NAPAKUNOT ang noo ni Kourtney nang makita ang marka ng lipstick sa leeg ni Claude habang inaalis nito ang kanyang damit. Matapos nang nangyari, napilitan nilang umuwi para lumayo sa mga reporters. Ang ina ni Claude ang nag-aasikaso ngayon ng lahat upang pagtakpan ang nangyari sa kasal habang silang dalawa'y dumiretso sa mansiyon upang magpalamig sa nangyari.
Pinigilan ni Kourtney ang lalaki sa pag-alis niya ng kanyang polo. "Saan mo nakuha 'yan?" galit niyang tanong.Nagtaka si Claude sa naging tanong nito kaya naman hinila siya ng babae palapit sa full mirror sa kanilang kwarto. Kahit na parang hindi niya maintindihan ang pinupunto nito, tinignan niya ang repleksyon sa salamin at tinignan ang sinasabi niya.Gumuhit ang gulat sa mukha nito nang makita ang marka ng lipstick, bumalik sa kanyang ala-ala ang nangyari sa elevator at ilang beses na napamura sa isipan. Iwas tingin ang ginawa niya habang lumalayo kay Kourtney na may malaking suspetiya na si Rosie ang may gawa nito sa leeg niya."Wala, 'wag mo nang pansinin," iwas niyang sagot. Hindi nagustuhan ng babae ang sagot nito kaya sinundan niya ito na may galit sa kanyang mga mata."Wala?! Hindi ako t*nga para hindi malaman kung saan mo 'yan nakuha! Kaya sagutin mo ako, Claude may nangyari ba sa inyo ni Rosie nung sinundan mo siya?!" sigaw niya na nagpapikit sa mata ng lalaki. Nakaramdam siya ng inis sa paraan ng pagtatanong nito ngunit mas piniling maging kalmado.Hinarap niya ang asawa nito saka hinawakan ang magkabilaan niyang braso, binigyan niya rin ito ng malumanay na tingin upang pakalmahin ang galit na galit na si Kourtney. "I'm gonna be honest with you, yes something happened but it's nothing baby I promise. And look, sisiguruhin kong magbabayad siya sa ginawa niyang ito lalo na sa kasal mismo natin. Itong marka na ito, wala lang 'yan kaya huminahon ka na, hmm? Sira na nga ang araw natin, hahayaan mo pa bang masira?"Inirapan siya nito saka pabagsak na tinaboy ang kamay nitong nakahawak sa kanya, tinalikuran niya rin ito kaya naman niyakap siya ni Claude mula sa likuran."Siguruhin mo lang dahil hindi ako magdadalawang sip na sugurin siya ngayon mismo. Our wedding night is ruined because of her! And so our reputation! Ano na lang ang sasabihin ng mga nakakita nang nangyari? Paano kung umabot sa ilang reporters ang eskandalong ito?!" Humigpit ang yakap sa kanya ni Claude saka ilang beses na umiling."It won't happen, Mom will do everything possible to prevent this from happening. You trust me right? Hindi namin hahayaang masira ang pangalan ng pamilya namin at pamilya mo nang dahil lang sa kanya. Magbabayad siya sa ginawa niya kaya 'wag kang mag-alala, ako na ang bahalang gumawa ng hakbang para rito," mahabang saad ni Claude.Naibsan ang galit na nararamdaman ni Kourtney sa kanyang narinig kaya naman humarap siya rito para pagmasdan ang kabuuan ng kanyang asawa. "Tutulong ako, wala pang kahit na sino ang pwedeng sumira sa pangalan natin nang dahil lang sa nangyaring ito. I will make her regret doing this, because I will make her taste the same thing that happened to her two years ago."Nginitian naman siya ni Claude sa naging sagot nito bago tawirin ang maliit na espasiyo sa gitna nilang dalawa't halikan ang babae na agad naman nitong tinugon.CASUAL na nakaupo si Rosie sa kanyang upuan habang may hawak na champagne at nakaharap sa malaking bintana sa loob ng kanyang apartment. Kumikislap-kislap ang mga ilaw na nagpapaaliw sa kanya pansamatala habang inaalala ang nangyari sa hotel. Kung ano ang inaasahan niyang mangyari, ganun nga ang kinalabasan na mas nagpapagana sa kanya na gawin ang mga susunod pa nitong hakbang.
"Katulad nang inaasahan natin, binayaran at binantaan nila lahat ng mga taong nasa loob ng reception kasama ang mga reporters na agad nilang napigilang ikalat ang nangyari. Kaya mukhang hindi sila gaanong makakaharap bukas ng mga problema patungkol dito," saad ng sekretarya niyang si Lefriya.Sumimsim si Rosie sa hawak niyang champagne bago sagutin ang sekretaryang nasa gilid niya lamang. "Maganda kung ganun, akala ko kailangan ko pang magpadala ng mga knight para alisin ang ala-ala nilang lahat. Speaking of knight, kamusta ang paghahanap niyo sa nakawalang taksil ng angkan?"Nilabas ni Lefriya ang isang tablet kalakip ang isang kakaibang papel na may gumagalaw na mga letra sa loob ng mapang papel. Ngunit mas nangingibabaw ang isang ilaw na gumagalaw sa iba't ibang direksyon. Kinuha ni Rosie ang tablet na may lamang mga impormasyon habang ang papel ay lumutang mismo sa kanyang harapan."Hinahanap na namin at humingi na ako ng tulong sa angkan ng Huringdon para mas mapabilis siyang mahanap. Sa ngayon, may ilang linggo pang natitira bago tuluyang mawala ang ilaw sa mapa na nagsasaad kung saan ito papunta."Muli itong uminom sa hawak niyang alak habang nag-iisip. Binalik niya rin ang tablet kay Lefriya at marahang kinuha ang nakalutang na papel."Pagdating ni Nicklaus, kami mismo ang huhuli sa kanya. Nararamdaman kong malapit lang siya."▪▪▪
Walang anumang iniisip si Claude pagdating niya ng kumpanya sapagkat naayos na lahat ng ina nito ang gulong nangyari sa kasal. Sasama sana si Kourtney sa kanya dahil sa importanteng pagtitipon nila ngayong araw ngunit pinigilan siya ng asawa nito upang siya'y makapagpahinga. Pumayag naman ito matapos ng ilang pagkukumbinsi lalo na't halata sa mukha ng babae ang stress at galit para sa taong sumira ng napaka-importanteng araw niya.
"Good morning, sir nasa loob na po silang lahat," bungad na sabi ng sekretarya nitong lalaki. Binigay niya rito ang hawak niyang bag saka inayos ang kanyang itsura bago senyasan na buksan ang pinto ng conference room.Pagbukas pa lang ng pinto, natigil ang ilang pag-uusap sa loob at halos sabay silang tumayo upang magbigay galang kay Claude na tumatayong CEO ng kumpanya. Kahit na mas matatanda ang iba sa kanya, mas mataas pa rin ang posisyon nito kaya ganun na lang ang pagbibigay nila ng respeto.Dumiretso ito sa gitnang upuan na nakalaan sa kanya kasunod ang kanyang sekretarya na inayos ang nasa mesa nito. Pagkaupo niya roon pa lang umupo ang mga tao na nasundan ng katahimikan ng lahat. Tinignan ni Claude ang orasan sapagkat hindi pa sila makakaumpisa hangga't hindi dumadating ang isang mahalagang taong hinihintay ng mga ito. At ito ang bagong model ambassador ng kanilang kumpanya na pinili ng mga publiko gamit ng online voting.Hindi pa ito nakikita ni Claude dahil naging abala siya sa kasal nila ni Kourtney kaya binigay niya ang trabaho sa isang team ng kanilang kumpanya.Naalis lamang ang tingin niya sa orasan nang bumukas ang pinto na nagpatingin sa mga tao roon kasabay ng kanyang pagtayo. Bumungad sa kanila si Rosie na may suot na glasses habang nakasuot ng pormal na damit at nakasunod ang kanyang sekretarya."I'm sorry for being late," nakangiti niyang sabi. Nilapitan siya ng isang empleyado ng kumpanya at ginayak siya papunta sa nakareserbang upuan malapit lamang kay Claude.Tila hindi masyadong makapagsalita ang lalaki sa nakikita habang sinusundan ng tingin si Rosie na nakatitig mismo sa mata nito. Makikita sa paraan ng kanyang paglalakad ang kapangyarihan na taglay niya kahit na hindi gaano kagarbo ang kanyang suot. Ginawa niyang runway ang conference room sa mala-tubig nitong paglalakad. Isang simpleng dark blue suit, white polo na nakabukas ang buttones na sapat na upang makita ang kanyang collar bone, blacks slacks na hapit sa hita niya at black heels na hindi gaano kataas ngunit nagpapatangkad sa kanya. Nakalugay ang buhok nito na halatang kinulot upang maging wavy at ang kumumpleto ng kanyang suot ay ang wrist watch nito at diamond earrings na halatang mamahalin. "Nice to see you again, Mr. Montreal." Nilahad niya ang kamay niya sa nakatamemeng si Claude na hindi naalis ang tingin sa babae. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita kaya ganito na lang ang gulat niya habang nakatitig dito. Ang ilan sa mga kasa
PAG-UWI ni Claude sa mansiyon, dumiretso siya sa maid's quarter kung saan gulat na napaayos ang ilang nandoon dahil sa pagdating ng kanilang boss. "Nasaan napunta ang suit ko kagabi?" Nagtinginan ang mga katulong sa tanong nito hanggang sa isa sa kanila ang nagsalita. "Nasa labahin na po sir Claude," nakayuko niyang sagot. "Kung hindi pa nalalabhan, ibigay niyo sa akin may naiwan ako roon na importante." Mula sa suot ng maid na nagsalita, nilabas niya ang isang card na nagpakuha ng atensyon ng lalaki rito. Nilahad niya ang card kay Claude. "Ito po ba ang hinahanap ninyo? Ito po kasi ang nakita ko sa loob bukod sa panyo po," magalang niyang sagot. Mabilis na kinuha ni Claude ang card at tinignan ang laman. Hindi naman siya nadismaya nang makita ang isang address na nakalagay sa loob na kusang nagpangiti sa kanya. "Salamat, maaari na kayong bumalik sa mga ginagawa niyo." Dere-deretso siyang umalis sa quarter kung
"Gagawa ba ako ng eksena sa kasal niyo kung hindi? Magpapakilala ba akong asawa mo kung ayaw ko na sa'yo? No, Claude and that's how much I love you thinking that in the last two years I got better just for you. I want you back, but we are both in a relationship. Kinuha ko lang ang pagkakataon na ito para makasama ka bago dumating ang boyfriend ko," mahaba nitong saad. Yumuko siya at binitawan ang hawak niyang utensils. Nang makita ni Claude na parang naiiyak ito, tumayo siya't nilapitan ang babaeng napaangat ang tingin. "To be honest, I don't know how I'll feel about it because it's so fast. Masyadong mabilis mula sa pagdating mo hanggang ngayong magkasama tayong dalawa. But..." sabi niya saka hinawakan ang baba nito. "I know I can't stop thinking about you since the day we kissed in the elevator. Until now I want to kiss you again 'until I can find the answer if I still love you too." "Love me, Claude. If you do, I'll make sure I'm all yours." Na
NAGISING si Claude sa loob ng isang kwarto na bukas ang bintana't malayang pumapasok ang hangin at ilaw na galing sa araw. Pumikit muna siya saglit bago umupo't libutin ng tingin ang buong silid. Napahawak siya sa kanyang ulo, pilit na inaalala ang nangyari kagabi. "Ano bang nangyari?" Sa muli nitong pagpikit, parang flashback na bumalik sa kanya ang lahat ng nangyari kagabi. Ang tanging naalala lang nito ay ang huling sinabi ng babae na parang bumulong sa kanyang tainga. "You don't have to do anything, ang gusto ko lang ay sa akin lang dapat ang buo mong atensyon. And if you realized that you still love me, I will be with you kahit na marami pang pumigil. For now, I am your gift." "Unwrap me, Claude. Unwrap your gift." Kumunot ang noo nito dahil hanggang doon lang ang ala-ala na bumalik sa kanya, pinilit niya pang alalahanin ang iba ngunit hanggang doon lang na ipin
SA loob ng isang mamahaling restawran, sinalubong ng isang waiter ang mag-asawang Claude at Kourtney. Ginayak niya ito sa pina-reserve nilang mesa para sa kanilang dalawa. Makikitang wala masyadong mga tao sa loob lalo na't tanging mga mayayaman na tao lamang ang pumupunta rito. Mga taong kayang bayaran ang napakamahal na pagkain na binibili ng mga taong katulad nila Claude. Sa pag-upo nila, agad silang inasikaso ng ilan pang mga waiter kung saan may nilapag na bouquet ang isa sa harap ni Kourtney. Isa itong palunpon ng blue roses na paborito ng babae. "Hindi mo talaga kinalimutan, thank you," masayang pasasalamat ni Kourtney kay Claude na inamoy pa ang magandang bulaklak. Humawak ang lalaki sa kamay nito na nakalapag sa mesa. "Syempre naman, hindi ko kayang kalimutan ang pagkagusto mo sa bulaklak na 'yan. So... anong gusto mong kainin?" Binaba ng babae ang bulaklak sa gilid saka bumitaw muna sa pagkakahawak sa ka
SA loob ng opisina ng kumpanya ni Claude, nakaupo ito habang nakaharap sa kanyang computer. Kahit na maraming gagawin at tambak 'to ng gawain, hindi niya magawang magpatuloy dahil sa malalim nitong iniisip.Kahit saan siya tumingin, tanging mukha ni Rosie ang kanyang nakikita. Hindi siya makapakali kung ano ba ang dapat niyang gawing kilos. Matapos nang nangyari na pag-iwas nito sa kanya sa loob ng restawran, hindi na siya makapakali't gustong puntahan ang dalaga. Naging kalaban nito ang sarili na naging dahilan upang mawala ang atensyon niya sa trabaho.Mahabang buntong hininga ang kanyang iniwan bago ibaba ang hawak nitong papeles at tumayo upang umalis. Pinatay niya rin muna ang computer saka kinuha ang suit nitong black sa upuan, bago nagtuloy na lumabas ng opisina.'Pupunta na lang ako sa bar.'Sinalubong pa siya ng sekretarya nito sa kanyang paglabas, ngunit sinabihan ni Claude ang sekretarya na kapag may nagtanong k
Tinabig ni Nicklaus ang kamay niyang nasa balikat pa rin nito't nilingon si Rosie na sinenyasan ito gamit ng kanyang mata. Nakuha ng lalaki ang ibig sabihin ng senyas na 'yon. Sa muling pagharap niya sa lalaki, nagsimulang maging pula ang mata nito't ngisihan ang lalaking naalis ang ngisi sa labi."Hindi naman namin kailangan ng sagot niyo sa ngayon," mahinang saad ni Nicklaus.Gamit ng matutulis nitong kuko, binaon niya ito sa leeg ng lalaking hindi agad nakalayo sa mabilis na kilos ni Nicklaus. Naalarma ang kasamahan nito't susugurin sana ang lalaki ng isang kisap matang harangan ni Rosie ang tatlo.Kinuha niya ang kanina niya pang hawak sa kanyang bulsa't hinarap sa mga 'to. Isa itong silver crucifix necklace na may basbas galing sa simbahan, na tanging ang katulad ni Rosie na kalahating bampira ang makakahawak ng hindi siya nasasaktan. Winasiwas niya ang kwintas na nagpaurong sa mga 'to."Hindi namin kailangan ng panibago
"Hon... look, I'm sorry sadyang pagod lang ako sa trabaho," sabi ni Claude na pilit sinusuyo ang asawang pilit din siyang nilalayuan."Kourtney kausapin mo naman ako," muling pakiusap ng lalaki na lakad takbong sinundan ang asawa. Maagap niya pang hinawakan ang kamay nito na nagpahinto sa babaeng inis siyang hinarap."Sa tingin mo kakausapin kita matapos ng naging pagtrato mo sa akin? Hindi pa tayo ganun katagal na kinasal pero ang bilis mong magbago."Ramdam ni Claude ang kaunting inis sa aksyon nito ngunit hindi niya pinakita't hinapit sa bewang ang asawa. "I'm sorry, ano ba ang pwede kong gawin para mapatawad mo ako?"Tinabig ni Kourtney ang kamay sanang hahaplos sa pisngi nito. "Be honest at sabihan mo ako kung saan ka nagsusuot suot. Sinabi sa'kin ng sekretarya mong may meeting ka pero umuwi ka kagabi ng lasing. Kaya sabihin mo, totoo bang meeting ang pinuntahan mo kagabi't hindi iba?""Meeting ang pinuntaha