Share

KABANATA 2

Matapos mawalan ng malay ni Celestine dahil sa Sleeping pills, ay agad na isinagawa ang operations kay Celine. Masakit ito para kanilang magulang pero kailangan nilang mamili sa dalawa nilang anak at napagdesisyonan nilang si Celestine ang mamatay. Dahil sakit iyon sa utak at para naman maging malaya na si Celine sa hospital. Alam naman nilang mauunawaan ito ni Celestine sa kabilang buhay, dahil kahit kelan hindi nakakatapak at nakakagala sa labas si Celine. Kumpara sa kay Celestine na malayang nakakagalaw araw araw.

“Satingin mo hindi naman tayo naging malupit sa kaniya, diba?” Nakokonsenyang tanong ng ina sa tatay nila. Tumango ang tatay at nagyakapan naman sila para kumalma.

Hinalikan naman niya ito sa noo at sinabing. “Alam nating mabait si Celestine at mauunawain, kaya sigurado akong 'di niya tayo sisisihin” pagpapakalma ng kanilang ama. Ramdam parin ang panginginig ng Ina habang nakatingin sa Operating Room.

“Pero, alam nating may pagkakataon pa para mabuhay si Celestine. Dahil nga sa may taning na si Celine ay kailangan nating mamili. Pablo, hindi ko kaya mawala si Celine. Dahil ako na ang nagpalaki sa kaniya at nakokonsensya ako kung mamamatay siyang hindi manlang nasisilayan ang llabas” aniya ngunit kahit magpaliwanag pa sila ay hindi na ito maririnig pa ni Celestine.

“Lagi nating nakikitang nagpaparaya si Celestine dahil sa pagmamahal niya sa kaniyang ate Celine. Kaya wala namang masama kung magparaya siya ulit dahil alam niya, sa simula palang ay ‘di pa nararanasan ni Celine na mabuhay ng normal,” paliwanag pa ng ama.

“Aunty and Uncle. Balita ko po may donor na si Celine, totoo po ba?” Masayang tanong ni Daniel na legal boyfriend na ni Celine. Wala naman mapaglagyan ng saya ang binata at ‘di mapigilang tumalon sa tuwa.

“Salamat naman, sino po ang donor? May taning na po ba ang buhay kaya ang nag volunteer?” tanong ni Daniel at tumango nalang ang magulang.

“Oo, may sakit kasi siya na Brain Tumor kaya bago siya mamatay ay nagsabi siya samin,” pagsisinungaling ng nanay at pinigilang lumuha habang nasa bisig ng kan'yang asawa.

“Si Celestine po, may balita na po ba siya tungkol sa kambal niya?” Taka niya at halatang nag-alangan sumagot ang magulang nila Celine.

“Si... siya ang donor.” bigkas ng ama na kinagulat ni Daniel at ‘di makapaniwala. Nakaramdam siya ng parang may kung anong mabigat na dumagan sa dibidib niya dahil sa sakit ni ‘to. Kahit pa isa s‘yang lang lalaki ay ‘di n‘ya mapigilang mapaluha sa kaniyang narinig. 

“May sakit na Tumor ang anak naming si Celestine at may taning narin ang buhay niya. Kaya nag-representa siyang ibigay ang puso niya kay Celine, para hindi kami masaktan kung mawawala man siya.” Pagbabaliktad ng ama sa tunay na naganap. Humagulgol naman ang ina sa pag-iyak dahil ‘di niya parin tanggap.

“Nagawa ni Celestine ‘yun?” napailing naman siya at ‘di makapaniwala. Bukod sa hindi siya sinisisi ni Celestine sa pagpili nito kay Celine. Nagawa din pa nitong ibigay ang sarili nitong puso.

“Celestine”

Halos may kung anong paulit-ulit na sumasaksak sa puso niya lalo na't mas marami silang pinagsamahan ni Celestine.

Napasuntok naman siya sa sahig ng malakas habang nakatingin sa pintuan ng Operating Room. “Patawarin mo ko Celestine.” Tanging masasabi niya lumapit naman siya sa Operating Room at nais pumasok sa loob.

"Itigil niyo na ang operations! 'Di ko kayang mawala si Celestine," aniya ngunit humarang ang ama.

“Tanggapin nalang natin ang hiling niya at tsaka kahit pigilan man natin ang operations ay wala paring pagbabago. Mamatay parin si Celestine dahil utak ang cancer niya,” ani pa ng ama.

...

Nagtagumpay ang operation sa paglipat ng puso ni Celestine. Inilibing ng mayapa ang bangkay niya pero, sa mismong libing ay may ‘di mawaring kaganapan ang gumimbal dito. May mabigat na hangin na pumalibot sa paligid. Sinabayan din ito ng biglang paglakas ng ulan at mga galit na kidlat. Nagsipagpatayan din naman ang mga damo paunti-unti sa bawat gilid ng libingan na kinatakot ng mga nagtatrabaho sa sementeryo. Naniniwala silang napakalungkot at sobrang galit nang kaluluwa na nakalibing sa puntod.

...

* 10 Years Later *

“Celestine, pinamamalaki kong naging kambal kita at dahil sa’yo magaling na ako. Maraming salamat!” ngiting pasabi niya sa puntod. Dumalaw naman si Celine kasama ang magulang nila sa puntod ng kambal n’ya at kinagulat nila, dahil may mga tirik dito ng kandila samantalang hindi sila nadalaw.

“Kuya, may I ask, sino po ang kadalasan nadalaw sa puntod na ito?” Taka ng ina sabay turo sa puntod ni Celestine.

“May lagi pong napunta na babaeng nakaitim tuwing katapusan po ng Mayo. Mukhang kamag-anak po ng nakalibing sa puntod. Bakit po niyo natanong? Bali kaibigan po ba kayo ng nakalibing? Ngayon ko lang po kasi kayo nakitang dumalaw dito.” Sunod-sunid na salita ng sepulturero at ngumiti lang si Celine.

“Kami ang pamilya niya. Tungkol naman sa babae baka matalik siya na kaibigan ni Celestine dahil wala naman kaming kamaganak dito sa pilipinas,” singit ni Celine at nagtaka naman ang Manong.

“Kayo ang pamilya? Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ang bigat ng hangin dito. Mukhang may sama ang loob ng patay,” napailing na ani ng Manong. Nilingon naman ni Celine ang puntod ni Celestine at napayukom ng kamao.

“Wala na siya dyan.” Biglang may sumulpot na bata kung saan kaya tumaas ang balahibo nila, lalo na sa sinabi nito.

“Sabi niya sa’kin ‘wag ako maingay pero ramdam ko na malungkot siya. Kaya kung kayo ang magulang niya ay gusto kong ipahatid na wala na siya at, mukhang galit siya sa inyo kaya mag-ingat kayo,” ani ng bata. Medyo natakot naman si Celine kaya napatumba.

“Anak!” pagtawag ng manong sa bata.

“Pasensya na po, lagi po siyang ganito sa lahat ng nadalaw. 'Wag niyo po seryosohin ang mga sinasabi niya,” pagdepensa ng ama pero hindi pa nagpapigil ang bata.

“Totoo nga po, sabi niya sisingilin niya daw ang mga may utang sa kaniya lalo na daw ang babaeng ‘yun.” Itinuro niya naman si Celine kaya lalo itong namutla sa takot.

“Tumigil ka na nga, patawad po,” saway ng manong sa bata, Hinila naman ng manong agad ang anak niya pero hindi parin ito agad sumama at lumapit kay Celine.

“Bakit po kayo natatakot sa sinabi ko? May kasalanan po ba kayo sa Ate na nakalibing? Pamilya niya po kayo kaya 'wag kayong mag-alala.” Ngumiti naman ang bata at umalis. Halos mapasigaw sa takot si Celine at kung saan-saan nakikita si Celestine na nakangiti sa kaniya.

“Wuah! Lumayo ka! Wala akong kasalanan, wala akong kinuha sa’yo!” sigaw nito at halos nagmumukhang baliw. Napatingin naman siya sa lapida at napaatras ng makita ang pangalan ni Celestine.

“Hindi ko kasalanan” pag-iling niya habang natulo ang mga luha. Naawa naman ang kaniyang ina at ama kaya niyakap siya nito.

“Tahan na, wala kang kasalanan. Hindi siya galit sa’yo at mali ang sinasabi ng bata. Tsaka Impossibleng mabuhay pa siya dahil wala na siyang puso. Kaya sana huwag mo na alalahanin ang pa ang tungkol kay Celestine,” pagpapakalma ng ina pero 'di siya kumbinsido.

“Hindi! Mapapanatag lang ako kung makikita ko ang bangkay niya sa loob!” sigaw pa ni Celine sa takot at itinawag ang mga mga tauhan para hukayin ang libingan.

Ikinagulat naman nila ng wala itong laman pero wala din itong bakas na hinukay. Kaya nakapagtataka kung paano nawala nalang basta ang bangkay ni Celestine.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status