"BALITA KO may gagawin ka raw mamayang gabi? Ano na naman ang kagaguhan mong pina-plano, Laird? Hanggang ngayon ba naman hindi ka parin nagbabago? Ano na lamang ang sasabihin nila tita at tito, sa'yo?"
I just smirk when I heard again the voice of my long bestfriend. It's irritating lalo pa't nagsisimula na naman siya sa panenermon nito. Hindi na nakakatuwa minsan kung alam niya lang.
I sip a coffee from my mug before I stare at her. "Wala akong pina-plano, Miona. Masyado ka talagang advance mag-isip. Kaya tigilan mo na ang kakasermon sa akin, hindi na nakakatuwa."
Tinaasan niya ako ng kilay gaya ng mga ginagawa niya simula noon. "Ang sabihin mo ayaw mo na naman tanggapin ang katotohanan, hanggang kailan ka magpapaka-bayani? Hanggang sa ikaw na ba ang malagay sa panganib?"
"Pwede ba pakihinaan ang boses mo? Baka may makarinig sa sinasabi mo, Miona."
Natigilan ito dahil sa aking sinabi at nagpalinga-linga sa paligid. I sigh, like how was before
ISANG IGLAP nawala ang lahat. Sa paghahanap ng katotohanan nalalagay ang buhay ng isang tao sa panganib. Isang paghahangad na malaman ang katotohanan, ay may nagbuwis ng buhay para lang sa kaligtasan ng lahat. Isang pinakamagaling na detective sa aming grupo.Bang! Bang!Hindi pa nakontento ang salarin sa pagbaril ng isa kundi tinatlo pa niya. Uminit ang ulo ko saka binunot ang aking baril na nasa tagiliran ng aking bewang. Halos kaming lahat ay nakahanda na sa maaaring mangyari. Napadako ang aking tingin sa duguang bangkay ni 704.Hindi ko alam ang aking gagawin. Nagdadalawang isip ako kung ano ang aking uunahin. Ang duguang katawan ni 704, o, ang hanapin kung sino ang nagpaputok ng baril mula sa labas.Sa huli, napagdesisyunan kong isukbit muli ang aking baril sa bewang at lumapit sa katawan ni 704 na ngayo'y nag-aagaw buhay."Shit! This is not happening," I mumbled.
INIHATID NG ISA naming kasama na si 702, si Miss Jennifer sa burol ng Ama nito. Naiwan kaming apat sa mansyon. Hanggang ngayon hindi ko parin maiwasan ang mapa-isip ng malalim dahil sa mabilisang pangyayari ngayong gabi.Halos sasabog na ang ulo ko sa kakaisip ng dahilan at scenario na sasagot sa kasong ito. Kahit kailan hindi kami pumalpak at naisahan, ngayon lang ito nangyari. May mali. May mali sa lahat nang 'to. Iyon ang kailangan naming pag-aralan at pagtuonan ng pansin.Nagsimula na akong humakbang papunta sa aking kotse na nakaparada sa garahe ng magpamilyang Caline. Umismid ako nang sumunod sa 'kin ang aking nga kasamahan."Nasaan ang kotse niyo?" Tanong ko sa kanila."Nakisabay lang kami kanina kay 701. Pero dahil wala siya ngayon dito, sa'yo na kami sasabay," mabikisang sagot ni 706.Umiling ako saka pumasok na sa kotse ko. Wala na akong magagawa pa kundi hayaan na lamang silang pumasok sa kotse ko.Ta
PINAKATITIGAN KO ng mabuti ang litratong ibinigay sa akin ni Miona . “Anong meron dito?” taka kong tanong sa kaniya na siyang ikinataas niya ng tingin sa akin. Inilapag ko sa mesang nasa harapan namin ang litrato.Tumingin-tingin siya sa paligid bago niya sinagot ang aking tanong., “Di ba sinabi mo sa akin na kailangan mo mahanap ang totoong suspect na pumatay kay Mister Caline, iyan na iyon Laird. Makakatulong ang litratong iyan. Ayon sa aking source na nakuha, isa raw iyang matinding kalaban dati ni Mister Caline sa negosyo, at dahil nga naunang umunlad si Mister Caline. Poot at inggit ang nangibabaw sa puso ng kaibigang iyan ni Mister Caline.”Napahilot ako sa aking sintido dahil sa sinabing iyon ni Miona. Tinitigan ko siya ng masama. “Hindi mo kailangang gawin ito Miona, mapapahamak ka lang. Kung ayaw mong mapa-aga at mapa-bilis ang pagpapaalam mo rito sa mundo. Huwag kang gagawa ng mga bagay na ikap
MALAKAS na ihip ng hangin ang bumalot sa buo kong katawan nang bumaba ako ng aking kotse. Sa buong pagkatao ko ngayon lamang ako nakaramdam ng pagkasabik at pagkalinga sa pagmamahal ng isang magulang. Ni minsan hindi ko manlang naramdaman ang pagmamahal nila sa akin. Mas lumaki kasi ako sa poder ng Lolo at Lola ko na wala sila. Sa mga oras na kailangan lang nila akong makita doon lang nila ako pupuntahan sa Hedalgo Shrine. Bibisitahin at sesermunan sa lahat ng mga kasalanan at kapalpakan kong ginagawa.Sa pagdadala ko ng kahihiyan sa kanilang angkan. Its hurt yet its nice. Iyon ang dahilan kung bakit ako ngayon ganito. Kung bakit ako naging isang agent at bigyan ng hustisya ang mga taong namatay na walang kalaban-laban. Naging ganito ako dahil sa mga magulang kong matagal na akong itinatakwil at isinusuka ng kanilang mga puso at pag-aaruga.Simula bata palang hindi ko na ramdam ang kanilang pagpapahalaga at pagmamahal sa akin bilang anak. Mas mahal nila ang kanil
ILANG ARAW ang lumipas bago ang tagpong nangyari sa Hedalgo Shrine at balik ulit ako sa aking trabaho. Sinalubong agad ako ni Lolo pagkapasok na pagkapasok ko sa aming hide out. “How’s my grandson? Kamusta ang pagkikita niyo ng mga magulang mo?”Napangisi ako nang marinig ang tanong sa akin ni Lolo. “Nothing change, Lo. Pareho pa rin ng dati,” tamad kong sagot rito. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at gusto ko ngayong lokohin ito.Ganoon na lamang ang halakhak nito na pumuno sa buong silid dahil sa aking sagot rito na siyang aking ikinailing. “Hindi mo ako ulit maloloko, 707. Tinawagan ako kagabi ng mama mo. At hindi niya maipaliwanag ang saya niyang nararamdaman nang ibalita niya sa akin na nagkabati na kayong tatlo.”Napailing-iling ako. “Nauna pa pala si Mama na balitaan ka,” natatawa ko ring litanya.Umupo ito sa swivel chair saka seryoso
“SA NGALAN ng Ama, ng Anak, ng Espirito Santo—”“707, 703, 705 at 701 may mga armadong kalalakihan ang dumating sa hindi kalayuan. Sakay sila ng itim at abong kotse malapit sa isang malaking puno sa kaliwa sa inyong harapan.” Umigting ang aking panga nang marinig ang sinabi sa kabilang linya ni 702.Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuang lugar at napatigil ang aking mga mata sa malaking puno sa hindi kalayuan. Hinanap ko ang itim at abong kotse na kakarating lang doon.“Humanda kayo, 703, 705 at 701 marami ang kalaban natin,” bulong ko sa aking mga kasamahan na tulad ko ring nakatingin sa aking tinitingnan.Ngumisi ako nang mabilang ko kung ilan ang kalaban namin lahat. Dalawampu’t dalawa sila, napatingin ako kay Lolo nang sikuhin niya ako. Alam kong sinasabi niya rin sa akin na nakita niya na ang nakikita ko. Kahit gaano pa kami kahanda sa ganit
PINAKATITIGAN ko ng mabuti ang papel na aking hawak-hawak. Isang malaking negative ang nakasulat sa ibaba ng papel. Ang nagpapatunay ng hinala ko. Ang hinala ko noon pa mang unang napunta ako sa misyong ito. Masama ito, masamang-masama. Hindi ako makapaniwala.Iiling-iling ako habang isinisilid sa aking dalang jacket ang papel na iniabot kanina ng aking utusan. Itinago ko iyon sa bulsa ng aking jacket sa loob. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa aking sariling opisina rito sa head quarter.Agad kong kinuha ang attache case ko saka binuksan iyon. Pinakatitigan ko ang singsing saka naningkit ang aking mga mata.Ngumusi ako saka napailing. Hindi ako makapaniwala. Sa lahat ng pwedeng taong pumatay kay Mister Caline, bakit siya pa? Ganoon na ba siya kagalit at napatay niya ito?Ngayong alam ko na kung sino ang tunay na salarin. Kailangan ko munang humanap ng sapat na ebidensya para tuluyan na siyang
"HINDI KO alam kung ano ang nangyari, anak. Pagkakita ko na lamang sa kaniya nakahandusay na siya at naliligo sa masaganang dugo...anak..sino ang pwedeng may gawa nito? Wala namang kalaban ang Papa mo pero bakit ito nangyayari?"Kitang-kita ko sa mga mata ni Mama ang paghihinagpis habang humahagulhol sa iyak. Yakap-yakap nito ang sarili habang naghihintay kami sa labas ng operating room.Hindi ko mapigilan ang maikuyom ko ang aking mga kamay dahil sa inis at galit na aking nararamdaman. Mukhang nakatunog na sa akin ang aming kalaban kung kaya't ang pamilya ko na nito ang dinadamay.Parang dinudurog ang puso ko habang pinagmamasdan si Mama na naghihirap sa sakit na nararamdaman. Hinding-hindi ko na pwedeng palagpasin pa ang pangyayaring ito. Kailangan ko nang kumilos para mahuli na siya at hindi na makapangdamay pa ng mga inosenteng tao."Ma..huwag ho kayong mag-alala. Hahanapin ko po kung sino ang may gawa nito. Pagbabayaran