SA loob ng opisina ng kumpanya ni Claude, nakaupo ito habang nakaharap sa kanyang computer. Kahit na maraming gagawin at tambak 'to ng gawain, hindi niya magawang magpatuloy dahil sa malalim nitong iniisip.
Kahit saan siya tumingin, tanging mukha ni Rosie ang kanyang nakikita. Hindi siya makapakali kung ano ba ang dapat niyang gawing kilos. Matapos nang nangyari na pag-iwas nito sa kanya sa loob ng restawran, hindi na siya makapakali't gustong puntahan ang dalaga. Naging kalaban nito ang sarili na naging dahilan upang mawala ang atensyon niya sa trabaho.
Mahabang buntong hininga ang kanyang iniwan bago ibaba ang hawak nitong papeles at tumayo upang umalis. Pinatay niya rin muna ang computer saka kinuha ang suit nitong black sa upuan, bago nagtuloy na lumabas ng opisina.
'Pupunta na lang ako sa bar.'
Sinalubong pa siya ng sekretarya nito sa kanyang paglabas, ngunit sinabihan ni Claude ang sekretarya na kapag may nagtanong k
Tinabig ni Nicklaus ang kamay niyang nasa balikat pa rin nito't nilingon si Rosie na sinenyasan ito gamit ng kanyang mata. Nakuha ng lalaki ang ibig sabihin ng senyas na 'yon. Sa muling pagharap niya sa lalaki, nagsimulang maging pula ang mata nito't ngisihan ang lalaking naalis ang ngisi sa labi."Hindi naman namin kailangan ng sagot niyo sa ngayon," mahinang saad ni Nicklaus.Gamit ng matutulis nitong kuko, binaon niya ito sa leeg ng lalaking hindi agad nakalayo sa mabilis na kilos ni Nicklaus. Naalarma ang kasamahan nito't susugurin sana ang lalaki ng isang kisap matang harangan ni Rosie ang tatlo.Kinuha niya ang kanina niya pang hawak sa kanyang bulsa't hinarap sa mga 'to. Isa itong silver crucifix necklace na may basbas galing sa simbahan, na tanging ang katulad ni Rosie na kalahating bampira ang makakahawak ng hindi siya nasasaktan. Winasiwas niya ang kwintas na nagpaurong sa mga 'to."Hindi namin kailangan ng panibago
"Hon... look, I'm sorry sadyang pagod lang ako sa trabaho," sabi ni Claude na pilit sinusuyo ang asawang pilit din siyang nilalayuan."Kourtney kausapin mo naman ako," muling pakiusap ng lalaki na lakad takbong sinundan ang asawa. Maagap niya pang hinawakan ang kamay nito na nagpahinto sa babaeng inis siyang hinarap."Sa tingin mo kakausapin kita matapos ng naging pagtrato mo sa akin? Hindi pa tayo ganun katagal na kinasal pero ang bilis mong magbago."Ramdam ni Claude ang kaunting inis sa aksyon nito ngunit hindi niya pinakita't hinapit sa bewang ang asawa. "I'm sorry, ano ba ang pwede kong gawin para mapatawad mo ako?"Tinabig ni Kourtney ang kamay sanang hahaplos sa pisngi nito. "Be honest at sabihan mo ako kung saan ka nagsusuot suot. Sinabi sa'kin ng sekretarya mong may meeting ka pero umuwi ka kagabi ng lasing. Kaya sabihin mo, totoo bang meeting ang pinuntahan mo kagabi't hindi iba?""Meeting ang pinuntaha
"All of what I said is true, Claude. From the beginning... all of what I said is true. I still love you but we both have a future family already. Masyado akong naging sakim at hindi man lang naisip ang mga taong masasaktan ko kapag nagpatuloy ako." Pinilit ni Rosie na umiyak kung saan agad na napawi ang inis ni Claude ng makita ang babaeng umiiyak."I-I'm sorry..." tanging nasabi ni Claude. Gamit ng isa niyang kamay, pinunasan nito ang kanyang luha. Kusa namang yumakap si Rosie sa kanya na malugod niyang niyakap pabalik."I love you Claude, pero hanggang dito na lang tayo."Mabilis na umiling ang lalaki. "No, Rosie. Hindi ako papayag."Humiwalay ng yakap si Rosie saka pinunasan ang luha nito. Tinulak niya pa ng mahina si Claude upang magkalayo silang dalawa."Claude, let's just go on our own ways. Let's end this habang maaga pa. Hindi ako katulad ng asawa mo na kayang umagaw ng may asawa na.""Pero paano n
Nakangiting umuwi si Claude dahil sa pag-aakalang buong araw niyang kasama si Rosie kahit na hindi naman. Binigyan ni Nicklaus ang lalaki ng isang ilusiyon nito sa panaginip saka naghintay bago ito gisingin sa loob ng kanyang sasakyan. Inasikaso rin niya si Kourtney na hinanap ang asawa ng bumalik ito sa mall.Katulad ng ginawa ni Nicklaus kay Claude, pinasok niya rin sa isang ilusiyon ang utak ni Kourtney, kung saan may importante siyang pinuntahan kaya hindi na niya nakita si Claude. Ginawa niya ito upang sumunod ang lahat sa kanilang plano."Claude," tawag ni Mrs. Camilla sa kanyang anak na nagpahinto rito sa pagpasok sa loob ng mansion."A pleasant evening, Mom," masayang bati nito na lumapit sa kanyang ina't iniwan ng halik sa kanyang kaliwang pisngi.Pagkahiwalay ng lalaki, hindi man lang nagbago ang seryosong ekpresiyon nito. Tinignan pa ng ginang ang lalaki sa mata dahil magmula noong matapos ang kasal, ngayon niya lang ito
Sa isang iglap, tinawid ni Claude ang espasiyo sa kanilang dalawa't siniil ng halik ang asawa na uhaw sa halik nito. Binato pa nito ang libro sa kung saan upang malaya siyang ipulupot ang kamay sa leeg ng asawa."Let me taste you tonight, honey."PUNO ng ngiting pumasok si Kourtney sa kumpanya. Ang maalala lamang ang nangyari kagabi kasama si Claude, ay isa sa mga nagpaparamdam sa kanya ng saya. Iyon ang unang gabi nila bilang mag-asa kaya naman, ganoon na lamang siya kasaya."Mrs. Montreal," gulat na tawag ng sekretarya ni Claude pagdating nito sa floor ng kanilang opisina."Bakit parang gulat ka ata? Nasaan si Claude? I want to surprise him." Sumilip si Kourtney sa bukas na pinto ng opisina ng asawa ngunit ni anino nito'y hindi niya nakita. "Nasaan siya?""Nasa--"Bago pa man matapos ng sekretarya ang sasabihin nito, napatingin si Kourtney sa pagbukas ng elevator. Inaasahan niyang si Claude ang makikita. Ngunit ganu
GALIT na pumasok sa mansyon si Kourtney kung saan mabilis na kinuha ng kasambahay ang bag nito ng kanya itong iabot. "Nasaan si Claude?!" galit na tanong nito sa kasambahay na kumuha ng kanyang bag. "Nasa opisina niya po, kakarating lan--" Hindi na natapos ng kasambahay ang sasabihin nito ng tuloy-tuloy na naglakad si Kourtney patungo sa opisina ng kanyang asawa. Walang katok-katok niyang binuksan ang pinto't malakas na sinara pagpasok nito. Natigil si Claude sa pagkuha ng libro sa kanyang bookshelf at napatingin kay Kourtney na may halong kaunting gulat sa kanyang mukha. Tuluyang kinuha ni Claude ang libro't lumapit sa asawa niyang hindi maipinta ang mukha. "Niloloko mo ba ako, Claude?" may pagtitimping tanong nito. Kumunot ang noo nito't nilapag ang libro sa malapit na mesa sa kanyang kaliwa. "What do you mean? What happen?" takang sagot nito na pilit hinahanap ang sagot sa mukha ng kanyang asawa.&
"Baki--" "I missed you so much," bulong ni Claude na hinila payakap sa kanya ang dalaga. Hindi naman umimik si Rosie at lihim na napangisi. Hindi pa man nito masyadong ginagamit ang kanyang abilidad upang akitin ang dating asawa, mukhang nagkaroon na ito ng epekto sa kanya lalo na sa ipinapakita ng lalaki. "I missed you too." Humiwalay sa yakap si Claude at mariing napatingin sa mukha ng babae. Gusto niya mang halikan ito, kanyang pinipigilan ang sarili dahil natatakot siyang baka matakot niya si Rosie. Ramdam ni Rosie ang pagpipigil nito na hindi siya halikan. Kita niya pa mismo kung paanong ilang beses na lumunok si Claude. Imbis na iwasan, binasa ni Rosie ang kanyang labi gamit ng dila nito bago saglitang kagatin ang kanyang pang ibabang labi. Mas lalo lamang nabasag ang pagtitimpi ni Claude ngunit hindi niya pa rin tinangkang halikan ang babae. Bagkus, lalayo na sana ito ng hilain ni Rosie ang necktie
Pinanood ni Rosie si Claude habang paalis ang kotse nito sa harap ng kanyang apartment. Nang masigurong ito'y nakaalis na, doon pa lang siya pumasok sa loob. Sa kanyang pagpasok, nadatnan niya si Nicklaus na umiinom ng whiskey. Nilapag muna ni Rosie ang kanyang bag sa ibabaw ng mesa saka lumapit kay Nicklaus. Paglapit nito, napansin niya ang isang pahilom pa lang na sugat sa kamay nito. "Anong nangyari sa kamay mo?" takang tanong ni Rosie habang nakatuon ang tingin nito sa kamay ng lalaki. Binaba saglit ni Nicklaus ang hawak niyang baso't tinignan ang mismo nitong kamay. "Nakalaban ko ang Crimson clan kanina. Nakuha ko na at nahanap si Vignor pero sumulpot sila," dismayadong sagot nito. Sumeryoso ang mukha ni Rosie. "Saan mo sila nakita?" "Sa kakahuyan," sagot ni Nicklaus bago tuluyang ibaba ang baso sa kalapit niyang mesa. "Halatang tinutulungan nila ito, pero si Claude... mukhang binabantayan nila siya at sinusundan." Nawala na lang