Share

Chapter 10.2

Tanging pilit na ngiti naman ang sinagot sa kanya ni Claude. "Kanina pa kita tinatawag kaya naisip kong tawagin ang pangalan mo para tumingin ka sa akin. Tell me, ano bang problema?" malumanay na sagot nito.

"Alam mo kung anong problema, Claude. At naiinis akong isipin na nandito siya para sirain ang pamamalagi natin dito."

Hinawakan ni Claude ang kamay nito't kanyang hinalikan. Tumitig din siya sa mata ng asawang puno ng inis ang makikita. "Alam ko, pero katulad ng sinabi ko, hayaan na natin sila. Hahayaan mo na lang bang sirain ni Rosie ang honeymoon natin? Nandito tayo para magsaya, hindi para isipin sila."

"Kung bakit naman kasi nandito siya! Paniguradong sinadya niya ito!" nanggagalaiting sabi ni Kourtney.

Patuloy lang namang hinalikan ni Claude ang kamay ng asawa't nginingitian siya. "Forget about them, sa akin mo lang ituon ang atensyon mo," malambing na sabi nito na nagpakalma kahit papaano sa asawa.

"Oh, really?! Oh my
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status