pero hindi man lang siya nilingon.

“Bakit sa dami-rami pa ng magiging karibal ko sa’yo bakit si Ate pa? Alam ninyo na hindi ko kaya magalit kay ate Celine.”

“Bakit mo nagawa sa’kin ito?”

Halos pagtinginan ng maraming tao si Celestine ngunit ‘di niya ito pinansin at binuhos parin ang luha na matagal na niyang kinimkim.

‘Lahat sila lagi akong iniiwan, kaya bakit dumagdag ka pa.’

“Habang buhay nalang bang ako mag-isa?” Napahawak siya sa dibdib niya habang nakaupo sa sahig at hinihiling na panaginip lang ang nangyari.

Makalipas ang ilang araw ay bumalik ang kinatatakutan n’ya. Kung saan walang kahit na sinong tao ang handang kumausap sa kan’ya. Kahit kaibigan ay kusang lumalayo sa iba’t-ibang dahilan ng mga ito.

Ang pamilya, kaibigan, at kasintahan, iniiwan siya at 'di nagtatagal.

‘Sumpa ba talaga ako?’ pagiisip niya dahil sa nangyayari kamalasan na meron siya.

“Celestine!” pagsigaw ng kanilang guro na kanina pa tinatawag ang pangalan niya. Napatayo naman si Celestine pero kita parin sa mata niya ang lungkot.

“Ma’am lagi po siyang gan'yan kaya masanay kana po. Hahaha,” pagpahiya ng isa n’yang kaklase kaya nagsi-pagtawanan lahat.

“Siguro gan'yan talaga lahat ng matalino, gumagawa ng sariling mundo o ‘di kaya nababaliw.” Umalingaw-ngaw ulit ang tawanan kaya pinatahimik sila ni Ms Tina.

“Ms Quintana, What is a Momentum?” Biglang tanong pa nito na inaasahang 'di masasagot ni Celestine dahil tulala ito sa oras ng discussions.

“Momentum, is a product of the mass of a particle and it’s velocity.” Biglang sagot ni Celestine kaya napahanga ang marami.

“Grabe kahit ‘di ka nakikinig ay alam mo na agad ang sagot,” mangha ng mga katabi niya.

“Mga libro po kasi ang libangan ko. Kaya, medyo advance ako sa lesson –“ ‘di natapos si Celestine ng sinasabi nang magalit ang guro nila at hampasin ang desk.

“Kahit advanced ka man ng lesson, kailangan mo parin na makinig sa tinuturo ko. Hindi porque matalino ka, ay ipagma-mayabang mo na sa lahat!” galit na sigaw ng guro.

“Opo” ikling sagot niya para ‘di niya humaba pa ang sermon. Agad naman siyang umupo, pero sa mismong pag-upo n’ya ay nakaramdam siya ng pananakit ng ulo na halos may kung anong bumibiak dito.

“Aray! Ang sakit ng ulo ko!” pasigaw na daing niya. Napahawak s’ya sa ulo at halos sabunutan ang buhok, makaraos lang sa sakit na iniinda.

“Tulong!” sigaw pa niya dahil mas lalong lumala ang sakit habang tumatagal, na parang may bumabarena rito. Hindi niya naman na kinaya at sa ilang minuto lang ay unti-unti ng nagblack-out ang paligid na nakikita niya.

Nagpanic naman agad ang guro.“Tumawag kayo ng Emergency!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status