"Baki--"
"I missed you so much," bulong ni Claude na hinila payakap sa kanya ang dalaga.
Hindi naman umimik si Rosie at lihim na napangisi. Hindi pa man nito masyadong ginagamit ang kanyang abilidad upang akitin ang dating asawa, mukhang nagkaroon na ito ng epekto sa kanya lalo na sa ipinapakita ng lalaki.
"I missed you too."
Humiwalay sa yakap si Claude at mariing napatingin sa mukha ng babae. Gusto niya mang halikan ito, kanyang pinipigilan ang sarili dahil natatakot siyang baka matakot niya si Rosie.
Ramdam ni Rosie ang pagpipigil nito na hindi siya halikan. Kita niya pa mismo kung paanong ilang beses na lumunok si Claude. Imbis na iwasan, binasa ni Rosie ang kanyang labi gamit ng dila nito bago saglitang kagatin ang kanyang pang ibabang labi.
Mas lalo lamang nabasag ang pagtitimpi ni Claude ngunit hindi niya pa rin tinangkang halikan ang babae. Bagkus, lalayo na sana ito ng hilain ni Rosie ang necktie
Pinanood ni Rosie si Claude habang paalis ang kotse nito sa harap ng kanyang apartment. Nang masigurong ito'y nakaalis na, doon pa lang siya pumasok sa loob. Sa kanyang pagpasok, nadatnan niya si Nicklaus na umiinom ng whiskey. Nilapag muna ni Rosie ang kanyang bag sa ibabaw ng mesa saka lumapit kay Nicklaus. Paglapit nito, napansin niya ang isang pahilom pa lang na sugat sa kamay nito. "Anong nangyari sa kamay mo?" takang tanong ni Rosie habang nakatuon ang tingin nito sa kamay ng lalaki. Binaba saglit ni Nicklaus ang hawak niyang baso't tinignan ang mismo nitong kamay. "Nakalaban ko ang Crimson clan kanina. Nakuha ko na at nahanap si Vignor pero sumulpot sila," dismayadong sagot nito. Sumeryoso ang mukha ni Rosie. "Saan mo sila nakita?" "Sa kakahuyan," sagot ni Nicklaus bago tuluyang ibaba ang baso sa kalapit niyang mesa. "Halatang tinutulungan nila ito, pero si Claude... mukhang binabantayan nila siya at sinusundan." Nawala na lang
HUMINTO ang sasakyan sa harap ng isang malaking mansyon na triple ang laki sa malacañang. Nakabase ang mansyon na ito sa gitna ng malawak na kagubatan na napapalibutan ng matatayog na pader na nababalutan ng ilang halaman. Sa bungad papasok sa mansyon, makikita ang makapal at matibay na itim na gate na may ilang nakabalot na halaman. Bumukas ang gate kaya malayang pumasok ang sasakyan sa loob. Sakay nito sila Rosie at Nicklaus na nakasuot ng purong itim na damit. Inabot ng tatlong minuto ang dalawa hanggang marating nila ang mismong mansyon. Pagkahinto ng sasakyan, doon pa lang sila lumabas at tahimik na pumasok sa loob. Katulad ng gate, kusang bumukas ang napakalaking pinto kaya nanguna si Rosie sa pagpasok sa loob. Malamig na hangin ang bumungad sa kanila kasunod ng ilang bampirang tumingin sa kanilang pagpasok. Walang imik lamang na naglakad ang dalawa hanggang marating nila ang dulong bahagi ng mansyon. Sa dulo nito nakalagay ang ilang upuan ng council na napahin
Sakay ng yate ang mag-asawang Kourtney at Claude upang ituloy ang naudlot nilang honeymoon. Dumaong ito sa isang pribadong isla kung saan tanging mga mayayamang tao lamang ang pumupunta. Isa sa dahilan dito ay dahil sa mahal ng kanilang tutuluyan sa isla, kasama na roon ang mga iba pang aktibidad na doble o dikaya'y triple ang bayad kumpara sa iba. "Welcome, Mr. and Mrs. Montreal," nakangiting bati ng isang babaeng sumalubong sa kanila pagbaba ng kanilang yate. Inalalayan pa ni Claude si Kourtney sa pagbaba nito hanggang sila'y maglakad palapit sa babae. May mga tao ring kumuha ng kanilang mga bagahe, kung saan kanila na nitong diniretso sa kanilang titirahan sa isla. Puno ng sigla ang dalawa lalo na si Kourtney na gusto talagang makapag-relax. Ramdam din niya ang excitement lalo na't ito ang araw upang walang makasira ng perpektong honeymoon na kanyang inaasam... 'yun ang inaakala niya. Sa paglakad nila patungo sa mismong isla, natigil ang dalawa ng ma
Tanging pilit na ngiti naman ang sinagot sa kanya ni Claude. "Kanina pa kita tinatawag kaya naisip kong tawagin ang pangalan mo para tumingin ka sa akin. Tell me, ano bang problema?" malumanay na sagot nito. "Alam mo kung anong problema, Claude. At naiinis akong isipin na nandito siya para sirain ang pamamalagi natin dito." Hinawakan ni Claude ang kamay nito't kanyang hinalikan. Tumitig din siya sa mata ng asawang puno ng inis ang makikita. "Alam ko, pero katulad ng sinabi ko, hayaan na natin sila. Hahayaan mo na lang bang sirain ni Rosie ang honeymoon natin? Nandito tayo para magsaya, hindi para isipin sila." "Kung bakit naman kasi nandito siya! Paniguradong sinadya niya ito!" nanggagalaiting sabi ni Kourtney. Patuloy lang namang hinalikan ni Claude ang kamay ng asawa't nginingitian siya. "Forget about them, sa akin mo lang ituon ang atensyon mo," malambing na sabi nito na nagpakalma kahit papaano sa asawa. "Oh, really?! Oh my
May ngiting pumasok si Nicklaus at Rosie sa loob ng kumpanya nila Claude. Ngayong araw na ito ang isang espesyal na event para sa bagong promotion ni Rosie bilang model ng kumpanya. Nakadalo ang lahat at halos lahat ng atensyon ng mga reporters ay nasa dalawang papasok sa loob ng gusali. Nakapulupot ang kamay ni Nicklaus sa bewang ng kasintahan habang papasok sa loob. Nakangiti namang binabati ni Rosie ang mga sumasalubong sa kanila. Huminto lamang ang dalawa nang makasalubong nila ang mag-asawang Claude at Kourtney. "A pleasant morning, Mr. and Mrs. Montreal," nakangiting bati ni Rosie sa dalawa. Kahit naiinis si Kourtney, tanging pilit na ngiti ang sagot niya rito bago ipulupot lalo ang kamay niya sa braso ng asawa. Si Claude nama'y hindi maalis ang tingin sa kamay ni Nicklaus, na sa isip niya'y siya lang dapat ang nakakahawak ng ganyan sa dalaga. Magmula kasi noong huli nilang pag-uusap sa isla, napag-alaman na lamang ng lalaki na umalis na sila kina
Katulad sa pagsisimula nito sa kanyang kwento, inobserbahan ni Rosie ang matanda kung may alam ba siya sa dati nitong asawa. Tinitignan niya kung may alam ba ito sa pagkabampira nito sa pamamagitan ng pagtitig niya sa kanyang mata. Ngunit mukhang magaling magtago ang matanda ng sekreto dahil ni isang reaksyo'y walang nakuha si Rosie. Ganun pa rin ang kanyang ekspresyon kahit na pilit pinapakiramdaman ng dalaga ito. Sa hindi mawaring dahilan, wala siyang maramdamang kakaiba sa kanya. "Alam niyo ba ang naging katapusan ng kwento?" pagtatanong ni Rosie na umalis sa pagkakasandal. Tumagilid pa kaunti ang ulo nito't pinagmasdan ang buong mukha ng matanda. "Sa huli, nawala sa lahi ng mga bampira ang angkan na iyon. Nakakatuwa lang dahil tama lang sa kanilang mamatay. Dahil dapat parusahan ang mga katulad nilang walang tamang nagagawa sa mundong ito. Kung tutuusin, napakagaling ng sumulat ng kwentong iyon. Alam niyo kung bakit?" Sinandal ni Rosie ang kanyang ulo sa kamay nitong n
SA loob ng isang malaking mansyon, napupuno ng mga kumikinang na palamuti ang kabuuan nito. Marami ring dumadalong mga tao upang makisaya sa araw ng engagement party nila Aonani at Nicklaus. Sa bawat taong pumapasok sa loob, ganun naman karangya ang kanilang suot mula sa mga dala nilang sasakyan. Patalbugan ang mga ito ng kanilang mga mahal na kasuotan na halos ang iba'y magyabang na. "Nandyan na siya," bulong ni Nicklaus kay Rosie nang maramdaman nito ang presensya ni Claude na nagmumula sa labas ng mansyon. Tanging pagngiti ang sinagot ni Rosie saka patuloy na binabati ang mga pumapasok. Sa suot at itsura ngayon ng dalaga, halos lahat ng tingin ay napupunta sa kanya. At ang mga ito ay mga kalalakihan na pasulyap sulyap dito. Kahit kasi pulang slit dress ang kanyang suot, mas kumikinang siya dahil sa kaputiang meron ito. Mapupula rin ang kanyang labi na ang kulot niyang buhok ang nagpapaangat ng kanyang ganda. Isama pa ang paraan ng pagngiti nito at pa
Natigil sa paglayo si Rosie at mariing napatitig sa mata ng lalaki na napupuno ngayon ng inis. Bumuntong hininga pa ito bago muling magsalita. "Fine, tell me your reason. Bakit ka nandito? And I know kung bakit ayoko mo sa akin. I'm sorry for what I did to your mother but I think, we really have to end this." "No!" pikit matang sagot ni Claude na kaunting humigpit ang hawak kay Rosie. Tinulak niya ang babae sa kama saka tinungkod ang kamay sa magkabilaang gilid nito. Napahiga pa kaunti si Rosie nang maglapit ang mukha nilang dalawa. "I don't care what you did to Mom, because I hate you for how you're playing with my feelings.""Hindi ko pinaglalaruan ang damdamin mo Claude, ilang beses kong sinabi sa'yong tapusin na na--""Then why?!" malakas na sigaw ng lalaki. "Why did you say to me how much you love me?! Bakit?! Bakit pinaasa mo ako kung sa huli wala rin pa lang patutunguhan ang meron sa ating dalawa? Asawa pa rin kita, Rosie. At sa sinabi mo